Arentis [Ang Orakulo] - Book 2 Teaser

2.3K 109 9
                                    

"Sa dinami-dami ba naman kasi ng pwedeng utusan bakit ako pa?!" Pagmamaktol ko habang tinatabas ang mga naglalakihang mga damo gamit ang espada kong kahoy. "Pwede namang si Kuya Gayle, okaya si Paolo--okaya--bakit hindi nalang kaya si Tatang mismo ang gumawa tutal kanina pa naman s'ya utos ng utos?"

Kanina pa ako nandito sa kakahuyan, medyo nagdidilim na nga eh; kaso wala pa rin akong makitang hayop na pwede naming kainin--niloloko lang 'ata ako ng mga 'yun.

Wala naman 'ata talagang hayop dito e. Mga hayop sila, ako pa talaga pagtitripan.

"Yan tuloy nagugutom na ako..." Hinawakan ko bigla ang tiyan ko ng bigla itong tumunog, oo na alaga kong bulate--kahit ako gutom rin, 'wag kang mag-alala kakain din tayo.

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad, tumalon pa nga ako sa puno e para tignan mula sa itaas kung meron ba talagang hayop na pagala-gala dito. Kaso wala talaga akong makita.

Buti nalang talaga, bitbit ko 'tong bag ko na punong-puno ng pagkain. Malas nila, ako makakakain ako sila hindi, kailangan pa nila akong hintayin. Kasalanan nila 'yan. Utos ng utos e.

"Ano kayang kakainin ko?" Tanong ko sa sarili habang kinakalkal ko ang laman ng backpack ko, patuloy pa rin ako sa paglalakad, nahinto na lang ako ng biglang naramandaman ko na parang may naapakan akong isang bagay.

"Lubid?" Tanong ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukute ko pero hinawakan ko pa 'yung lubid. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari, naramdaman ko nalang na parang may humampas sa likod ko at kasunod noon ang mabilis kong pag-angat sa lupa.

"Ah--Teka, anong--WAAAHH!!!" Sigaw ko.

Mabilis lahat ng pangyayari, ni wala na nga akong matandaan; naramdaman ko nalang na bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

Nawalan ako ng malay.

"Gah... Anong nangyari--Huh? Anong--" Ilang sandali lang eh nagising na rin ako, medyo nahihilo pa ako, tumutulo rin ang dugo mula sa ulo ko kung saan naramdaman ko kanina na parang may humampas sa'kin.

Pero hindi talaga 'yon ang ikinatakot ko. Kung hindi ang katotohanang nasa loob ako ng isang makapal na lambat at nakasabit ako ngayon sa itaas ng isang puno.

"SAKLOLO!!!" Napasigaw ako. kahit naman siguro ikaw. Magising ka kaya na nasa sitwasyon ka ng katulad ng sa'kin, anong gagawin mo? Kakanta ng happy birthday?

Pero walang sumasagot, mukhang wala namang makakarinig ng sigaw ko. Naku naman.

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid, tumingin ako sa baba at nakita ang bag kong sumambulat na rin ang laman sa damuhan. Kitang-kita ko ang dugo kong kanina pa pumapatak sa mga nakabalot na tamales sa ibaba.

Lalo tuloy akong nagutom. Pero parang ayoko munang isipin. Kailangan kong makatakas dito.

Mabuti naman at hawak ko pa 'yung espada ko, sinubukan kong gamitin 'yun para putulin ang mga makakapal na lubid nitong lambat, pero sino nga ba ang niloloko ko? Espadang kahoy lang 'to, ag nagagamit lang 'to kapag nilalagyan ng... TAMA!

"Ituon ang pwersa sa espada... Ituon ang pwersa sa espada..." Paulit-ulit akong bumulong.

Pero wa-epek. Masyadong maliit itog lambat, halos mapipi ako sa sobrang kipot. Hindi ko na nga maigalaw ang mga braso ko. Ulo at daliri ko na lang ang malayang nakakagalaw.

Bwisit namang talaga.

"JOTARO! MAY NAHULI NA TAYO! HALIKA DALI! DALI!" May narinig akong boses na sumisigaw.

Lalo naman akong kinabahan, sino naman kaya 'yon?

Dahan-dahang gumalaw ang mga damuhan sa paligid, kasunod naman ang biglang paglabas ng dalawang nilalang na may kakaibang itsura.

Ang isa sa kanila ay mukhang unggoy, pero kasing tangkad lang din ng tao; mabalbon ang buong katawan nito maliban na lamang sa parteng dibdib na medyo malaki rin--parang pang martial artist nga 'yung katawan n'ya e. May buntot din s'yang mahaba at malaki at bilugang mga tenga.

"ITO OH MAY KUNEHO NA TAYONG NAHULI!" Bulalas ng taong-unngoy habang nakaturo ito sa direksyon ko, hindi pa rin ito tumitingin sa akin simula kanina nakatingin lamang ito sa may damuhan na para bang may kinakausap.

"Susmaryosep! Sino yan!" Napabulong ako sa gulat ng makita ko ang pangalawang nilalang na lumabas mula sa damuhan, siya 'yung Jotaro na tinatawag nitong taong-unggoy kanina pa.

Nagulat talaga ako sa nilalang na 'yon, ang laki ng katawan; puro peklat pa--at take note malalaking peklat na tila ba nakuha niya 'yong mga 'yon sa pakikipaglaban.

Mandirigma kaya 'tong nilalang na 'to? Kakainin n'ya ba ako?

Malaki ang nilalang na 'to, may mahaba ring buhok. Malalaki ang mga braso nitong medyo mabalbon, may buntot din ito; pero ang mas napansin ko sa kanya eh 'yung mukha n'ya.

Mukha siyang leyon. Medyo hawig pa nga s'ya kay Batluni e; pareho pa silang may sibat. Yun lang talaga, mukhang mas maangas 'to kay Batluni.

"Nasaan? May nahuli ka na bang--" Tanong ni Jotaro sa taong-unggoy. "Nasaan na 'yung nahuli mong--" Napatingin ito sa akin.

Nako lagot.

Tinitigan ako nitong mabuti.

Nako lagot talaga.

"Kuneho?" Sambit ni Jotaro sa akin habang masinsinan ako nitong pinagmamasdan, hinugot niya mula sa upak na nakasabit sa kanyang likuran ang isang maliit na tabak, at mabilis itong initsa patungo sa direksyon ko. 

Nanlaki lalo ang mga mata ko makita kong papalapit na sa direksyon ko ang inihagis niyang tabak na 'yon.

Ano bang ginawa ko?

                                                                              ***                  


Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now