Chapter XXXIII - Muling paghaharap

2.1K 100 17
                                    

Hindi kami maagang ginising ni Batluni kaninang umaga. Halos eight o'clock na n'ong nagising kaming magpipinsan, hindi na rin kami nagluto kasi nakahapag na sa maliit na lamesita ang almusal namin, gulat na gulat kami--ayos pala 'tong si Batluni.

Feeling ko tuloy parang nasa bahay lang ako haha.

Ang sarap pa man din ng almusal: Itlog at tinapay, tsaka mainit na kape. Simple lang pero nakakabusog naman.

Kung si Tatang ang kasama namin--nako, malamang makukutusan lang kami tapos kami pa ang maghahanda ng almusal--with matching sermon.

Naligo na rin kaming tatlo nina Kuya Gayle sa may poso sa likuran nitong kubo, first time ko ulit makakita ng poso kaya medyo excited ako sa pag-bomba. Uminom pa nga ako eh, 'yun nga lang imbes na malinis na tubig eh mabuhanging tubig 'yung lumabas sa poso; matagal na daw kasing hindi ginagamit 'yung poso kaya ganoon--kailangan daw munang bombahin ng matagal at tignan kung wala ng buhangin na sumasama sa tubig sabi ni Batluni.

Bwisit uminom-inom pa ako, susme.

"Masyado ka kasing atat eh. HAHAHA!" Kantsaw sa'kin ng mga pinsan ko habang nagtatawan sila ng malakas kasama si Batluni.

"Alahoy." Naiinis kong tugon na may kasamang pag-irap.

Pagkatapos naming maligo eh dali-dali na kaming nag-bihis. May pagka-pilyo din pala 'tong si Batluni, ayaw kasi namin 'yung mga ipinabaon na damit ni Acacia sa'min e--mga damit pang-Arentis eh, magmumukha kaming engot 'pag sinuot namin; kaya ayun--nagpunta s'ya doon sa mga kabahayan sa kabilang dako nitong palayan at sumungkit ng mga tuyong damit na nakasamapay.

"Ayos 'to oh--tignan mo ganda ng damit ko." Pagmamayabang ni Kuya Gayle habang ipinapakita sa amin ang suot niyang sweater at shorts na maong.

"Oo nga e--may taste pala 'tong si Batluni!" Dagdag naman ni Paolo habang tinitignan ang suot niyang t-shirt na may hood, tsaka maong na short din.

"Susme--palit nga tayo." Naiinis kong sabi sa mga pinsan ko. Nilingon naman nila ako at sabay na nagtawanan.

Paano ba naman kasi; tipikal na tshirt na kulay puti at itim na six-pocket shorts lang 'yung suot ko, tapos 'yung short maluwag pa sa'kin. Nakakainis lang--pakiramdam ko tuloy pinagtripan lang ako ni Batluni.

"Hayaan mo na. Magsinturon ka nalang, meron d'yan sa bag." Natatawang sambit ni Kuya Gayle.

Haay... Ano pa nga bang magagawa ko? O 'di kinuha ko nalang 'yung sinturon sa backpack namin at isinuot. Mas okay na 'to kesa naman suotin 'yung mga pinabaong damit sa amin ni Acacia.

"Tara na?" Sambit ni Batluni sa amin na nakasandal lamang sa tabi ng Pintuan. "Dalhin n'yo na 'yang mga gamit nyo--hindi na tayo babalik dito, sa oras na umalis tayo."

Hindi na kami babalik? Ibig sabihin--

"Alam n'yo na po ba kung saan mahahanap ang Orakulo?" Tanong ko.

"Hindi pa, ngunit malakas ang kutob ko na makikita natin ang Orakulo ngayon. Bilisan n'yo nalang." Mariin na sagot ni Batluni sa amin habang pinaglalaruan nito sa bibig niya ang toothpick na kanina pa nakasalpak sa mala-pusa niyang labi.

Tumango nalang kami. Siguraduhin lang ni Batluni na mahahanap namin kaagad 'yung Orakulo, kung hindi--ay nako... Ayokong matulog sa daan.

Dali-dali naming isinuot muli sa likod namin angmga backpack naming yari sa rattan,  tsinek kung may may nakalimutan ba kami--wala. Good to go na kami.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now