Chapter IX - Si Batluni at ang kagubatan ng Elmintir

3.4K 195 53
                                    

Ginising ako ng init na dahan-dhang humahaplos sa akong pisngi, iminulat ko ang aking mga mata at napansin na nasa loob ako ng isang silid -- pero kaninong bahay?

Sinubukan kong tumayo -- dahan-dahan pero nagawa ko namang maupo sa kamang hinihigaan ko, hinawakan ko ang aking ulo na sobrang bigat -- parang binibigyak, yumuko ako.

"Anong nangyare?" Paulit ulit na bulong ko sa aking sarili.

Lumingon ako para tignan ang buong silid; angm ga dingding ay yari sa pawid at kawayan, ganun na rin ang bubong. Makikita mo sa malaking bintana ang mga dahon at sanga ng mga punong kahoy na tila ba sumisilip at tinitignan ako mula sa labas, para akong nasa tipikal na bahay kubo.

Tumayo na ako sa papag para hanapin kung sino man ang nakatira dito. Makapagpasalamat man lang.

Lumingon ulit ako para hanapin kung nasaan ang pinto. Walang pinto. Tumingin ako ulit, baka siguro nahihilo pa ako -- wala talaga, hanggang sa mapansin ko ang isang siwang sa sahig, ini-isod ko ito at nakita ko ang nakasabit na hagdang yari sa pinaghabi-habing baging at sangga ng puno na tila sinasabi sa akin na iyon lamang ang tanging daan palabas.

Wala pala ako sa kubo.

Nasa tree house ako.

Binuksan ko ng maigi ang pinto at dahan-dahang inaalalayan ang sarili sa pagbaba, at ng marating ko na ang dulo ng hagdan at maapakan na ng talampakan ko ang lamig ng lupa ay bigla kong narinig ang boses ng isang lalaki.

"Gising kana pala bata." Malumanay na bati sa akin ng boses.

Lumingon ako para malaman kung sino iyon, siya ang lalaking nakita ko kanina sa panaginip ko -- yung panaginip ko na nahulog ako sa isang napakataas na talon -- yung --

Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko ang talon -- napakataas pala talaga nito, kung kanina e hindi ko makita ang ibaba -- ngayong nasa ibaba naman ako ay hindi ko naman makita ang itaas, ni hindi ko nga mawari kung saan ako nahulog -- sobrang kapal ng hamog.

"Nasaan ako?" Malumanay ngunit natataranta kong tanong.

Naala ko bigla ang nangyari -- ang paghabol ko sa kakatwang nilalang, ang pagkahulog ko sa mataas na talon na iyon na akala ko e katapusan ko na. Naalala ko lahat.

Kahit itong mamang to. Itong mamang sumagip sa akin mula sa bingit ng kamatayan.

Lumapit ako sa lalaking ito na ngayon ay nakaupo sa isang bato at abala na pinapaypayan ang iniihaw nitong usa.

"Ma--maraming salamat ho -- uhm --" Hinawakan ko ang balikat ng lalaki at sinubukan itong kausapin.

"Batluni." Lumingon ito at sumagot sa akin.

Hindi ko naintindihan ang isinagot nito kaya tinanong ko s'yang muli:

"Ano ho iyon?"

Lumingon ulit ito at ngumiti. "Batluni ang aking pangalan -- " Sagot nito. "Maupo ka rito -- at tulungan mo akong paypayan itong nahuli kong usa -- malapit na tayong mag tanghalian." Utos nito bigla sa akin.

Mabilis naman akong sumunod, dali-dali akong umupo, kumuha ng tuyong dahon ng abaka at sinimulang magpaypay.

Kung ako ang tatanungin mo, naiilang ako. Hindi naman kase talaga ako sanay makipagkilala -- hindi rin ako sanay makisalimuha sa ibang tao, oo introvert, loner o kahit ano pang gusto mong itawag sa akin -- ganun talaga ako.

Pero iba ang pakiramdam ko dito sa taong 'to, siguro dahil siya ang nagligtas ng buhay ko kanina -- siguro. Hindi ko alam, pero panatag ang loob ko dito sa taong 'to. Kahit ngayon ko palang s'ya nakikilala.

Si Batluni ay katamtaman lamang ang tangkad, medyo maitim -- binabalot ng makapal na tela ang buhok nito siguro e pangontra sa init ng araw -- ewan -- bilugan ang mga mata at medyo matangos ang ilong.

Sa malayuang tingin, iisipin mong normal na tao lang itong si Batluni -- pero kung titignan mo s'yang mabuti tsaka mo nalang mapapansin na parang may whiskers ito -- parang sa pusa?

At buntot.

"Bakit may ganyan po kayo sa mukha?" Tanong ko habang tinuturo ang balahibo nito na nasa itaas na parte ng kanyang labi.

Tinignan lamang ako ni Batluni at biglaang humalakhak.

"Ngayon ka palang ba nakakita ng isang Talimao?" Sambit nito habang tumatawa ng malakas.

Aba natural, kung tutuusin hindi ko naman alam ang ibig sabihin ng Talimao -- Talimao? Ano yun? Cross-breed ng tao at halimaw? Pinsan ng kurimaw? Ano? Tapos tatawanan ako nito? Luko-luko to a.

Nasaan ba talaga ako?

"Ah -- eh -- ang totoo n'yan galing po ako sa itaas..." Sabi ko sabay turo sa may talon.

"Oo nga diba? Nahulog ka pa nga sinagip pa kita --" Sagot ni Batluni.

"Ang ibig kong sabihin -- galing ako sa ubug-ubugan, doon sa likod nitong talon? Diba may talon pa dyan? " Sambit ko.

Nang marinig iyon ni Batluni ay tila ba nag-iba ang timpla n'ya. Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi nito -- tinignan n'ya ako ng may pagtataka.

"Wala ng talon d'yan sa likod ng talon na iyan --" Simula nito. "At hindi ubug-ubugan ang nasa itaas ng talon na iyan --" Dagdag nito.

Tumaas bigla ang kilay ko. Anong pinagsasasabi nito e kanina lang nasa bahay pa ako ni tatang Lucas --

"Hindi kaya -- 'wag mong sabihing --" Biglang sambit ni Batluni, tumigil sya sa pagpaypay at tinignan akong mabuti.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now