Chapter XVIII - Ang sumpa ng itim na liwanag

2.4K 132 32
                                    

Isang napakakapal na yelo ang dagliang lumitaw sa aking harapan, alam ko kung kanino galing ito.

"Hindi pa natin katapusan kelvs -- mauuna muna sila hehe..." Nakangising tugon sa akin ni kuya Gayle habang nakabukas ang mga palad nito at nanginginig na nakaturo sa pinakawalan nitong kapangyarihan.

Sabi na nga ba e -- kay kuya Gayle galing itong yelo.

Pumaikot ng mabilis ang noon ay mataas at makapal na yelo at naging isang bakod na nagbigay sa akin ng kaunting pag-asa. Siguro -- siguro lang, baka iligtas din kami nitongbakod ni kuya Gayle.

Katulad ng bakod na apoy na nagligtas sa amin mula sa higanteng Bungisngis sa lawa kanina.

Sana nga.

Gruugg...

Naramdaman ko na naman ang pagyaning ng lupa at sa pagtingala ko ay tumambad sa aking harapan ang bilang ng mga naglalakihang mga ugat na katulad ng bakod na yelo na ginawa ni kuya ay daglian rin pumalibot sa amin.

"Tatang --" Lumingon ako kay Tatang. Nakangiti ito ngunit ang mga mata ay diretso pa ring nakatingin kay Bakunawa.

"Napaka-nerbyoso mo naman pala bata --" Pabirong sambit sa akin ni Tatang Lucas.

"Kakakape yan tatang -- "

"Paolo!" Sabay kaming napasigaw ni kuya Gayle ng makita namin ang pinsan naming nakatayo ngayon sa isa sa mga ugat na tinatayuan ni Tatang.

Mula sa kinatatayuan nito ay mabilis na tumalon si Paolo patungo sa amin, magsasalita sana ako pero naunang nagsalita si Paolo.

"Mukhang hirap na hirap kayo ah, kailangan n'yo ng tulong?" Nakangisi nitong sambit sa amin.

"Obvious?" Sagot ni kuya Gayle.

Napangiti na lang ako.

At nagawa pa talaga ng mga 'to ang magyabang kahit na nasa ganito kaming sitwasyon --  'tong mga pinsan ko talaga...

Umiiling na tinapik ni Paolo sa balikat si kuya Gayle at ngumisi, hinawakan at ipinagdikit muli nito  ang kanyang mga kamay, kasunod ang dahan-dahang pagliwanag ng katawan ni Paolo.

"Paano kaya kayo 'pag wala ako? Tsk... Tsk..." Pabirong sagot sa amin ni Paolo.

Muli ay lumabas ang mahiwagang kalasag ni Paolo na daglian namang bumalot sa aming tatlo.

Nang manaka-naka'y biglang nagsalita si Tatang.

"Huwag kayong maging kalmante mga bata -- malakas itong si Bakunawa."

Naman! Kill-joy naman 'tong si Tatang e. Akala ko pa naman ligtas na kami sa kapal ng mga pananggalang na nakapalibot sa amin.

"Pero tatang --" Naudlot kong sambit.

"Kailangang may sumugod sa atin -- kahit isa lang --" Lumingon sa akin si kuya Gayle.

Matagal akong tinignan ni kuya, alam kong may gusto siyang sabihin sa pagtitig niyang 'yon sa'kin...

"Ah -- ayoko." Sagot ko.

"Wala ng choice kelvs! Hindi naman ako pwedeng lumaban --"

"Kumusta naman ako? Kita mo ng 'di ko magalaw 'tong braso ko -- huh?"

Nagulat nalang ako ng mapansin kong nawala ang mga paso at galos ko sa katawan... At ang isa pang ikinagulat ko -- nawala ang pamamanhid at sakit sa kaliwa kong braso.

"Paanong?" Tanong ko.

"Dalawang klase ng kalasag ang meron  si Paolo -- yung isa yung kanina -- total protection 'yon, at itong isa --" Naudlot na sagot sa akin ni kuya Gayle

"Kalasag din... yung nga lang mahina -- pero kaya nitong pagalingin ang kahit sino, basta nasa loob s'ya nito." Sagot ni Paolo na hindi man lang lumingon.

"Hehe... Pano ba yan kelvs -- mukhang no choice ka." Pabirong sagot ni kuya Gayle.

"Ano ako hilo? E gumaling ka rin naman a -- "

"Hindi ko naman pwedeng iwan 'tong posisyon ko -- masisira 'tong ice wall -- jusko common sense!" Natatawang sagot ni kuya Gayle sa akin.

"Anla naman! Nakakainis kayo -- " Padabog kong sagot.

Nakakainis. Kahit ayokong isipin na pinagkakaisahan ako ng mga pinsan kong 'to hindi ko mapigilan e -- ayoko talaga, natatakot ako.

Natatakot na naman ako.

CRASH!

Sinangga ng makakapal na ugat ni Tatang ang bumubulusok na liwanag, nakaramdam ako ng kaunting pagyanig ng lupa.

 Ang pagyanig na naramdaman ko ay nanggaling sa nagbanggaang liwanag ni Bakunawa at ang bakod na ugat ni Tatang. Sandali lamang ang pagyanig na iyon -- sensyales na napagtagumpayan ng mga ugat ang kanilang tungkulin na protektahan kami mula sa mapanganib na liwanag ni Bakunawa.

Hay salamat... Mukhang hindi ko na para lumusob pa.

"Nakalimutan mo na bang ako ang nagturo sa'yo ng estilo mong 'yan Bakunawa?" Nakangising sambit ni Tatang "Alam mong hindi tatalab ang kapangyarihan ng espada mo sa akin..."

"
Hmp... Mayabang ka talaga tanda --" Sagot ni Bakunawa. Itinaas nitong muli ang kanyang espada. "Hindi... Hindi ko nakakalimutang sa'yo ko natutunan ang lahat ng aking kaalaman sa pakikipag-laban... Ngunit nakalimutan mo na ba?"

Napatingala ako ng muling tumalon si Bakunawa, kitang kita ko kung paaano umilaw ang kanyang espada, kitang kita ko rin kung paano kumawala ang isa na namang liwanag mula sa kanyang espada.

"Na hawak ko ang Balani! YAHAHAHA!" Dagdag na sambit nitong humahalakhak na si Bakunawa.

At gaya ng inaasahan ay umatake muli si Bakunawa. Bumubulusok na papalapit sa amin ang pinakawalan nitong liwanag mula sa  talim ng kanyang hawak na sandata.

Ngunit kakaiba ang liwanag na pinakawalan nito, hindi ito kulay asul na katulad ng naunang liwanag na sinangga lamang ng mga ugat ni Tatang kanina.

Kulay itim ito.

At mabilis itong papalapit sa amin.

"Huh?" Wala na akong ibang masabi -- masyadong mabilis ang mga pangyayari, masyadong mabilis ang pag-galaw ng itim na liwanag.

Palaki ito ng palaki habang papalapit ng papalapit ito sa amin.

Nanlaki ang mga mata ko, napalunok na rin.

Sana naman ay sanggahin ulit iyon ng mga ugat ni Tatang  o kung hindi naman ay nitong bakod na yelo na gawa ni kuya o kaya naman ay itong pananggalang na ginawa ni Paolo.

Kahit alin man dito -- ang importante...

Sana makaligtas kami.

Dahil sa totoo lang, kung ako ang tatanungin -- iba talaga ang pakiramdam ko dito sa itim na liwanag na 'to.

CRASH!

Muli ay nakaramdam ako ng kaunting pagyanig ng lupa -- ngunit malakas ang isang ito, kasunod nito ang paglabas ng makapal na usok at alikabok.

Mabuti nalang talaga at nasa loob kami nitong pananggalang ni Paolo, kung hindi baka magmukha kaming espasol.

"Ikumusta n'yo na lamang ako kay Gene..." Dining kong sambit ni Bakunawa. Napakakapal ng usok na humaharang sa amin, pinilit kong sumilip pero sadyang wala akong maaninag.

Narining ko nalang ang ilang yabag ng mga paa mula sa direksyon ni Bakunawa...

Tapos na ba? Umalis na ba sila?

"Anong -- umalis na yata sila." Tanong ko kay kuya Gayle.

"Hindi ko alam... Baka --" Sagot ni kuya. Iwinagayway nito ang kamay nito at kasunod ang biglang paglakas ng hangin, hindi naglaon ay dahan-dahang nagsimulang maglaho ang makapal na usok.

"A-anong?" Nagulat na saad ni Paolo, dagliang naghiwalay ang mga kamay nito na naging dahilan ng pagkawala ng kalasag.

"Mga bata mag-ingat kayo!"

Isang ugat ang daglian umusbong mula sa aming harapan ang dahan-dahang pumalupot sa amin at maragsa kaming hinablot mula sa aming kinatatayuan.

Alam kong kay Tatang nanggaling ang ugat na ito... Pero bakit?

Habang nakapalupot sa amin ang ugat na ito at marahan nito kaming dinala malapit kay Tatang. Lumingon ang matanda sa amin at mabilis na bumalik ng tingin sa kanyang harapan.

"Kailangan na nating lisanin ang lugar na ito --" Sambit ni Tatang sa amin.

"Bakit po?" Tanong ko.

Ngunit tila ba nagmamadali itong matanda, dahil sa imbes na sumagot ay nagsaboy lamang ito ng asul na pulbos sa aming tatlo. Naramdaman kong parang may kumikiliti sa aking talampakan, marahil ay ang mga ugat -- ngunit ng tignan ko ang aking paanan.

"Hala!" Nagulat na lamang ako sa aking mga nakita.

Lumilipad ako.

Lumilipad kaming tatlo nina kiya Gayle at Paolo.

"Hindi na mainam kung magtatagal pa tayo rito mga bata..." Malumanay na sambit ni Tatang na ngayon ay nasa harapan namin. Oo lumilipad din siya.

Tatanungin ko dapat si Tatang para malaman kung ano ba talagang nangyayari at parang nagmamadali itong umalis pero natigilan ako ng bigla itong magsalita.

"H-hindi ko inaasahang gagamitin niya ang kapangyarihan ng Balani... Sumpain ka Bakunawa..."

"K-kapangyarihan ng... Balani? Ano bang --" Naguguluhan kong tinanong si Tatang subalit kinalabit at inakbayan lamang ako ni kuya Gayle at saka tumuro sa ibaba.

Ganun na lamang ang gulat ko ng masaksihan ko ang pinsalang dala ng pag-atakeng iyon ni Bakunawa.

Isang nakakakilabot na tanawin ang tumambad sa aking mga mata nang tumingin ako sa ibaba; wala na ang itim na liwanag na pinakawalan ni Bakunawa ngunit napalitan naman ito ng isang makapal at maitim na usok.

Katulad ito ng usok na nakita namin noong pauwi na kami galing sa lawa.

"Anong meron sa usok na yan?" Bulong ko kay kuya Gayle na umiling lamang at nagkibit ng balikat.

"Iyan... Ang kapangyarihan ng Balani." Sagot ni Tatang.

Usok? Usok lang ang kapangyarihan ng Balani? Anong nakakatakot sa usok? Wala namang sunog a? Usok lang. Usok lang...

"Kuya tignan mo!" Mabilis na sabi ni Paolo.

Dagliang nagliwanag ang itim na usok at mabilis na nawala. Nilingon ko si Tatang para magtanong ngunit nanatili itong nakatingin sa ibaba, nanonood. Napansin ko tuloy ang pangamba at takot sa mga mata ng matanda.

Ano pa bang susunod na mangyayari? Wala na yung usok a.

"Nag-umpisa na." Bulong ni Tatang.

Bilang umusbong ang ilan pang itim na usok mula sa iba't ibang direksyon, halos mabali na ang leeg ko kakalingon ngunit sadyang napakarami ng mga naglalabasang usok. Sus, usok lang pala, ito na 'yon?

Hindi ko inakalang nagkamali pala ako sa aking hinala.

Nangigitim na lumot ang biglang umusbong sa sementadong kalsada, para ngang may buhay ito dahil mabilis itong lumakit hanggang sa ang buong kalsada ay nabalutan nito. Para itong may buhay na gumagalaw ng kusa, gumagalaw patungo sa mga usok na patuloy pa rin sa pag-litaw.

Laking gulat ko na lang ng lumingon ako at makitang ganun rin ang mga nagyayari sa buong lugar, dahan-dahang kumakalat ang mga lumot sa buong paligid at lahat ng madaanan nitong may buhay ay dahan-dahang nagiging bato.

"AAAHH!" Dinig kong sigawan ng mga tao sa ibaba.

Parang mga langgam na nagtatakbuhan ang mga tao sa ibaba habang pinipilit nilang takasan ang nakakapanghilakbot na lumot, ang iba ay nagtago, ang iba naman lalo na ang mga bata ay umiyak na lamang.

Ngunit hindi sila nakaligtas, walang sinuman ang nakaligtas.

Lahat sila ay inabutan ng lumot at dagliang naging mga bato.

Patuloy pa rin sa paglaki ang lumot, ang mga bahay ay binalutan ng makakapal na baging at sapot, ang mga puno nalanta at naging bato, ang mga alagang aso at pusa ay ganun din.

Pati na rin ang mga ugat ni Tatang na naiwan sa ibaba ay naging bato.

Nanlaki ang mga mata ko.

Nakakapanghinang panoorin ang mga eksenang ito.

Nakakalungot. Nakakapangilabot.

Isama mo pa ang pagkapal ng usok sa buong paligid. Halos wala na kaming maaninag. Parang binalutan ng maitim at makapal na hamog ang buong paligid.

Nakakatakot...

Ito pala ang kapangyarihan ng Balani.

"Si papa..." Nanginginig kong saad."Kailangan kong puntahan si Papa!"

"Ikinalulungkot kong sabihin ngunit --"

"Kailangan kong puntahan si Papa!"

"Kuya Sandali --"

"Kelvin San ka pupunta?"


Ngunit hindi ko sila pinakinggan, bagkus ay kumaripas na lamang ako pauwi kina Inay, gusto kong malaman kung anong naabutan ba sila ng lumot.

Gusto kong malaman kung okay ba sila.

Si Inay, ang mga tiyahin ko. Si Papa.

Kailangan ko silang sabihan ng tungkol sa mga nanyayari sa.

Kailangang magmadali. Sana ay hindi pa huli ang lahat.

Sana.


                                                  ***



































Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon