VI - Acacia

4.2K 208 65
                                    

Third Person's POV [Flashback/Filler]
-------------------------

"K
umpleto na sila." sambit ng munting babae habang pinagmamasdan nito ang tatlong batang lalaki na nagkanda-haba-haba ang leeg habang tinitignan ang niyugan sa kanilang likod bahay.

Nagtatago ang batang babae na ito sa isa sa mga puno ng niyog, habang manaka-naka'y sinisilip nito ang tatlong batang lalaki na nakatingin rin sa direksyon niya—tila ba tinatanong ng mga ito sa isa't isa kung sino o ano ang ginagawa ng batang babae ng iyon sa niyugan.

Ang batang babaeng ito ay maliit at maputla ang balat, nakasuot ng puting tunika na may kulay pilak na sinturon, mahaba ang kulay araw nitong buhok na naging dahilan upang matakpan ang mahaba at patusok nitong mga tenga.

"Napansin na yata nila ako—" Gulat na sambit ng batang babae na mabilis naman nitong ikinubli ang maliit na katawan sa payat na puno ng niyog. Maya-maya ay dahan-dahan itong sumilip upang tignan ulit ang mga batang lalake.

Ang isa sa kanila—ang pinakamatangkad sa tatlong batang lalake ay seryosong nakatingin sa direksyon kung saan nagtatago ang batang babae.

"Anong gagawin ko?" Tanong muli ng batang babae. Ang puti nitong pisngi ay dahan-dahang namula. "Huh—" Nagulat nalang ito ng mapansin ang dagliang paglakas ng hangin.

Isang ingay mula sa itaas ang dali-daling pumukaw sa atensyon ng batang babae. Kung tutuusin ay halos hindi ito madaling marinig ng isang normal na taong katulad mo, ngunit dahil may malaki at mahabang tenga ang bata ay agad n'ya itong napansin.

Nasisilaw man dahil sa taas ng init ng araw ay dahan-dahan itong tumingala upang malaman kung saan galing ang ingay na iyon.

"Anong ginagawa ng undin na iyon dito?" Bulong ng batang babae sa sarili ng makita ang isang maliit na nilalang. "At—hindi ba si Lucas 'yon?" Dagdag nito.

Gulat na gulat ito ng makita ang isang matandang lalaking mabilis na lumilipad sa kalangitan na para bang hinahabol nito ang kakatwang nilalang na mabilis na palipat-lipat at tumatalon sa mga tuktok ng puno ng niyog.

Tatakbo sana ang batang babae upang sundan at malaman kung saan patungo ang matandang lalaki ngunit natigilan ito; bagkus ay lumingon muli ito sa direksyon ng mga batang lalaki na ngayon ay hindi na n'ya makita.

Bumuntong hininga ang batang babae. "Saan naman kaya nagpunta ang mga batang iyon?" Sambit nito.

Napakamot na lamang sa ulo ang batang babae, hanggang sa tanungin muli nito ang sarili.

"Pero... Bakit may Undin dito?" Seryoso nitong tanong.

Alam ng batang babae na ito na hindi nababagay sa mundo ng mga taga-lupa ang nilalang na iyon, nagsimula na itong mangamba—umiling iling ito at natigilan.

"Masama ito..." Wika niya.

Isinubo nito ng sabay ang maliliit nitong hinlalaki at hintuturo dagliang sumipol ng tatlong beses, huminto ito at muling tumingala... Para bang may inaasahan itong paparating.

At hindi nagtagal ay dahan-dahan na nitong nararamdaman ang papalakas  na bugso ng hangin—napangiti ito.

Dahan-dahang nagsayawan ang mga damo at dahon ng niyog sa lakas ng hangin, nanatili paring nakatayo ang batang  babae—tahimik at para bang hindi alintana ang lakas ng hangin na pumapagaspas at gumugulo sa napakaganda niyang buhok.

Para bang—para bang inaasahan pa niya ito.

At ng mga sandaling iyon ay bahagyang naglilim ang parteng kinatatayuan ng batang babae. Tumingala ito at ngumiti upang batiin ang isang napakalaking nilalang na dahan-dahang bumaba mula sa kalangitan.

Isa itong ibon. Isang napakalaking ibon.

"Madali—kailangan kong abutan si Lucas." Utos nito sa malaking ibon na dahan-dahang lumapag mula sa himpapawid pababa sa lupa, malapit kung saan nakatayo ang batang babae.

Ang ibon na ngayon ay nakayuko at nakatingin sa batang babae ay hindi isang pangkaraniwang ibon— malaki ito, kasing laki ng isang kabayo. May makapal at kulay pulang mga balahibo, malaki at matulis na tuka, kulay gintong palong at kulay berdeng mga mata.

Nakatikom man ang mga pakpak nito ay kapansin-pansin naman ang ibat-iba mga kulay ng balahibo nito na karaniwang naglalaro sa mga kulay na lila, asul, berde at itim—ganun na rin ang kulay ng mahaba nitong buntot.

Kakaiba talagang ibon.

Ito ang Sarimanok.

"Hindi ko alam kung anong meron—hindi ko rin alam kung anong nangyayari, pero sana naman ay hindi ito gaanong masama." Humihingal na sambit ng batang babae habang sinusubukan nitong umakyat at sumakay sa likod ng higanteng ibon na hindi naman kalaunan ay nasakyan na niya.

"Tara na."

Dahan-dahang ibinuka at ipinagaspas ng Sarimanok ang malaki nitong mga pakpak, naghahanda sa kanyang paglipad, nagpatuloy ito sa pagpapapagaspas ng kanyang pakpak—hanggang sa isang matinis na sigaw na para bang sa mga lawin ang inilabas ng higanteng ibon kasunod ang biglang pagliyab ng mga pakpak at buntot nito.

Muling lumakas ang ihip ng hangin, hanggang sa dahan-dahan itong humina at nanumbalik sa normal, matahimik na muli ang niyugan—at wala na rin ang batang babae rito.

Dahil nasa kalangitan na ito, at sakay-sakay ng higanteng ibon.

Mula sa itaas ay masusing pinagmasdan ng batang babae ang kabuoan ng niyugan, hinahanap nito ang matandang lalaki at ang kakatwang nilalang na naghahabulan kani-kanina lamang, maswerte naman ito dahil hindi nagtagal ay nakita niya mula sa hindi kalayuan ang kakatwang nilalang na patuloy pa rin sa pagtalon.

"Doon." Turo ng Batang babae.

At dali-daling lumipad ang Sarimanok patungo sa direksyon na itinuro ng batang babae.

Ngunit biglang natigil sa pag-lipad ang Sarimanok ng makita ng batang babae ang matandang lalaki na nakaupo sa ilalim ng isang puno ng mangga, humahapo ito na halos hindi makahinga—para bang nauubusan ito ng lakas.

"Lucas!" Sigaw ng bata.

Sakay pa rin ng Sarimanok ay dali-dali itong bumaba upang usisain ang kalagayan ng matanda.

"Anong nangyari?" Tanong nito habang niyuyugyog ng bahagya ang balikat ng matanda. "Bakit may undin dito sa lupa?" Dagdag nito.

Ngunit hindi makasagot ang matandang si Lucas, bagkus ay humihingal lamang ito habang nakatingin sa batang babae.

Lumingon-lingon ang batang babae.

"Sandali lang—tibayan mo ang iyong loob." Sambit ng bata sa matanda.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now