Chapter XIV - Ang lawa ng Sampaloc

3K 162 45
                                    

Kahit sino naman -- kahit ikaw, malingat ka sa pag-tulog mo tapos maririnig mo na uutasan ka, 'di ka maba-badtrip?

Pero hindi itong ang punto ko kung bakit ganoon na lamang ang init ng ulo ko ng marinig kong kami ang maghahanap sa -- ano yun? Orangkulo? Ah, basta!

Ayoko.

Ni hindi pa nga pumayag sa mga sinabi ni tatang Lucas sa'kin nung unag araw ko sa San Pablo... Nagulat lang talaga ako na may ganoon palang history si lolo at may mga powers pala kami...

Totoo nakaka-mangha talagang marinig yung mga 'yon, lalo pa ngayon na aksidente akong napadpad sa kakaibang lugar na ito.

Nakakagulat lang talagang isipin na totoo pala ang lahat ng mga narinig ko...

Nagulat lang ako...

Pero hindi pa ako pumapayag.

"Anong sinasabi n'yong kami ang maghahanap sa -- ano yun -- orangkulo?" Naiinis kong tanong.

"Orakulo." Bulong ni Acacia.

"Oh -- odi orakulo -- pakialam ko? Tatang ano ba? 'di ba sabi nyo iuuwi nyo na ako bukas? Ano 'to?"  Tinignan ko si tatang.

Ngunit nanahimik lamang silang tatlo --

"TATANG ANO BA?!" Naiinip na ako at nagsasawa sa kakatingin sa kanila, badtrip talaga.

Hindi ko naman ugaling mambatos ng nakatatanda o sumigaw sa matatanda, tinuruan yata ako ng tatay ko ng mabuting asal. Mabilis lang talaga akong mawalan ng pasensya kapag ganitong punong-puno ng tanong itong utak ko at hindi ako makakuha ng matinong sagot.

Hindi ko talaga sinasadyang pagtaasan ng boses itong si tatang.

Kaya lang, natataranta 'din ako.

Tinuruan kase ako ni Papa na 'wag basta basta pumayag sa mga bagay na hindi naman ako sigurado kung ano ang kahahantungan, lalo na kung kaligtasan ko na yung nakataya -- parang yung palaging pangaral ng mga magulang sa mga bata, yung -- don't talk to strangers?

Hindi naman siguro masama kung tatanggi ako sa alok nina Acacia at tatang 'di ba? Hindi naman sa tumatanggi na agad ako -- pero parang ganoon na rin, pa'no kung mamatay ako? Paano kung hindi na ako makauwi?

Bata lang ako -- kami ng mga pinsan ko.

Natatakot din ako e...

Siguro naman, kung sakaling mag back-out ako, tatanggi na rin sina kuya at Paolo...

Siguro nga.

Bumuntong hininga na lamang si tatang Lucas na humarap kay Acacia, bumaling itong muli ng tingin sa akin.

"O sige... Kung iyan na talaga ang iyong pasya..." Malumanay nitong sambit sa akin. "Sa ngayon ay bumalik kana muna sa iyong pag-tulog at bukas ng umaga -- iuuwi na kita sa inyo..."

Pagkatapos noon ay nagsilid na naman ng tuyong tabako itong si tatang sa kanyang pipa at sinidihan, tumayo ito at dumungaw sa bintana.

Hindi ko tuloy maintindihan kung mahihiya ba ako o matutuwa, kitang-kita ko kase sa mga mata ni tatang Lucas ang pagka-dismaya.

Dahan-dahan nalang akong bumalik sa sa duyan at nahiga, tahimik at nakatingin lamang ako sa pawid na bubong nitong bahay ni Batluni, inaabangan na muli akong dalawin ng antok.

--------------------------------------------------------

Noong umaga ring iyon ay kaagad din akong ginising ni tatang, wala ng tao sa silid at tanging kaming dalawa na lamang ang naroon --

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now