Chapter XXI - Pagsasanay II [Pulang nyebe]

2.1K 127 12
                                    

Third Person's POV [Filler]
-----------------------------------

Hinahapong sumandal ang isang batang lalaki sa lilim ng isang puno ng Accacia, pawis na pawis ang buong katawan nito dahil sa paulit-ulit nitong pagtakbo simula kanina pang madaling araw.

"Tsk... Taragis, kanina pa ako tumatakbo --" Bulong nito sa sarili habang hinahabol ang hininga.

Dahan-dahan nitong binuksan ang mga palad nitong kanina pa nakasara at masinsinang tinignan ang dawalang kristal na nakapaloob sa magkabilang palad.

Ang mga kristal ay hindi magkamukha, ang isa na nasa kanan niyang palad ay kulay asul na naglalabas ng kaunting tubig na dahan-dahan namang tumutulo mula sa kanyang kamay. Ang sa kaliwa naman, kung saan makikitang pinutakti ng lapnos at sugat ang buong palad ng batang lalaki ay isang kulay itim na kristal.

"Madali lang naman palgliyabin at pagyeluhin ang mga 'to, pero bakit kailangan ko pang tumakbo?" Sambit ulit ng lalaki sa kanyang sarili. 

Muli ay dahan-dahan niyang isinara ang kanyang mga palad, kasunod nito ang biglaang pagliyab ng kaliwang kamay niya at ang paglabas ng usok mula naman sa kanan.

"Kitam... Napakadali..." Bulong nitong muli sa sarili.

Binuksan niyang muli ang kanyang mga palad at nakangiting pinagmasdan ang mga kristal na dagliang nagbago ng anyo; ang asul na kristal ay nabalutan ng puting nyebe, samantalang ang itim na kristal naman ay nakikitaan na ngayon mamula-mulang mga liwanag na madalas nating makita sa mga nagbabagang uling.

"Ang hindi ko lang talaga alam... E bakit kailangan kong tumakbo?"

Paulit-ulit ang mga katanungan ng batang lalaki habang paulit-ulit din nitong isinasara at binubuksan ang kanyang mga palad. Hanggang sa huminto ito ng makita ang isang matandang lalaki na papalapit sa kanyang kinatatayuan.

Si Lucas ang matandang lalaki na ito.

"Taglay mo ang kapangyarihan ng mga manggagaway Gayle --" Panimula ni Lucas. "Kapangyarihang tanging mga piling nilalang lamang ang may taglay. Ngunit hindi lahat ng mga manggagaway ay mayroong katangiang katulad ng sa'yo..."

Hindi na umimik ang batang lalaki na si Gayle.

"Dahil ang bawat manggagaway ay biniyayaan lamang ng may likha ng kapangyarihang kontrolin ang isa sa mga apat na elemento ng daigdig, may ibang manggagaway na kayang kontrolin ang apoy, ang iba naman ay tubig, may kakilala ako sa timog na ang kapangyarihan ay ang hangin... At ako..."

Bahagyang ipinukpok ni Lucas ang hawak nitong tungkod sa lupa, na siya namang dahilan ng bahagyang pagyanig nito at kasunod ang paglabas ng mga malalaking ugat.

"Hawak ko ang kakayahang magamit ang kapangyarihan ng lupa at mga halaman..." Nakangiting saad ni Lucas. "Kaya kong gumawa ng mga guasali gamit lamang ang luad, kaya kong hatiin ang mga malalaking bato sa isang kisapmata lamang at kaya kong tawagin ang lahat ng mga punong kahoy at utusan silang proktektahan ako... Ngunit ikaw..."


Itinuro ni Lucas si Gayle gamit ang kanyang tungkod, ngumiti ang matanda at dahan-dahang lumapit sa binata.

"Hawak mo ang apat na elemento... Hindi ko nga lang mawari kung bakit at papaano nangyari ngunit ikaw lamang ang tanging may kakayahang gamitin at kontrolin ang apat na elemento..."

Hinawakan ng matanda ang balikat ni Gayle at dahan-dahang iniabot ang isang bote ng tubig. Agad naman itong kinuha ni Gayle mula sa matanda at dagliang ininom hanggang sa maubos ang laman nito.

"Salamat ho Tatang... Pero ang ipinagtataka ko lang... Bakit kailangan kong --"

Tumayo muli ang matanda at nagwika.

"Bilang isang manggagaway, kailangan mong maging mabilis sa tuwing magpapakawala ka ng mahika... kailangang malakas din ang resistensiya ng iyong katawan sa kadahilanang sa iyong katawan nanggagaling ang iyong kapangyarihan, kapag humina ka -- hihina rin ang iyong kapangyarihan...."

"Ang ibig nyo pong sabihin... parang exercise lang 'to ganyan?"
Tanong muli ni Gayle. "Eh bakit kailangan ko pang paapuyin at pagyeluhin itong mga 'to?" Ipinakita ni Gayle ang hawak niyang mga kristal.

"Dahil kailangan mong masanay na gamitin ang kapangyarihan mo kahit na gumagalaw ka... Hindi pwede iyong titigil ka muna kapag gusto mo ng gamitin ang kapangyarihan mo, e paano kung nasa bingit ka na ng kamatayan? Hindi naman pwedeng mag time-out muna." Nakangiting sambit ng Matanda sa binata.

Tumango na lamang si Gayle ngunit bakas pa rin sa mga nito ang pagka-lito.

"Kailangan mo ring indahin ang sakit na idinudulot ng iyong kapangyarihang apoy, kailangan mo itong paamuhin at utusang sumunod sa'yo. Akin na nag kaliwang kamay mo --" Wika ng matanda.

Ipinakita ni Gayle kay Lucas ang kaliwa nitong kamay na puno ng paso at sugat. Hinawakan ito ni Lucas at pinagmasadan.

"Kung hindi mo magagawang paamuhin ang kapangyarihang apoy na nasa iyong katawan, mas mabuti pang 'wag mo nalang itong gamitin... Gusto mo bang 'wag ng gamitin ang kakayahan mong makalikha ng apoy?"

Umiling si Gayle

"'yun naman pala e! Ano ang dapat mong gawin?"

Ngunit hindi sumagot ang Binata.

"Bago mo magawang paamuhin ang iyong kapangyarihan... Sigururaduhin mo munang kaya mong paamuhin ang sarili mo, magkaroon ka ng kauting disiplina sa katawan... Kumalma ka muna, hindi 'yung idinadaan mo lahat sa inis at init ng ulo... Tandaan mo... Ang kapangyarihan ng isang manggagaway ay sumasalamin sa kung anong nararamdaman nito... Kung galit ka at gulong gulo ang isip o edi galit din at hindi kalmado ang pakakawalan mong kapangyarihan, tignan mo itong asul na kristal, hindi iyan ang gusto kong makitang maging itsura niyan.. Gusto kong kuminang yan na parang yelo... Hindi ganyan na parang malambot na niyebe..."

Tinignan ni Gayle ang asul na kristal at dahan-dahang itong hinimas, nagulat siya ng makitang dahan-dahang nawawala ang puting niyebe sa na nakabalot lamang pala sa kristal...

"Kung gusto mong makontrol ang kapangyarihan mo, kailangan mo munang maging kalmado... Kalma lang... Kumalma ka lang, kailangan maging isa kayo ng nararamdaman ng iyong kapangyarihan, kailangang bukas at maaliwalas ang iyong pag-iisip; para sa huli -- magamit mo ng maayos ang iyong kakayahan..."

Tumango lamang ang binata.

"Katulad lamang iyan ng talento mo sa pag-guhit, hindi ba't pangit rin ang kalalabasan ng mga iginuguhit mo kapag galit o hindi maganda ang iyong pakilasa?" Nakangiting sambit ni Lucas. "Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko Gayle, hindi naman para sa'kin yan... Para sa'yo rin..."

"O-opo Tatang... Maraming salamat po..."

Tumango naman si Lucas at magsisimula na sanang umalis ng bigla itong huminto.

"Nasan na kaya ang pinsan mo? Magtatanghalian na a... Ah, hayaan na natin -- umuwi ka sa kubo maya-maya at ng makapagtanghalian na tayo."

Ngumiti lamang si Gayle at hindi na sumagot, pinanood lamang nito si Lucas na umalis hanggang sa makalayo ito.

"Dapat kalmado...Dapat...Kal..Mado..." Bulong ni Gayle sa sarili.

Paulit-ulit na huminga ng malalim si Gayle, paulit-ulit. Hanggang sa marahang naramdaman nito ang paglakas ng hangin sa paligid, nagpatuloy parin ito sa pag-hinga ng malalim, tila ba sinusubukan nitong pakalmahin ang sarili...

"Kalmado lang..." Bulong muli nito.

Nagsimulang umusok ang mga palad ni Gayle, kasabay ng lalong pag-indayong ng mga punong kahoy na sinasabayan ang paglagaslas ng hangin.

Nang manaka-nakay bilang nagliyab ang kaliwang kamay ni Gayle at nagsimulang nagliwanag ang kanan naman niyong kamay --

Dahan-dahang binuksan ni Gayle ang kaliwa niyang palad kung saan naroon ang itim na kristal, at sa gulat niya at pagkamangha ay nanlaki ang mga mata nito. Ang itim na krisal ay naging pula at ngayon ay nagliliwanag -- ang liwanag na ipinapakita nito ay katulad ng sa mga tinunaw na bakal, ngunit hindi lamang ito ang ikinagulat ng binata.

"Hindi na ako napapaso?" Sambit nito sa sarili habang pinagmamasadan ang munting liwanag na nagmumula sa nasusunog na kristal.

Dali-dali ring binuksan ng binata ang kanan niyang kamay na ngayon ay nabablautan ng manipis na yelo, nagulat rin ito at namangha ng makita ang nangyaring pagbabago sa asul na kristal na nakapaloob rito.

Walang nagbago sa itsura ng asul na kristal, kung hindi lalo lamang itong kuminang at dahan-dahang umaalpas ang manipis na usok mula rito, wala nyebe na nakabalot sa kristal, wala ring tubig na tumutulo...

Naging solidong yelo ang kristal. Isang solido at malamig na yelo.

"Nagawa ko... HAHA! NAGAWA KO!" Nagagalak na sigaw ng bata ng makita ang bunga ng mga ipinayo sa kanya ni Lucas.

"Ang galing ko tala... Ga... Huh?" Biglang naudlot ang pagka-galak ng binata ng makita ang pinsan niyang tumatakbo na para bang hinahabol nito ang isang puting kambing.

"Hoy, Kelvin! ANONG GINAGAWA MO?" Sigaw nito sa kanyang pinsan.

"JOGGING!" Pilosopong sagot ni Kelvin.

Natawa si Gayle, alam niyang nagbibiro lamang si Kelvin sa isinagot niito. Pinanood na lamang ni Gayle si Kelvin habang hirap na hirap nitong hinahabol ang puting kambing, napansin nito ang mga bakal na nakasuot sa magkabilang braso at binti ng kanyang pinsan.

"Ano yun? Anong trip nitong si Kelvin at may suot suot siyang ganun?" Tanong ni Gayle sa sarili. "Tsk... Matulungan nga."

Dali-daling tumakbo si Gayle patungo kay Kelvin, ikunumpas nito ang kanyang mga kamay na daliglian namang naging nagyelo at nagliyab.

"Tutulungan na kita! Haha ang bagal mo e."  Wika ni Gayle kay Kelvin habang tumatako ito papalapit sa kanyang pinsan.

Ngunit parang hindi naman narinig ni Kelvin si Gayle, nagpatuloy parin itong tumatakbo at hinahabol ang puting kambing.

                                                                         ***

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon