Chapter XI - Ang nayon ng Talimaon

3.6K 175 34
                                    

Pahapyaw ng sumisilip ang araw ng marating namin ang isang malaki at malapad na puno ng balete. Matayog ang pakakatayo ng punong ito na may daan-daang sanga at hindi mabilang na dahon na s'yang nagsilbing lilim namin.

Dito namin naisipang huminto.

Ngunit hindi para magpahinga.

Lumapit si Batluni sa puno at hinawakan ito gamit ang kanyang kanang kamay, yumuko lamang ito at bumulong:

"Abro al cierre."  dinig kong bulong ni Batluni.

Maya-maya ay isang ilaw ang lumitaw mula sa puno, kasunod nito ang pagliwaw ng mga letrang hindi ko naman maintindihan na dagliang nagsilabasan sa parteng iyon ng puno kung saan nakahawak si Batluni. Ang mga letrang iyon ay naka-paikot -- parang rune circle -- parang yung madalas mong makita sa tv, lalo na sa mga palabas na puro magic magic.

Ilang sandali lamang ay dahan-dahang naglaho ang mga letra -- kasunod nito ang pag-galaw ng puno, nanginig ito -- kasabay ng bahagyang pagyanig din ng lupa.

Napansin kong nagkakaroon ng butas ang gitnang bahaging iyon ng puno kung saan lumbas ang mga kakaibang letra -- lumalaki ito kasabay ng pagyanig ng lupa -- dahan-dahan -- hanggang sa --

"Tayo na." Sambit ni Batluni sa amin.

Isang lagusan ang nabuo mula sa kanina ay maliit lamang na butas -- marahil ay dahil sa pagyanig -- pwede ring  hindi. At kung ano man ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lagusan itong puno -- wala akong pakealam.

Ang inaalala ko ay kung saan patungo itong lagusan.

Nadala na ako sa mga bagay-bagay dito sa kagubatan, mula sa pagkahulog ko sa talon -- at ngayon ito?

"Bakit kelvin? Anong problema?" Nag-aalalang tanong sa akin ni tatang ng mapansin niyang ilang akong lumapit sa lagusan.

"Wala ho..."

Ngumiti lamang matanda. "Kasama mo ako -- wala kang dapat ipagalala." sagot nito sa akin.

Inakbayan na lamang ako ni tatang at sinamahan ako papasok ng lagusan.

"HUWAAAAAAWWWW!" Napatili ako sa galak. Nalagpasan na namin ang lagusan.

"Ito Kelvin..." Nakangiting lumingon sa akin si Batluni. "Ang Talimaon."

Isang nayon ang tumambad sa amin -- isang nayon na puno ng mga bahay na itinayo sa itaas ng mga naglalakihang puno ng acaccia, at mga tindahan naman sa ibaba kung saan marami rin akong nakitang mga taong abala sa pamimili. Ang lupang tinatapakan namin ay puno ng maliliit na damo at may mangilan-ngilan din akong nakitang mga bulaklak; may mga nakita rin akong mga manok at sisiw na pakalat-kalat sa daan, mga baboy na nakakulong -- mga baka, kambing... Mga hayop na madalas mong makita sa bukid.

Maya-maya ay biglang nagtinginan sa amin ang mga tao sa paligid.

"Si Batluni!" Sigaw ng isa sa mga ito.

Dali-daling kaming pinuntahan ng mga tao sa nayon -- at katulad ni Batluni, ang lahat ng mga nakatira dito ay pare-parehong may balahibo sa mukha, balahibong parang sa pusa -- at saka buntot, napansin ko ring may tenga silang hawig din ng sa pusa, tinignan ko si Batluni -- marahil ay dahil sa telang nakabalot sa ulo nito kung kaya hindi ko makita kung ganoon rin ang tenga n'ya.

Agad na nagsiluhuran ang mga taga nayon ng malapitan nila kami.

"Maligayang pagbabalik pinuno." Sambit ng isa.

"Maligayang pagbabalik po!" Sagot nilang lahat.

Ngumiti lamang si Batluni at nagwika. "Maraming salamat -- ngunit kami ay nagmamadali." Tumalikod ito ng bahagya upang ipakita si Acacia na mahimbing paring natutulog sa kanyang likuran.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now