IV - Ang Reyna ng Arentis

6.1K 301 72
                                    


Nanatili kaming tahimik—nag-aabang sa kung anong posibleng mangyari, kitang-kita sa mga mata ni Tatang ang pagiging alerto.

Hindi ko na napansin na panay at maya't maya na rin pala ang paglunok ko, samahan mo pa ng marahang pagdaloy ng malamig na butil ng pawis mula sa noo ko; pababa sa aking mga pisngi...

Marahan kong naramdaman ang mahina ngunit sunod-sunod na pagyaning ng lupa.

Mukhang masama ito.

"Paano nila nalaman ang lugar na ito—" Sambit ni Tatang hinawakan niyang mabuti ang kanyang tungkod at nagmasid-masid sa paligid. "Wala munang gagalaw."

Nanatili kaming tatlo ng mga pinsan ko sa ilog—kabado ngunit alerto, naghihintay.

Anak ng pechay naman oh! Ano na naman kayang nangyayari!?

Dahan-dahang umihip ang malamig na hangin, kasabay ng paglagaslas ng mga dahon ng kawayan at pagsayaw ng mga baging at mga damo. Nagtinginan lamang kaming magpi-pinsan ngunit hindi kami nagsipag-usap, tahimik parin kaming nakaabang.

Halatang, pare-pareho kaming naguguluhan sa mga nangyayari. Parang pare-pareho rin kaming nag-aabang sa kung ano man itong paparating.

Ano nga bang meron? Parang wala naman ah.

"Lumindol?" Tanong ni Paolo.

Ang kaninang mahina at sunod-sunod na mga pagyanig ay dagliang lumakas at mas naging mabilis, napansin ko rin na parang may ingay mula sa 'di kalayuan, parang may papalapit.

Tsaka ko nalang napansin ang isang higanteng anino, mula sa mga nagkakapalang damo at nagtataasang mga kawayan.

"Hala!" Napasigaw sa gulat si Kuya Gayle.

Isang malaking nilalang ang marahang naglalakad at papalapit sa amin, sa bawat paghakbang at paglapat ng mga paa nito sa lupa ay siya namang pagyanig ng lupang kinatatayuan namin. Doon ko napag-tantong ito pala ang dahilan ng mga pagyaning kanina.

Sabihin na rin nating, nanlaki ng husto ang mga mata kong, aminado naman akong malaki na. Bumilis rin ang pagkabog ng aking dibdib, per magkagano'n man—pinilit ko pa ring magpaka-kalmado.

Parang kunyari, hindi ako takot. Kahit na nanginginig na sa kaba ang mga tuhod ko.

"Ang laki nyan ah, parang kapre." Bulong ko kay kuya Gayle.

"Kapre nga 'yan—" Pabulong na sagot ni Paolo.

Halos lumuwa ang mga mata ko, sa sagot ni Paolo.

"Totoo?" Tanong ko muli. Dali-dali kong kinusot ang mga mata kong halos hindi mapatid ang pagtingin sa papalapit na nilalang.

Ngunit hindi na sumagot ang mga pinsan ko, bagkus ay tumingala lamang ang mga ito at pinagmasdan ang higanteng nilalang na ngayon ay ilang pulgada na lamang ang layo sa amin.

Malaki itong kapre, parang tatlong palapag na gusali ang laki nito—o higit pa, hindi ko masigurado e... Basta malaki s'ya.

Mabalbon ang nilalang na ito, medyo malaki ang katawan at may malaki at bilugan ring tiyan; mabalbon ito pero hindi tulad ng mga nasa kwento na buong katawan e mabalbon—mabalbon lang. May mga pangil ito na naka-usli na parang sungay ng elepante sa labas ng kanyang malaki at itim na bibig. Mukha nga s'yang cave man e—plus-size lang.

Humigpit ang hawak ni Tatang sa kanyang tungkod na para bang naghahanda sa isang pag-atake.

"Hinto!" Sigaw ni Tatang.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now