Chapter XII - Ang propesiya ni Pelayon

3.4K 171 23
                                    

Third Person's POV [Flashback/Filler]
-------------------------------------------

"Kumusta naman ang iyong pakiramdam, mahal na reyna?" Tanong ni Lucas sa batang babaeng nakaupo sa papag at pinapanood ang nagka-kasiyahang mga Talimao mula sa bintana sa loob ng isang bahay sa itaas ng puno.

Ngumiti lamang ang batang babae at hindi tumugon, nanatili lamang itong nakatingin sa ibaba.

"Tignan mo sila, masayang nakikisalimuha sa isat-isa." Panimulang sambit ng batang babae. "Wala silang kaalam-alam na maari rin silang atakihin ng traydor na si Sangcap --ano mang oras." Malungkot nitong dagdag.

Sinubukang tumayo ng batang babae ngunit sa halip ay dumaing lamang ito, pinigilan ito ni Lucas at inalalayan pabalik sa papag kung saan naupo muli ang batang babae.

" 'wag ninyong pwersahin ang katawan ninyo mahal na reyna -- mahina pa kayo."

Umiling na lamang ang babae at matamlay na dumungaw sa bintana.

"Ano po ba ang nangyari sa inyo mahal na reyna?" Mahinahon na tanong ni Lucas habang itinataktak at hinihipan nito ang kanyang pipa upang linisin.

Ngunit hindi sumagot ang batang babae, bumuntong hininga ito at dahan-dahang humarap sa matanda.

"Nakaharap ko si Nathaniel --" Pabulong nitong sagot.

Tinignan lamang ni Lucas ang batang babae na nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi ko inakalang nandoon din pala ang taong iyon... Salamat --" Inabot nito mula kay Batluni ang iniaalok nitong isang tasa ng mainit na tsokolate at nagpatuloy. "Nasa Hilaganon ako kahapon at abala sa pakikipag-pulong sa punong taga-pamahalang -- si Elan, ibinalita ko sa kanya ang masamang kaganapan sa mga kakahuyang pumapalibot sa Eringkil, binalaan -- at humingi ng tulong."

Tinignang muli ng batang babae si Lucas na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya, naghihintay na magpatuloy ang batang babae sa kanyang pagku-kwento.

Na s'ya namang ginawa ng batang babae.

"Sa kagandahang palad naman ay tumalima ang buong syudad ng Hilaganon at ipinangako ang serbisyo ng kanilang mga kabalyero kung sakaling kailanganin ng Arentis ang kanilang tulong. Maayos namang natapos ang aming pagpupulong... Hanggang sa makita ko si Pelayon."

"Ang manghuhula?" Nagulat na tanong ni Lucas, pinitik nito ang kanyang mga daliri at kasunod nito ang pagsindi at pag-usok ng kanyang pipa.

Tumango lamang ang batang babae.

"Ngunit anong ginagawa n'ya roon mahal na reyna?" Nagulat ding tanong ni Batluni na noon ay taimtim ding nakikinig.

Isang mabagal na iling lamang ang isinagot ng batang babae.

"Hindi ko alam at wala akong ideya kung ano ang ginagawa niya roon..." Malumanay ngunit halatang may halong pagkatakot na tugon ng batang babae. "Kahit ako man ay nagulat rin... Inakala kong guni-guni ko lamang ang lahat ngunit hindi, si Pelayon iyon -- nakita ko siyang tumatakbo sa buong nayon na balisa at takot na takot, tila ba parang may humahabol dito."


"Mm..." Ungol nina Batluni at Lucas, sensyales na taimtim silang nakikinig.

"Kung kaya at hinabol ko si Pelayon upang tulungan at tanungin kung anong nangyayari -- nahabol ko naman siya, ngunit ng tatanungin ko na s'ya kung ano bang bumabagabag sa kanya ay siya naman pagdating ni Nathaniel --"

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz