Chapter XX - Pagsasanay I [Ang kapangyarihan ng mga Talimao]

3K 133 17
                                    

Ginising ako ng ingay na nagmumula sa labas, isama mo pa 'yung ingay ng talon habang sumasalpok ito sa mga naglalakihang bato. Idinilat ko ang mga mata ko, nasa kubo ako ni Tatang.

Kung inaakala mong nasa ubug-ubugan ko, hindi ka nagkakamali.

"Bakit kelangan kong tumakbo ng tumakbo Tatang, samantalang si Paolo nakaupo lang d'yan at naliligo sa may talon? Tsaka... Bakit hindi pa gising si Kelvin? Ang duga naman e..."

"'wag ka ng marami pang reklamo Gayle, sundin mo nalang ang iniuutos ko..." Malumanay na sambit ni Tatang. "...Anong oras na ba at magising na nga ang pinsan n'yo." Dagdag nito.

Tumayo na ako sa mula sa papag at dahan-dahang dumungaw sa may bintana.

"Pinsan naming batugan...daming alam, gumising lang ng maaga ang hindi..." Nagmamaktol na bulong ni kuya Gayle ng makatalikod na si Tatang.

"Hmm? Anong binubulong bulong mo d'yan? Diba ang sabi ko --" Bbiglang nilingon ni Tatang kay Kuya Gayle.

"Wala ho, eto na nga o tatakbo na." Naiinis na sambit ni kuya Gayle na dali-daling tumakbo palayo.

Umiling na lamang si Tatang at nakangiting naglakad papalapit sa kubo, dali-dali kong ibinalumbon ang kumot at mabilis na itinago sa ilalim ng unan at pagkatapos ay maragsa kong tinungo ang pinto.

Sakto naman ang pagdating ko sa pinto, dahil bigla itong bumukas at bumulaga sa akin si Tatang.

"Oh... Gising na pala ang prinsipe..." Biro nito.

"Pasensya na po... Napasarap lang ng tulog..." Sambit ko habang nagkakamot ng ulo.

"'yang kawalang bahala at pagiging batugan mo ang magpapahamak sa'yo --" Iniangat ni Tatang ang hawak nitong tungkod at mabilis itong pinukpok sa noo ko. "Kanina ka pa hinihintay ni Batluni sa labas -- samahan mo daw ulit siyang mangaso."

"Nanaman?" Tanong ko.

"Nagrereklamo ka? Odi sige... Ipagpaliban n'yo na muna ang pangangaso at maghapon tayong magtitigan habang kumakalam ang sikmura." Nakangiti akong sinesermunan ni Tatang.

"Sabi ko nga mangangaso na ako..." Napakamot ako bigla sa pisngi ko at sinimulan ng lumabas ng bahay.

"Sandali."

"Bakit na ho?" Bumuntong hininga na lang ako habang nililingon si Tatang.

"Oh..." Ibinato nito ang isang bagay na binalot sa dahon ng saging. "Kainin mo 'yan habang nangangaso kayo. Hindi pwedeng umpisahan ang araw ng walang laman ang tiyan."

Napangiti nalang ako. Si Tatang talaga.

Pagbukas ko ng pinto at nakita ko si Batluni na nakaupo sa isa sa mga naglalakihang bato, pinapanood lamang nito si Paolo na taimtim na nakaupo sa ilalim ng rumaragasang talon, nakapikit. Kung ako tatanungin mo, sasabihin kong tulog yan e.

Mas antukin pa si Paolo sa'kin e.

"Kanina ka pa ba d'yan?" Tanong ko kay Batluni.

"Kanina pa po." Mapang-uyam nitong sagot.

Napakamot na naman ako sa ulo, kung hindi yung pagiging mantika ko matulog, yung tungkol naman sa manners ko yung pinapansin nila. Tsk.

"Kanina pa po ba kayo d'yan?" Ulit ko.

Tumayo si Batluni at sinimulang pagpagin ang alikabok sa kanyang suot na pantalon -- oo, pantalon; nanibago nga ako e. Dati-rati kase naka shorts lang 'tong si Batluni tapos laging may suot na turban, pero ngayon naka pantalon, kita ko na rin ang malalaki nitong tenga na parang sa pusa dahil sa wala nga itong turban, pero wala pa rin itong suot na damit pang itaas.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now