III - Ubug-ubugan

8.1K 344 126
                                    

Patuloy parin kami sa pagtakbo ni Kuya Gayle, hindi kami nag-iimikan—o nag-uusap. Mabilis kaming tumatakbo papasok sa isang masukal na gubat—o gubat nga ba? Wala kasing masyadong puno; mangilan-ngilan lang.

Ang makapal lang na nakikita ko dito e mga damo at baging, bukod d'on wala na.

Ilang sandali lamang ay biglang bumagal sa pagtakbo si Kuya, naki-gaya naman ako, hanggang sa tumigil kami sa isang talampas.

"Mag-ingat ka sa pagbaba medyo matarik dito." Sambit ni Kuya Gayle, sabay turo sa ibaba ng talampas.

Takot ako sa heights—ayoko talagang tumitingin sa ibaba 'pag nasa mataas na lugar ako, pinangingilabutan ako at pinanglalambutan ng tuhod—feeling ko mahuhulog ako e.

Pero itong talampas na'to parang 'di naman talaga talampas—parang maliit na dalisdis ng bundok lang, hindi ganoon kataasan pero medyo matarik nga— lang pero kaya ko namang bumaba, basta dahan-dahan.

"Hindi naman ganun kataas 'to ah." Sagot ko.

"Pero madulas d'yan—umulan lang kasi kagabi, panigurado maputik dyan— madulas—mag-ingat ka." Sambit ni kuya Galye na sinimulan na ang pagbaba.

"Ayooon..." bulong ko sa sarili. "May daanan naman pala..."

Isang hagdanang yari sa inukab na lupa ang nakita kong ginamit ni Kuya Gayle para makababa.

"Ayan naman pala o—may daan naman pala Kuya Gayle e!" Sigaw ko habang tinuturo ang ukab ukab na lupa.

"Oo nga. May sinabi ba akong wala? Ang sabi ko mag-ingat ka, madulas." Sagot nito habang patuloy parin ito sa pagbaba.

Nagkunot na lamang ako ng noo at sinundan si kuya Gayle pababa.

"Sabi ko nga." Naiinis akong bumulong.

Sobrang kipot nitong daanan na ito pababa at tama si Kuya Gayle—madulas nga; kinailangan ko pang umupo at magdahan-dahan sa pagbaba dahil bukod sa damo e wala na ng matibay na bagay na pwede kong pang kapitan.

Malapit ko ng marating ang ibaba ng talampas ng mapansin ko ang ingay na mula sa rumaragasang tubig.

Malapit ko ng marating ang ibaba ng talampas ng mapansin ko ang ingay na mula sa rumaragasang tubig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"May ilog dito?" Tanong ko. "I-ito na ba 'yong sinasabi n'yong—" Naudlot ako sa aking pagtatanong.

"Ubug-ubugan." Putol ni Kuya Gayle na ngayon ay marahang ini-uunat ang kanyang mga biyas.

Nang marating ko na ang ilalim ng talampas ay hindi ko mapigilang mamangha, oo—hindi ko parin naman nakakalimutan si Paolo, pero hindi ko talaga mapigilang mamangha e.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon