V - Si Lucas

5.5K 247 49
                                    

Third Person's POV [Flashback/Filler] 
--------------------------------------------------

Napapalibutan pa ng makapal na hamog ang buong palidig ng magising ang isang matanda. Madilim pa—magandang nagsisi-kutitap ang mga tala sa kalangitan, maliwanag at bilog ang buwan at wala kang maririnig kung hindi ang agos ng tubig sa ilog at ingay ng mga kuliglig.

Ang Matandang ito ay dahan-dahang bumangon mula sa kanyang munting papag, sinindihan ang gasera na nakapatong sa lamesa, kinuha ang nakasampay na balabal sa likod ng pinto at dahan-dahan itong isinuot, marahang lumabas ito ng bahay—naupo ito at tumingala upang pagmasdan ang magandang talon na nagbibigay ng maingay ngunit nakakapawi ng pagod na ingay.

Kinapkap nito ang bulsa ng kanyang balabal upang abutin at ilabas ang isang pipa—sa isang pitik lamang ay lumabas mula sa kanyang daliri ang isang maliit na apoy na dahan-dahang sinindihan ang pipa at sinumilan ng hithitin ito... Isang mahabang pag hithit para sa isang mabigat at mausok na pagbuga.

"Oras na. " Wika nito.

Tumayo muli ang matanda at bumalik sa loob ng kanyang munting kubo—kinuha ang kanyang tungkod na tila ba galing lamang sa pinutol na sangga ng punong kahoy. Nagkataon namang napatingin ito sa salamin—ngumiti ito habang pinagmamasdan ang kanyang sarili.

Ang matandang ito ay may kayumangging balat, mahaba at puting balbas na umaabot sa kanyang tiyan at kung gaano man kahaba ang balbas nito ay siya namang kinaiksi ng buhok nito na puti rin at umaabot lamang sa kanyang balikat. malamlam ang mga mata nito na kulay berde at may ilang peklat sa mukha na tila ba nagsasabing marami na itong napagdaanang pagsubok.

"Kailangang magmadali... Bago pa mahuli ang lahat." Wika nito sa sarili sa salamin.

Lumabas ang matanda—tinignang mabuti ang paligid, pinagmasdang muli ng mabuti ang talon at ang ilog na binabagsakan nito, pinakinggan ang himig ng pag-agos nito habang dahan-dahan itong naglalakad—natigilan ito ng makita ang ukab-ukab na lupa na tila hagdan na ginawa upang maging daanan ng mga gustong pumunta at maligo dito sa ilog.

Natigilan ito at napangiti. "Ang mga batang iyon talaga..." Natatawa nitong sambit.

Tinahak nito ang hagdang lupa at ng marating ang kakahuyan sa itaas ay nakasalubong nito ang isang kakatwang nilalang na may mahabang tenga.

"Pauwi ka na ba Erting?" Patanong na bati ng matanda.

Ngumit ang kakatwang nilalang at at kumaway sa matanda. "Isinisilid ko na lamang po ang ilan pang mga gamit at maya-maya'y hahayo na kami—" Sagot nito.

Tinignan muli ng matanda ang nilalang; maliit ito, halos kalahati ng taas ng matanda, may mahahaba itong tenga, malalaking mga kamay at paa na may maliliit ngunit matutulis na kuko—magulo na parang dayami ang buhok, bilugan at dilaw na mata at bilugang tiyan.

Si Erting ay isang dwende.

Tumango na lamang at ngumiti ang matanda, akmang magpapatuloy na sana ito sa paglalakad ng bigla nitong mapansin ang manok na hawak ng dwende.

"Ang taba n'yan ah." Pabiro nitong bigkas habang tinuturo ang manok.

Napansin ito ni Erting at nag-alok sa matanda: "Dalawang tanso na lamang—" Ngiti nito habang ipinapakita ang manok. "Galing sa Atisan." Dagdag nito.

"Katayin mo 'yan at ihawin, at dalhin mo sa kubo ko mamayang gabi at bibigyan kita ng sampung tanso—may kailangan lamang akong dapat puntahan sa norte." Nakangiti nitong sambit sa dwende.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now