Chapter XXII - Pagsasanay III [Pawiknan]

2.2K 116 18
                                    

Third Person's POV [Filler]
-----------------------------------

Malalakas na bugso ng tubig ang mabilis na rumaragasa sa maliit ngunit bilugang katawan ng isang batang lalaki na nakaupo sa ilamim ng isang talon. Nakayuko ito at nakapikit na tila ba hindi alintana ang bigat ng tubig na mabilis na tumatama sa kanyang balikat at likuran.

Ang mga kamay ng batang ito ay magkadikit, para itong nagdarasal ng taimtim.

Kung ano ang ipinagdarasal niya? Walang nakakaalam.

"Kumusta na ang iyong panggagamot sa munti nating pagong Paolo?" Sambit ng isang batang babae na nakaupo sa isang bato malapit sa pampang ng ilog ng ubug-ubugan, nakatingin ito kay sa batang lalaki.

Iminulat ni Paolo ang kanyang mga mata at dahan-dahang limingon sa direksyon ni Acacia.

"Hindi pa rin po siya lumalabas sa bahay niya renya Acacia... Naku, mukhang patay na ata 'to..." Sambit ni Paolo.

Ngunit natawa lamang ang munting reyna.

"Kung lagi mong iindahin at iisipin ang mga bagay nasa paligid mo, hindi mo magagawang buhayin ang pagong na ito... Kakaiba ang pagong na ito... Dahil nakikinig lamang ito sa mga taong may matibay na paninindigan..."

Madaling tumayo si Acacia at dagliang naglakad papalapit kay Paolo, nabasa ng rumaraga at nagtatalsikang tubig ng talon ang suot nitong puting tunika ngunit hindi ito ininda ng reyna; bagkus ay kinuha nito mula sa harapan ni Paolo ang isang balot sa lumot na bato na ang hugis ay kawangis ng sa bahay ng pagong.

"Dito kita itinalaga upang gawin ang iyong pagsasanay, dito sa ilalim ng talon na ito... Kung saan ang malakas na bugso ng tubig ay siguradong bubugbog sa munti mong katawan...Siguradong masasaktan ka sa kalaunan, alam ko 'yon... Kaya nga napili ko itong lugar na ito para sa'yo... Napakaganda nitong lugar na ito para sa iyong pagsasanay..." Sambit ni Acacia habang hawak-hawak nito ang hugis pagong na bato.

"Hindi ko po m-maintindihan... Ang akala ko po ba ay panggagamot lamang ang gagawin ko? Bakit kailangan ko pang umupo dito? Ang sakit na nga po ng likod ko..." Daing ni Paolo.

"Dahil dito sa ilalim ng talon na ito masusukat ang iyong determinasyon. Ang isang manggagamot ay nangangailangan ng matibay na determinasyon upang makapanggamot, hindi hadlang ang mga pasa at sakit ng kasukasuan at katawan kung ang tunay na layunin mo naman ay makatulong sa mga nangangailangan..."

"Pero... may kalasag naman ako, hindi ko na kailangang alalahanin na masasaktan ako--"

Tinitigan muli ni Acacia si Paolo.

"Kung gayon ay bakit hindi mo nagawang palabasin ang iyong kalasag?" Nakangiting tanong nito. "Subukan mong palabasin ang iyong kalasag habang nandito ka at nakaupo sa ilalim ng talon."

At ganoon na nga ang ginawa ng batang si Paolo, ipinikit niyang muli ang kanyang mga kamay at pinagdikit ang mga palad, sinusubukan nitong palabasin ang ang kanyang kalasag ngunit tila ba pinipigilan siya ng malakas ng bugso ng talon na mabilis na rumaragasa sa kanyang likuran.

Iminulat ulit ni Paolo ang kanyang mga mata at marahang nagtanong sa munting reyna.

"H-hindi ko pa magawa..."

Sa pagkakataong iyon ay tinabihan ni Acacia si Paolo, tumayo ito sa ilalim ng malakas na buhos ng talon; pumikit rin ito na katulad ng ginawa ni Paolo...

Ang mga sumunod na pangyayari ang lalong nagpamangha sa bata.

Ang hugis pagong na bato ay dagliang nagliwanag, kulay berde ang liwanag na lumalabas mula rito; marahan itong umangat mula sa munting palad ni Acacia, pinagmasdan itong mabuti ni Paolo hanggang sa napangiti ito ng makitang dahan-dahang lumabas ang apat na mumunting binti at isang ulo mula rito.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora