Chapter XXIII - Ang unang misyon

2.3K 127 19
                                    

"Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwedeng utusan ni Tatang, bakit ako pa?" Pagmamataktol ko habang padabog akong naglalakad pabalik sa kubo.

Nasa may dulong parte na ako ng kakahuyan kung saan natatanaw ko na ang usok na mula sa sumpang pinakawalan ni Bakunawan, natatanaw ko na rin ang ilang mga punong naging biktima ng sumpang iyon.

Ang sabi ni Tatang, 'wag na 'wag daw kaming lalapit sa usok o bumalik ng bayan kung saan naroon ang sumpa, dahil malamang sa malamang daw e meron ng mga nilalang na gumagala sa buong bayan at binabantayan ito.

"Hindi ganoon ka mangmang si Bakunawa para isipin niyang napaslang niya tayo sa ginawa niyang pag-atake, lalo pa't alam niyang kasama ninyo ako. Siguradong pinapunta n'ya roon sa bayan ang kanyang mga kampon para bantayan ang pagbabalik ninyo."

Naalala ko na naman ang mga bilin sa amin ni Tatang noong mga nakaraang araw lang.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan eh kung bakit kailangan pa n'yang atakihin at hatulan ng sumpa ang buong bayan... Nalala ko na naman tuloy si Papa...

"Para magbigay ng babala... Para ipakita sa inyo kung gaano kalakas at kapanganib ang hawak niyang kapangyarihan, syempre mga bata lang kayo; iniisip ni Bakunawa na makukuha niya kayong takutin ng sa gayon ay hindi na kayo maging hadlang pa sa kanyang mga binabalak..."

Inaamin ko natakot talaga ako, natakot talaga ako sa kapangyarihan ni Bakunawa; lalo na nung pinakawalan niya yung sumpa.

Tuwing naaalala ko 'yung una naming engkwentro nina Kuya Gayle at Paolo sa pangkat ni Bakunawa, kinikilabutan ako at kinabakabahan.

Hindi ko maalis sa sarili ko ang matakot.

Tama nga siguro si Tatang... Bata pa nga kami.

"Pero ito a, ito ang tandaan ninyo... Hindi kayo pangkaraniwang mga bata, hindi rin kayo pangkaraniwang mga taga-lupa. Kaya 'wag kayong matakot... Kailangan ninyong maging malakas, magpalakas kayo, mag-ensayo kayo ng mabuti; nang sa gayon ay mabawi ninyong muli ang Balani mula kay Bakunawa at maibalik muli sa normal ang inyong bayan at ang inyong mga mahal sa buhay..."

Bigla na naman akong pinaglakasan ng loob ng maalala ko 'yung sinabing 'yon ni Tatang, tama nga naman... Katulad nga ng sinabi ni Acacia sa amin: may lunas pa, maibabalik ko pa rin si Papa sa normal, kailangan lang naming mabawi ang Balani mula kay Bakunawa.

Tama, Tama...

                                                                       ***

"Paki-suyo nga n'yang kanin Paolo." Utos ni Tatang sa pinsan kong si Paolo habang hinihimay nito ang malambot na karne ng kambing.

Halos hapon na nang magtanghalian kami, ito kasing si Kuya Gayle e, hinintay pa ako para lang utusan na ahitan ng balahibo yung kambing; e kanina pa naman n'ya yun paulit-ulit na binabanlian ng mainit na tubig, ba't hindi pa n'ya ginawa? Palibhasa kase ako na lang lagi nakikita nito.

"Ayaw mo ba 'yang kinakain mo?" Tanong ni Batluni sa akin habang itinuturo ang nilitson na kambing na niluto ni Kuya Gayle at Tatang.

"Gusto naman po..." Matamlay kong sagot.

Gusto ko naman 'yung pagkain e, ang kaso nga lang sobrang pagod na 'yung katawan ko sa dami ng ginawa ko ngayong maghapon -- parang gusto ko nang mahiga at magpahinga.

Tsaka ang bigat ng katawan ko, hindi pa kasi inaalis ni Batluni 'yung mga bakal sa braso at paa ko simula kanina.

"Pagkatapos ninyong kumain, matulog na kayo agad a, ayokong makaririnig ako ng pagdadabog bukas ng umaga."  Sambit ni Tatang.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now