VIII - Talon

3.5K 192 54
                                    

Pasado alas dos na, nakaupo lang ako sa bintana at nagpapahangin—iniisip ang mga nangyari kanina. Hindi ko alam pero hindi ko ma-isplika ang lahat ng mga nangyari kanina; yung pag talsik ko—hindi—para akong ibinato—hindi rin e. Ah basta, para akong bala ng kanyon na pinakawalan—parang bala ng baril na mabilis at diretsong papalapit kay Tatang kanina.

Kung hindi n'ya ako napigilan—hinde, marahil ay mapipigilan naman niya siguro ako, pero kung hindi ako napigilan ni Tatang o kung walang pumigil sa akin... Malamang basag na ang bungo ko sa siguradong lakas ng pagsalpok ko do'n sa bato.

Sa tuwing naiisip ko 'yon, napapailing ako, pero medyo napapangiti sa hindi maipaliwanang na kadahilanan. Marahil siguro ay dahil nalaman kong kaya ko palang gawin 'yon...

Ang totoo n'yan, gaya nga ng sabi ko normal lang akong bata; yun ang inaakala ko, simula't sapul kase puro laro lang sa labas ang trip ko pagka-awas ko sa klase, tumbang preso, taguan, habulan—mga ganung tipo, kagaya ng mga nilalaro mo—normal na larong pambata.

Hanggang sa sumali ako sa mga sports activities sa school; track and field, soccer—mga ganyan. At ngayong highschool na ako, sinubukan ko namang mag basketball.

Kahit wala naman talaga akong alam sa basketball.

Wala lang, para cool. *kindat*

Kaya ko lang naman sinalihan ang mga 'yon kase dalawa lang naman ang mga bagay na alam kong kaya kong gawin, na alam ko ring makaktulong at kailangan sa mga sports na sinalihan ko: Mabilis akong tumakbo, at medyo mataas akong tumalon—sa height kong 5'5" kaya ko ng dumakdak.

'Di joke lang, mataas lang talaga akong tumalon.

Pero hindi ko inaakalang ang kakayahan ko palang iyon ay hindi normal, na kaya ko pa palang taasan ang mga talon ko at mas lalong pabilisin ang pagtakbo ko.

Nakakatuwang isipin na kaya ko palang gawin ang lahat ng 'yon.  

At sa tuwing inaalala ko ang mga pangyayari kanina sa ilog, napapangisi ako pero may kaunting pagkainis.

Bakit ba kasi ngayon ko lang nalaman na may ganoon pala akong powers? O 'di sana ginamit ko na agad para magpasikat sa school? O 'di sana mvp ako?! Maygulay!

Napaiktad ako ng sandaling marining ko ang dagliang pagbukas ng pinto, hindi naman ako lumingon—nagpatuloy lamang ako sa pagmumuni-muni.

"Tara mag-merienda Kelvs." Yaya ni Kuya Gayle sa akin.

Lumingon lang ako at tumango, wala akong ganang kumain ngayon eh—masyado akong nadala sa mga pangyayari kanina hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin at alalahanin ang lahat ng pangyayari.

Wala talaga akong gana—kahit amoy na amoy ko na 'yung bagong init na tinapay sa kusina. Makulit lang talaga 'tong si Kuya Gayle kaya nagyaya ulit 'to.

"Ano kelvs? May tinapay na dun oh—lagyan mo nalang ng palaman." Alok ulit ni Kuya.

Ang kuleet. Sige na nga...

Hindi nalang ako nagsalita; tumango nalang ako at dumiretso sa kusina, kumuha ng tinapay at nilagyan ng palaman (cheesewhiz) at pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto at naupo na muli sa may bintana.

"Sungit natin ah... Meron ka?" Pabiro akong tinapin ni Kuya.

Hindi naman ako sumagot, ngumiti lamang ako kay Kuya at bumaling muli ng tingin sa asul na kalangitan. Nagmuni-muni ulit ako.

Ang totoo n'yan hindi ko talaga alam kung bakit naging ganito ako katahimik o kairitable pagkatapos ng mga pangyayari kanina, kung tutuusin dapat nga matuwa pa ako kase nalaman ko na rin na sa wakas—woohoo—may powers na ako (yehey!)...

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon