Chapter XVI - Libra

2.6K 135 32
                                    

Maaliwalas na tila ba nagpapahiwatig ng isang napakagandang araw ang panahon noong araw na iyon; tila ba inaakit nito ang lahat ng mga kabataan sa buong lungsod para lumabas at maglaro.

Para mamasyal at makipag-tawanan.

Para maglibang.

Para magsaya.

Hindi man lamang ito nagpakita ng isang senyales na isang nakakatakot na delubyo ang lalamon sa napaka-tahimik at napakagandang na bayan na ito...

Mabilis parin kaming tumatakbo nina kuya Gayle at Paolo patungo sa plaza kung saan naroon ang usok, hindi kami sigurado kung saan talaga naroon ang usok -- pero tantsa namin, ayon sa direkyon ng natatanaw naming usok e sa may mangga iyon.

Pero hindi pa naman kami sigurado.

Kaya nga tumakbo e -- para malaman talaga namin, at saka para malaman na rin namin kung ano ba talagang nangyayari at may usok doon.

Nang manaka-naka ay bigla akong huminto ng mapansin ko na parang may sumusunod sa amin. Lumingon ako.

"Hoy, aba -- anong ginagawa mo d'yan? Ba't ka tumigil?" Aburidong tanong ni kuya Gayle.

"Oo nga -- tara na kuya kelvin." Tinapik ako sa balikat ni Paolo na kung hindi pa ako huminto e hindi na makakahabol sa amin.

Pinagmasdan kong mabuti ang mga kabahayan sa mahang kalyeng ito -- wala naman akong nakitang kakaiba.

Lumingon ulit ako pabalik kina kuya Gayle at Paolo.

"A-ah, w-wala, wala." Nauutal kong sinagot sina kuya Gayle at Paolo.

"Sus, tara na --" Tugon ni kuya Gayle na nagsimula na ulit tumakbo.

Pero pakiramdam ko talaga may sumusunod sa amin e -- napansin ko pa nga, parang may mabilis na dumaan sa paligid namin.

Baka guni-guni ko lang.

Baka nga.

"O eto na, eto na. Galit agad?" Sabi ko.

At tumakbo na ulit kami patungong plaza.

--------------------------------------------------------

Malapit at halos tanaw na namin ang plaza ng biglang huminto si Paolo. Tumigil rin kami saglit ni kuya Gayle --

"Napansin n'yo ba?" Tanong ni Paolo habang palinga-linga nitong pinagmamasdan ang paligid.

"Ang alin?" Tanong ni kuya Gayle na sinimulan naring magmasid at makiramdam.

"May sumusunod sa'tin..."

"Sumusunod -- s-san?"

"Hindi ko alam -- pero sigurado ako may sumusunod sa atin."

Sabi na e, hindi ako namalikmata kanina. May sumusunod talaga sa amin.

Hindi na nagsalita si kuya Gayle, ikinumpas lamang nito ang kamay nito na daglian namang nagliwanag at kasunod nito ang paglitaw ng isang espadang yari sa yelo.

Alertong nagpa-linga-linga si Kuya Gayle habang mahigpit nitong hinahawakan ang umuusok sa lamig nitong espada, mainit ang panahon -- ngunit ang espadang ito ay hindi makitaan ng unti-unting pagkatunaw.

"Huh?" Bulong ko sa sarili ng may marinig akong ingay na nanggagaling sa itaas --

"Malapit na siya --" Sambit ni Paolo.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now