Chapter XIX - Umpisa na

2.5K 134 35
                                    

Nalungkot akong pinagmasadan ang mga kalyeng balot na ng lumot at baging, marami ring tao ang naging bato -- maraming buhay ang sa isang iglap ay huminto.

Maraming namatay... Namatay nga ba sila?

O buhay parin sila pero naging bato lang? May mga nakaligtas ba?

Nakaligtas ba sina Papa?

"Sana hindi pa huli ang lahat... Sana hindi pa huli ang lahat..." Paulit ulit kong bulong sa aking sarili habang binabaybay ko ang mausok na kalsada, mas lalong kumapal ang usok sa parteng ito ng bayan, kung hindi ko pa naaninag ang eskinitang papasok papunta kina Inay siguradong maliligaw ako.

Napakatahimik ng buong lugar, wala kang maririnig na tricycle o jeep sa kalsada, hindi ko rin marinig ang hiyawan o sigawan ng mga batang nagtatakbuhan dito sa looban. Malapit na ako kina Inay... Pero bakit parang ang tahimik?

Masyado ng makapal ang usok dito sa ekinita kaya kinapa ko ang dingding nito at siyang ginawa kong gabay patungo kina Inay, napakatahimik talaga.

Nakakabingi.

Nakakatakot.

Lalong akong kinakabahan.

"Pa?" Tawag ko habang dahan-dahang binubuksan ang gate nina Inay. Napansin kong may mga lumot na nakapalupot sa rehas ng gate na ito. Lalo akong kinabahan.

Sana okay lang sina Papa...

Madulas na lumot ang naramdaman kong kumapit sa swelas ng tsinelas ko pagpasok ko sa bahay nina lola, hanggang dito ay nakaabot ang makapal na usok...

"P-pa?" Nanginginig kong sabi ng makita ko ang silweta ng isang lalaking nakaupo sa sofa dito sa may salas.

Hindi nga ako nagkami, si Papa nga ito -- ngunit sa halip sa ngumiti ay nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib hanggang sa hindi ko na lang namalayang tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata.

"P-pa... Papa..." Humihikbi kong sabi habang sinubukang yugyugin ang matigas ng balikat ng aking ama.

Huli na ang lahat.

Naging bato na si papa. Isang matigas at malamig na bato.

"PAPA!" Sigaw ko. Hindi ko alam ang gagawin -- napa-upo nalamang ako sa sahig at dahan-dahang kinain ng kalungkutan.

Hindi maaari 'to, wala na ba si Papa? Hindi... Hindi pwede...

"Ikinalulungkot ko kelvin..." Naramdaman kong mayroong humawak sa aking kanang balikat.

Lumingon ako at nakita sina kuya Gayle, Paolo at Tatang na malungkot na nakatingin sa akin. Humihikbi man ay dahan-dahang akong tumayo.

"T-tatang..." Humihikbi kong sambit habang pinupunasan ng braso ko ang noon ay marungis kong mukha.

Tinignan ko sina kuya at Paolo, namumugto ang mga nilang nakatingin sa akin.

"Kuya..." Nanginginig kong saad.

Marahil ay dahil sa bata lang kami kung kaya't hindi namin mapigilan ang aming mga sarili na madala sa ganito kabigat na emosyon, hindi pa man ako nakakalapit sa kanila ay daglian na lang kaming nag-iyakan.

Niyakap na lang kami ni Tatang at tinignan kami ng may simpatya... Napakabigat nitong nararamdaman ko, nakapanghina, nakakawala ng gana... Parang gusto ko ng mamatay...

Parang ayoko na yata...

Hindi ko makakalimutan ang araw na ito...

"Hindi ko alam ang dapat sabihin mga bata... Alam kong hindi kayang pahupain ng mga salita ang sakit at bigat na dala ng inyong mga kalooban... Ikinalulungkot ko..." Sambit ni Tatang habang yakap yakap nya kami sa kanyang mga bisig.

"T-talaga po bang wala na si Papa? P-patay na po ba sila?" Tanong ko.

"Hindi." Sambit ng isang pamilyar na boses.

Lumingon ako at nakita ang isang batang babaeng nakatayo at nakasandal sa pasamano ng hagdan malapit sa kinatatayuan namin.

"Acacia!" Sabi ko.

"Mahal na reyna!" Sabi naman nina kuya Gayle at Paolo.

Dali-dali akong kumawala mula sa yakap ni Tatang at mabilis na pinuntahan si Acacia. Tama ba 'yong narinig ko, may lunas pa?

"T-totoo ba? May lunas pa?" Sagot ko habang punupunasan ang luha at sipon sa aking mukha. 

"Matuto kang gumalang sa nakatatanda Kelvin --" Pangaral ni Acacia. 

"Opo."

Nagsimulang maglakad si Acacia patungo sa sofa kung saan naka-upo ang naging bato kong ama. SInundan ko lamang siya ng tingin...

"May lunas pa -- nakalimutan mo na ba Lucas?" Tanong ni Acacia.

Kumunot lamang ang noo ni Tatang. "Anong sinasabi n'yo -- ah! Tama kayo... Tama kayo mahal na reyna..."

Dinukot ni Tatang ang pipa niya mula sa kanyang bulsa at mabilis itong sinindihan, nagpabalik-balik itong naglakad ng nakayuko hanggang tumigil ito at timingin sa amin...

Ngumiti ito. "May lunas pa mga bata. Ngunit mapanganib ang susuungin ninyong --"

"Kahit gaano pa kapanganib iyan Tatang -- gusto kong iligtas ang tatay ko."
Udlot ko kay Tatang.

"Kailangan ninyong mabawi mula kay Bakunawa ang Balani... Mapanganib ang susuungin ninyong paglalakbay." Sagot ni Tatang.

"Pero papaano po namin mababawi ang Balani e hindi naman namin alam kung saang lupalop naroon si -- sino 'yon? Bakunganga?" Tanong ni Kuya Gayle.

"Bakunawa." Sabay sabay naming sagot nina Tatang at Acacia kay kuya Gayle.

"Sabi ko nga." Sagot ni kuya Gayle.

Lumapit sa akin si Acacia at tinitigan ako sa mata. "Mapanganib ang pangkat ni Bakunawa at hindi ko rin kayang sukatin ang panganib na dala ng paglalakbay ninyo para matunton sila... Kaya tatanungin kita... Sigurado ka na ba?"

Nanahimik ako. Napaisip ako sa sinabi ni Acacia... Tama s'ya, kahit ako 'di ko alam kung ano bang mangyayari sa akin kung sakaling pumayag ako -- pero... Pero kailangan kong iligtas si Papa.

"O-osige." Sagot ko. "Sigurado na ako. Payag na ako."

Ngumiti na lamang si Acacia sa akin at mabagal na nilingon si Tatang na ngumiti rin.

"Yun o! Sa wakas pumayag ka rin!" Masayang saad ni kuya Gayle na dagliang itinaas ang kanyang kanang-kamay para humingi sa akin ng apir. 

Tumalima naman ako at binigyan si kuya ng isang malutong na high-five, lumingon muli ako kay Acacia: "Uhm... Ano na? Ibig kong sabihin... Ano ang dapat naming gawin? Kasama sina kuya at Paolo 'di ba?" Nilingon kong muli sina Paolo at kuya Gayle.

"Syempre kasama mo sila, nakalimutan mo na bang kayo ang mga hinirang?" Sagot ni Acacia.

"Teka, teka, ano bang ibig mong sabihin sa 'Hinirang?' " Tanong kong muli.

"Oo nga po, kahit si Tatang ganyan din yung sinabi sa'min ni kuya Gayle e. Nagtataka tuloy ako kung ano ba ibig n'yong sabihin d'on at bakit kami?"

Ngumiti muli si Acacia sa amin at nagsalita. "Hinirang ko kayong tatlo hindi dahil sa kayo ang mga apo ng aming bayani... Hinirang ko kayo dahil sa kapangyarihang natutulog sa inyong katawan."

"Hin...di ko talaga gets --"
Sagot ko.

"May isang manghuhula ang nagsabi sa akin may isang dekada na ang nakakalipas na isang delubyo ang muling mararanasan ng Arentis, isang delubyong uubos sa lahat ng mga naninirahan sa Arentis. Walang matitira. Walang mabubuhay. Sinabi ng manghuhulang iyon sa akin na tatlong bata mula sa mundo ng mga taga-lupa ang tanging makapagliligtas sa Arentis mula sa nakakapangilabot na delubyong ito..."

"Pero papaano ninyo nalamang kami 'yon?" Tanong ni Paolo.

"Hindi kayo normal, may kapangyarihan kayo na natutulog lamang sa loob ng inyong katawan. Kahit ang Lolo ninyo ay magugulat kung sakaling malaman niya na taglay ninyo ang ganyang klase ng kapangyarihan."

"Eh? 'di ba may kapangyarihan din naman si Lolo? Bayani n'yo nga s'ya diba?" Tanong ni kuya Gayle.

Sa pagkakataong ito ay si Tatang na ang sumagot.

"Ordinaryong taga-lupa lamang si Gene, tinuruan lamang namin siya ng ilang orasyon at binigyan ng armas na kanyang ginamit upang matalo si Legutan ngunit wala siyang kapangyarihan... Kaya laking gulat nalang namin ng malaman naming may mga kapangyarihan pala kayo." Nakangiting sambit sa amin ni Tatang.

"Pero papaano n'yo nga nalaman na may kapangyarihan kami?" Tanong ko ulit.

"Dahil sa mga marka ninyo sa katawan na nagliwanag noong araw na ipinanganak kayo." Sagot ni Acacia.

"Marka? Anong marka? Wala nga akong balat e." Sagot ko habang tinitignan ang buo kong katawan -- wala talaga akong ni isang marka sa katawan e.

Ngumiti na lamang sina Tatang at Acacia.

"Dahil dito." Sambit ni Acacia, pinitik nito ang kanyang mga daliri.

"Woah..."

May napansin akong kung anong nagliliwanag sa itaas na bahagi ng aking bukong-bukong, tinignan ko itong mabuti... May nakasulat pero hindi ko mabasa, para itong sinaunang letra ng mga katutubo -- Alibata ata tawag doon o baybayin kung hindi ako nagkakamali.

Pero maiba lang, bakit ngayon ko lang nakita ito?

Tinignan ko sina ang mga pinsan ko at katulad ko nagulat rin sila ng makita ang marka na biglang lumitaw at nagliwanag sa kanilang katawan; ang marka ni kuya Gayle ay nasa kanang bahagi ng kanyang leeg habang ang kay Paolo naman ay nasa likod ng kanyang kanang kamay.

"A-alam po ba ng mga magulang namin ang tungkol dito?" Tanong ni Paolo. 

"Oo nga po -- alam po ba nila?" Tanong ni kuya Gayle. 

Umiling-iling na nakangiting sumagot si Tatang. "Walang nakakaalam ng tungkol sa mga marka ninyong 'yan bukod sa aming mga taga Arentis, tanging mga may kapangyarihan lamang sa Arentis ang mayroon taglay na markang katulad ng sa inyo -- kaya lubos na lamang ang aming pagtataka ng makita naming ang mga batang taga-lupang katulad ninyo ay may taglay na marka ng mga taga Arentis.

"Tanging kaming mga taga Arentis lamang ang nakakakita niyang marka na yan -- simbolo iyan na biniyayaan kayo ng may likha ng kapangyarihang hindi pangkaraniwan -- kapangyarihang kahit kaming mga taga Arentis ay hindi maipaliwanag." Dagdag ni Tatang.

"At iyan ang dahilan kung bakit kayo ang napili namin... Ang napili naming mga hinirang." Sabi ni Acacia.

Marahang nawala ang marka at dagliang nanumbalik sa normal ang itsura ng aming mga katawang kanina lamang ay nagliliwanag, tumignin kaming tatlo kina Tatang at Acacia.

"Ang galing... Parang sa pelikula lang." Nakangiting saad ni Paolo sa amin ni Kuya Gayle.

"Hehe oo nga! Ang talaga!" Sagot ko.

"Basta ako parin ang pogi sa'tin." Pabirong sagot ni Kuya Gayle. "Tara! Uwi tayo sa'min -- sabihan na natin sina mama! Kasama mo payo Tatang ah --" Dagdag ni kuya.

Ngunit nanahimik lamang si Tatang at dahan-dahang nilingon si Acacia...

"Sumama kayo sa akin." Matamlay na sagot ni Acacia.

Sinundan namin si Acacia na lumabas ng bahay, tahimik ito at matamlay. Hiningi nito mula kay Tatang ang supot na sisidlan ng asul na pulbos at dahan-dahan itong isinaboy sa amin, hinawakan kami ni Acacia at dahan-dahan kaming lumipad.

Napakataas ng lipad namin na ramdam na ramdam ko ang init ng araw na dahan-dahang sinusunod ang aking batok noong hapon na 'yon, tumingin ako sa ibaba.

At laking gulat ko ng makita ang nangyari sa buong bayan.

"Ikinalulungkot ko mga bata."

Ang buong bayan ay napalibutan na ng maitim na lumot at ang mga tao na nasa kalasada ay naging mga bato. Mula sa itaas ay aakalain mong hamog ang usok na pumapalibot sa buong bayan... Naalala ko ulit si Papa... Nalungkot ulit ako.

"Hindi ko inakalang ganito kalaki ang pinsalang maidudulot ng Balani. Ikinalulungkot ko... Subalit sa palagay ko'y hindi na nakaligtas ang inyong mga magulang sa sumpang dala-dala ng Balani... Ikinalulungkot ko..."

Tahimik lamang naming pinagmasadan ang nakakaawang lungsod.

Nakakalungkot isiping ang dating maaliwalas at masiglang lungsod ng San Pablo ay dahan-dahang nilamon ng sumpa ng Balani.

Nagkatitigan kaming magpipinsan -- kasunod ang marahang pagtingin namin kina Acacia at Tatang.

Alam na namin ang dapat naming gawin, hindi na namin kailangan pang umatras.

Hindi mainam na rason ang karuwagan, hindi sa pagkakataong ito; dahil sa amin nakasalalay ang muling panunumbalik ng sigla at buhay dito sa lungsod.

Kailangan naming iligtas ang mga nabiktima ni Bakunawa.

Kailangan namin silang iligtas.

Kailangan kong iligtas si Papa.

Kailangan.

"Handa na po kami." Sambit ko.

"Handa na po kami mahal na reyna." Sambit ni kuya Gayle.

"Handa na po kami sa una naming misyon. " Dagdag ni Paolo.

Ngumiti lamang ang matanda ant ang batang reyna.

"Kung gayon ay mabuti."

Nanatili kaming tahimik noong hapon na iyon, pinapanood ang dahan-dahang pamumula ng paligid, magtatakip silim na -- parang napakabilis ng buong maghapon, napakabilis ng lahat ng mga pangyayari...

Dahan-dahan kong hinigpitan ang pagkakatikom ng aking kamao, yumuko ako at ipinikit ang mga mata, huminga ako ng malalim.

Simula ngayon ay siguradong magsisimula nang magbago ang bawat araw ko, hindi na magiging katulad ng dati ang bawat  pag-gising ko sa umaga, hindi na rin magiging payapa ang bawat ang pagtulog ko sa gabi.

Simula ngayon magiging iba na ang lahat. 

Hindi lang para sa akin, para saming tatlo.

Handa na ako.

                                ***











Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon