MPB 23 (05.22.15)

6.7K 198 9
                                    


Xandra's POV

"Manang hindi pa rin po ba umuuwi si Kambal?" tanong ko kay Manang pagkarating ko sa kusina.

"Hindi pa Xandra. Ano ba ang gusto mong kainin?" tanong nya habang nagtitingin ng pwedeng maluto sa ref.

"Kahit ano na lang po Manang.." matamlay na sagot ko.

Sigh.

It's been three days since I last saw Xander. Tatlong araw na syang hindi umuuwi dito sa bahay at pumapasok sa school. Nag aalala na ako. Dati naman ay nagpapaalam sya sakin kapag may gagawin sya. Ngayon, ni text o tawag wala akong natatanggap.

Sinusubukan ko syqng tawagan minsan pero wala. Ayaw din. I don't want tell it to our parents dahil panigurado magagalit sila. Alam kong may malalim na dahilan si Kambal kung bakit sya hindi umuuwi. At malalaman ko lang yun kapag nakauwi na sya.

*

"Girlaaa!" my eyes rolled automatically when I heard that voice. Kakapasok ko pa lang sa room at nakitang si Cloud palang ang tao. Ang aga nya masyado. Naupo na ako sa gitna ng bakanteng upuan nila Cliff at Maki.

Ganito kasi ang pwesto namin: Cliff—–Ako-Maki-Cloud. Ang laki ng space sa pagitan namin ni Cliff no? Bwisit kasi e. Ang gulo, at ingay nya. Pati tuloy ako minsan na papagalitan prof namin.

"Goodmorning Girla!" pakiramdam ko ay mabibingi ako sa high pitched voice na ginagamit ni Cloud. Nakakairita at masakit sa tenga. Feeling ko nga ay laging dumudugo ang tenga ko sa tuwing magsasalita si Cloud. Kung minsan naiisipan ko na pasakan ng upuan yung bibig nya. 

Tinitigan ko lang sya nga masama at inirapan. Wala ako sa mood makipaglandian sa kanya. Nai-stress pa rin ako kay Kambal.

"Girla may problema ba?" seryosong tanong nya gamit pa rin ang pangbaklang boses. Tinitigan ko muna sya saglit. Contemplating whether I should talk to him about Xander. Baka mamaya sabihin ko lang pangalan ni Xander magtitili na kagad sya at magkikislot na parang isang malaki at matabang bulate na nilagyan ng magic sarap.

"Huy, girla. Alam kong may problema ka. So spill it." seryosong sabi nya ulit. I sighed and decided to just talk to him.

"Si Xander kasi.." I trailed off. Hinintay ko yung makabasag eardrums nya na tili pero wala. No sound came out from his mouth. "..tatlong araw na syang hindi umuuwi at pumapasok. Nagaalala na ako."

"Alam ko kung saan sya nagpunta.." seryosong sabi nya. Nanlaki kagad ang mata ko at napatingin sa kanya.

"Saan?!" atubiling tanong ko. Binigyan nya muna ako ang isang tipid na ngiti bago magsalita.

"Nasa bahay ko! Nagbabahay-bahayan kami!"

WAPAKK!!

"Punyeta ka! Hindi ako nakikipagbiruan sayo Cloud!" sigaw ko matapos ko syang batukan ng pagkalakas.

"Ajujujuju! Ang shakit nun girlaaa!" nakapout na saad nya habang hinihimas yung parte na binatukan ko.

"Letse ka. Nakikipagusap ako sayo ng matino tapos puro kagaguhan lang sasabihin mo!"

"Ouch ha! Anong kagaguhan? Totoo naman e! May baby na nga kami e! Gusto mo bang maging ninang?"

+__________+

"Hindi ka ba titigil? Gusto mo bang maka-face to face at maka-lips to lips  tong upuan ni Maki?!"

"Ito namang si Girla masyadong highblood hindi mabiro. Hehe.." hindi ko na pinansin si Cloud. Sigh. Nagaalala talaga ako kay Kambal. Wala kasing may nakakaalam kung saan talaga sya nagpunta.

MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon