Chapter XXIX - Maranawi

2.5K 121 11
                                    

"T-totoo po ba ang lahat ng sinasabi n'yo?" Gulat na gulat na nagtanong si Paolo kay Mang Erting na bumalik na naman sa pagbibilang ng barya.

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" Marahan sa sambit ni Mang Erting--tutok na tutok siya sa pagbibilang, hindi nga s'ya lumilingon e.

Nagtinginan nalang kaming magpipinsan, hindi talaga namin alam kung ano ang dapat sabihin o kung ano ba ang reaksyong naaangkop na gawin namin sa mga narinig namin.

Sino ba naman ang hindi magugulat--may koneksyon pala kami ng mga pinsan ko kay Bakunawa, si Tatang. Bakit hindi sinabi sa amin ni Tatang ang tungkol dito? Bakit hindi sinabi sa amin ni Tatang na bukod sa aming tatlo eh may isa pa s'yang naging estudyante... At taga-lupa rin.

Hindi rin sinabi sa amin ni Tatang na galit pala sa mga taga-lupa 'tong mga dwende ng Bakokoy, lalo tuloy akong nailang.

Ano bang gustong mangyari ni Tatang? Bakit pa n'ya kami pinapunta dito?

"Haayy..." Bumuntong hininga ako na ikinubli ko nalang na parang naghihikab ako, bigla kasing tumahimik--kalansing lang ng barya ang naririnig namin, tsaka 'yung malakas na pagbibilang ni Mang Erting sa mga baryang bitbit namin.

Dumilim pa--nakalimutan kong mabilis nga pala ang takbo ng araw dito sa Arentis.

"Dito na muna kayo magpalipas ng gabi--masyadong mapanganib ang kakahuyan kapag madilim na, maraming engkanto ang gumagala. Baka mapa'no kayo." Alok sa amin ni Mang Erting na abala pa rin sa pagbibilang ng mga barya--hindi naman ganoon karami 'yung mga baryang 'yun pero ang tagal n'ya magbilang; pano sinusuri n'ya munang mabuti ang bawat barya--tsinetsek n'yang mabuti--ewan ko bakit, siguro para makasiguradong tunay ang mga ito at hindi peke.

"Ay naku--'wag na po, nakakahiya naman po sa inyo." Maingat na pagtanggi ni Kuya Gayle.

"Atsaka, nakakahiya naman po... Baka wala na po kayong matulugan sa laki namin." Sagot ko naman.

"Sino bang may sabing dito kayo sa loob matutulog?" Sabat ni Erting habang nakataas ang kilay nito. "Doon kayo sa bubong." Itinuro niya ang butas sa kisame ng kanilang munting tahanan kung saan tagusan ang butas na ito at makikita ang makakapal na sanga at dahon ng balete, may hagdanang lubid din ang noon ay dagliang hinila ni Lerting.

Seryoso talaga sila? Sa bubong talaga nila kami patutulugin? Eh parang mas safe pa matulog sa labas kaysa do'n e--malikot pa man din akong matulog.

"Ah, eh... Sa taas po talaga?" Tanong ko.

"Sa taas talaga kami natutulog, napansin n'yo namang walang kwarto dito hindi ba?" Nakangiting sambit ni Lerting na nakalambitin na sa hagdanang lubid. "Tara na." Anyaya nito.

Tinignan ko lamang s'ya habang dahan-dahang kumukunot ang noo ko.

"Ayaw na ayaw ni Tatay na tinatanggihan ang mga alok niya, dali na." Bulong ni Lerting.

Bumuntong hininga na lamang kaming tatlo nina Kuya Gayle at Paolo, no choice na rin--atsaka gabi na. Mukhang dito na talaga kami magpapalipas ng gabi.

At sa bubong kami matutulog.

Tahimik kahit na nagmamadali naming inakyat ang hagdanang lubid, at nang marating namin ang bubong ng munting baron-barong nina Lerting eh nagulat nalang kami...

Hindi pala ito kasing sama ng inaasahan namin.

"Wow." Bukambibig ko. Nanatili namang tahimik sina Kuya Gayle at Paolo pero bakas sa mga mukha nila na tulad ko--eh nagulat rin sila.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now