Chapter XXVII - Si Erting at si Lerting

2.1K 121 11
                                    

Binalot ng katahimikan ang buong kagubatan ng Lukbanon; nagtitinginan lamang kaming magpi-pinsan--nagtitigan gamit ang mga matang punong-puno ng katanungan at pagkalito.

Papaano namin mapupuntahan ang nayon ng Bakokoy kung ngayon palang e naliligaw na kami?

"Maghubad tayo." Sambit ni Kuya Gayle.

"Ha?" Saad naman ni Paolo.

"Neknek mo! Anong hubad, hubad? Sabi na nga ba e--" Tugon ko.

"Sira, babaliktarin lang natin ang mga damit natin."

Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasasabi nito?

"Alam mo ba Kuya Kelvin 'yung laging sinasabi ng matatanda?" Tanong ni Paolo habang hinuhubad ang suot nitong T-shirt.

"Alin? Yung Sasagot ka pa?" Sagot ko.

"Gago hinde! 'Yung madalas na biro ni Lola kapag baliktad 'yung pagkakasuot natin sa damit natin? 'Yung... Nako, hinding hindi kayo maliligaw." Sabat naman ni Kuya Gayle na naghuhubad na rin ng suot nitong Tshirt.

Inalala ko namang mabuti ang sinabi ni Kuya Gayle--nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kanilang dalawa, baka sabihin nila KJ ako.

Matapos naming hubarin ang mga suot namin at isinuot muli ito ng pabaliktad ay dagliang nagbago ang buong paligid; nawala ang makapal na hamog--nagliwanag ang buong paligid, hindi na naging nakakatakot ang kanina'y madilim na kakahuyan.

"Tignan n'yo." Bulalas ni Paolo.

Laking gulat nalang namin ni Kuya Gayle ng mapansin naming wala na ang sangang-daan at napalitan ito ng isang diretso at marmol na daan na may ilan-ilang mga damong umuusbong sa gilid nito.

Nagtitigan kaming tatlo, at pagkatapos naming huminga ng malalim ay nagsimula na kaming tahakin ang misteryosong daan.

"Sigurado ba kayong dito talaga ang daan?" Tanong ko.

"Oo, ito o--tignan mo, nag-iba ng posisyon 'yung nayon ng Bakokoy dito sa mapa, pahilaga na ito ngayon, hindi katulad kanina." Sambit ni Paolo habang itinuturo ang mapa.

"Basta maglakad nalang tayo, mukhang safe naman dito e--" Dagdag naman ni Kuya Gayle.

"Kung saan ka masaya e, suportahan taka." Sagot ko.

At ganoon na nga ang nangyari, tinahak na namin ang misteryosong marmol na daan at nagpatuloy sa paglalakad. Wala ng tumambad sa amin na mga puno ng saging o mga lubid; pawang mga naglalakihang puno ng balete na may mga nakasabit na lampara sa bawat sangang ang tumambad sa amin--maliwanag pa naman pero nakapagtatakang nakasindi at nagliliwanag na ang mga lamparang ito.

"Anak ng peklat naman o--" Bulalas ko ng maramdaman kong biglang nabasa at lumalig ang tsinelas ko.

"Anyare?" Tanong ni Paolo.

"Ewan ko, nakaapak ata ako ng--" Naudlot kong sagot.

"Putik--tignan mo, putik na 'tong tinatapakan natin." Saad naman ni Kuya Gayle.

Tama naman si Kuya Gayle, dahil hindi na marmol itong dinadaanan namin kung hindi putik. Lumingon akong muli upang tignan ang marmol na daan, ang kaso nga lang nagulat nalang ako ng napansin kong wala na 'yung marmol na daan do'n.

Papaano naman nangyari 'yun? Eh kanina lang e naglalakad kami do'n?

"Anak ng tupa namaaan! Ano ba 'tong nangnyayari sa'tin?" Naiinis kong mungkahi kina Kuya at Paolo.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon