Chapter XXX - Paglalakbay sa himpapawid

2.5K 112 13
                                    

Dali-dali kaming umakyat patungo sa kubyerta ng luma ngunit napakagandang barkong ito, hindi naman ito gaanong kalakihan--hindi rin sobrang liit, parang yate nga 'yung datingan eh--times two lang 'yung laki.

Basta sakto lang, kasyang-kasya kaming apat nina Lerting, may extra space pa.

Nagtungo ako sa pinaka-dulong bahagi nitong kubyerta--'yung nguso ng barko, kung saan naroon at naka-ukit ang isang estatwa ng isang hindi ko kilalang ibon. Nagtungo ako rito para mag masid-masid; mahirap na... Baka nasundan kami.

Sinamahan naman ako ni Kuya Gayle na ngayon ay masusing pinagmamasdan at nagmamanman sa paligid, si Paolo naman--hayun, sinamahan si Lerting doon sa napakalaking manibela nitong barko.

"Para saan 'yan?" Dinig kong tanong ni Paolo habang itinuturo nito ang nagliliwanag na batong hawak ni Lerting.

"Ito ang magpapalipad sa barkong ito--hawakan mo muna saglit." Utos ni Lerting habang iniaabot kay Paolo ang bato.

Dahan-dahang binuksan ni Lerting ang isang maliit na kahon sa paanan ng kahoy na manibela nitong barko, masusi niya itong pinagmasdan.

"Akin na 'yan." Utos muli ni Erting kay Paolo.

Iniabot naman ni Paolo ang nagliliwanag na bato kay Lerting, kinuha naman ito ng dwende at marahang ipinasok sa maliit na kahon.

Manaka-naka'y bigla kong naramdaman ang biglaang pagngaralgal ng barko. Ang mga layag na kanina'y nakasalansan at maayos na nakarolyo ay dahan-dahang bumaba at lumadlad ng kusa, nag-umpisa na ring umikot ang mga elesi nitong barko ng dahan-dahan.

Ang galing.

Parang biglang nagising muli itong barko mula sa matagal nitong pagkakatulog.

"Hilahin mo 'yung ankla--ano nga ulit pangalan mo?" Utos ni Lerting na daglian namang napakamot ng ulo.

"Kelvin." Sagot ko habang nilalapitan ang napakalaking tanikalang naka-palupot sa isang napakalaking makinarya na may hawakan, ito 'yung makinaryang ginagamit para hilahin 'yung ankla na kinakalawang na sa sobrang tagal nitong nakalapag sa lupa.

Sinimulan ko ng hilahin ang ankla--hindi naman pala ito kasing bigat ng inaasahan ko, medyo lang. Mabuti nalang talaga at tinulangan ako ni Kuya Gayle, napabilis tuloy 'yung pag-hila namin sa ankla.

"Maglalayag na tayo." Sambit ni Lerting na ngayon ay nakatayo na at hawak-hawak ang manibela nitong barko. "Kayong tatlo--doon kayo sa may kubyerta habang minamani-obra ko itong barko, magmasid kayo sa paligid--tignan ninyo kung may nakasunod ba sa atin, mahirap na."

Napakamot na lang kami sa ulo. Kanina pa 'to utos ng utos a--susme.

Pero sa huli, sinunod pa rin namin ang utos ni Lerting--may punto rin naman aksi siya, hindi pa naman kami talaga nakakaalis sa Lukbanon, anumang oras eh pwede pa rin kaming matunton ni--sino nga ba 'yun--ah ni Nakuayen at ng mga alagad niyang mga Undin.

"Maghanda sa paglipad--lalayag na tayo." Dinig naming sigaw ni Lerting.

Naramdaman namin ang marahan ngunit pabilis na pabilis na pagsulong nitong barko papalabas nitong kweba na nakatago sa likod ng talon ng Maranawi. Kinakabahan ako na naeexcite--hindi ko mawari kung ano ba 'tong nararamdaman ko.

First time ko kasing sumakay ng barko e. At first time ko ring sumakay sa sasakyang pang himpapawid.

Ah basta--ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Nagpatuloy kaming nagmasid-masid ngmga pinsan ko habang pabilis ng pabilis ang pagusad nitong palabas nitong kweba. Nasa may kubyerta kami, nandito ulit akosa nguso ng barko habang sina Kuya Gayle at Paolo naman e nasa magkabilang gilid ng kubyerta.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now