VII - Isa para sa lahat. Lahat para sa Isa.

4.7K 235 95
                                    

Ginising ako ng mainit na sinag ng araw na tumatagos sa bintana ng kwarto ni Kuya Gayle, iminulat ko ng bahagya ang aking mga mata para silipin ang relo ko at malaman kung anong oras na nga ba; alas-syete na—naku tanghali na.

Sa sahig kami natulog ni paolo, nilagyan lamang ni Mama Diony ng banig at comforter yung higaan namin tsaka konting unan at kumot (hindi kase ako makatulog ng walang kumot—kahit sobrang init), okay na rin—'di naman ako maarte, yung kama ko nga sa bahay konting talon lang butas na e.

Okay na okay lang na sa sahig kami natulog—basta may tutulugan.

Tinapik ko para gisingin si Paolo. "Hoy gising na. Umaga na."

Pero as usual, mantika parin matulog 'tong si Paolo, umungol lang 'to, tumalikod at bumalik sa paghilik.

Walanjo.

"Lagot tayo nito." Dinig kong bulong ni Kuya Gayle na nakahiga parin at nagmumuni-muni na nakatingin lang sa kisame, ang galing ng trip nito 'pag umaga e; nakatingin lang sa kisame—walang kurapan, hanggang sa makita kong tutulo nalang yung luha dahil sa hindi n'ya pagkurap tapos maririnig mo nalang na pinaglalaruan n'ya yung laway nya (yak).

"TOOT! TOOOT! TOOOT! Alas-Syete y medya na ng umaga! TOOOT! TOOT! TOOT!"

Dinig na dinig ko na ang ingay ng radyo sa kusina na sa tuwing umaga lang naman sinisindihan, mahilig kasing makinig ng balita sa radyo si Mama Diony sa umaga—tapos araw araw pang may bagong diaryo, ang totoo n'yan dito lang talaga ako nahilig magbasa ng peryodiko, sa bahay kase hindi naman mahilig bumili ng diaryo si papa.

Puro tv lang, pero okay lang naman.

Tumayo na ako, itinupi ang kumot na ginamit ko kagabi at ipinatong ng maayos sa kama ni Kuya Gayle, dali-dali akong lumabas.

"Si Galye gising na?" Tanong ni mama Diony sa akin habang humihigop ng kape at nagbabasa ng diaryo.

"Opo. Kakagising lang." Sagot ko, dumiretso ako sa banyo.

"GAAYYYLLLEEE! Tayo na at tanghali na aba!" Dinig kong sigaw ni Mama diony sa kusina.

Ganito lagi ang set-up 'pag umaga dito kina Kuya Gayle, maaga akong nagigising—malamig kasi, gising na rin naman sina Kuya Gayle at Paolo kaso 'di lang talaga sila agad-agad kung bumabangon—malamig din kasi.

Kung magkataon naman na sabay-sabay kaming babangon at uupo sa hapag-kainan para mag-almusal e siguradong maninigas lang kami at manginginig sa ginaw.

Malamig nga kasi.

                                                                ***

Naglakad ulit kami pabalik sa ubug-ubugan pagkatapos naming makapag-almusal, gulo-gulo pa ang mga buhok namin at hindi pa nakakaligo simula kahapon pero halata sa amin (lalo na sa akin) na excited kami na pumunta doon.

Pwede naman kaming maligo doon sa ilog—tama doon nalang kami maliligo.

Excited na excited na talaga ako.

Pwera kay kuya Gayle na mukhang aburido at kumukunot ang noo.

"Taragis naman oh—late na tayo e." Dinig kong binulong ni Kuya Gayle habang naglalakad kami sa may niyugan. Grabe—kahit medyo mataas na ang sikat ng araw eh kapansin pansin na may hamog parin.

"Wala naman silang sinabing oras ah—ang sabi lang eh umaga 'di baga?" Sagot ni Paolo.

"Oo nga—masyado kang nerbyoso Kuya Gayle..." Dagdag ko.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now