Chapter XV - Ang manggagaway na si Gayle.

2.4K 150 25
                                    

"Hoy! Tara na! Ano pa bang hinihintay n'yo d'yan!?" Natataranta kong tanong habang niyuyugyog ko sikuya Gayle na diretso paring nakatigin sa halimaw na Bungisngis.

Nakangiti lang ito habang pinapanood ang papalapit na halimaw sa amin.

Para bang gusto pa nitong salubungin ang halimaw.

"HOY! ANO BA?!"

Sobrang takot na takot na talaga ako at halos nangangatal na sa kaba, pero itong si kuya Gayle -- ni hindi man lang kinakitaan ng kaba sa mukha, nakangiti pa ito at bahagyang ngumingisi.

ROAR!!

"Ayan na." Mahinahon na sambit ni Paolo habang sinisipsip nito ang binili niyang palamig.

Halos mahimatay ako sa takot ng bahagyang yumanig ang lupa habang dahan-dahang tumatakbo papalapit sa amin ang halimaw na Bunigisngis.

"KUYA GAYLE! ANO BA?! TARA NA!" Sigaw ko.

Ngunit hindi pa rin ako pinansin ni kuya.

Oo alam kong may kapangyarihan siya, pero ang laki nitong halimaw na ito --

"Bast lumapit lang kayo sa akin, at 'wag kayong lalayo --" Kalmadong sambit ni kuya Gayle

"Umalis na kase tayo! Baka kung ano pang mangyari sa'tin dito!" Pasigaw ngunit nagmamakaawa kong sagot.

Muli ay hindi pa rin ako pinakinggan ni kuya.

Ano bang gustong patunayan nito?

ROAR! ROAR! Grr...

 Ang bawat hakbang ng halimaw na Bungisngis ay bahagyang nagpayanig sa lupang kinatatayuan namin, at lalo pang lumakas ang bawat pagyanig habang papalapit sa amin itong halimaw na may malaki at nanlilisik na mata.

Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtagos ng aking malamig na pawis sa aking noo, napalunok na lamang ako --

Dahil ilang hakbang na lamang ang layo sa amin ng Bungisngis.

"Humanda kayo --"

Lumuhod si kuya Gayle habang hawak ng kanang kamay nito ang kaliwa nitong braso na ngayon ay nakatuon na sa lupa.

ROAR!!!

"KUYA GAYLE!!" Sigaw ko.

Napapikit ako sa liwanag na dagliang sumilaw sa aking mga mata.

Isang napakaliwanag na ilaw ang dagliang pumalibot sa aming tatlo, hindi ko maidilat ng husto ang aking mga mata sa kadahilanang sobra akong nasilaw sa dagliang paglitaw ng liwanag na iyon.

Pero nakaramdaman ako ng bahagyang init.

Init na parang nanggaling sa --

"Apoy?" Bulong ko habang dahan-dahang inaalis ang kamay kong kanina lamang ay nakatakip sa aking mga mata.

Naglalagablab na asul na apoy ang nakapalibot sa amin at siyang naging dahilan ng pag-hinto ng Bungisngis bago pa ito makalapit sa amin, nakatayo ito ngayon na ilang pulgada na lamang ang layo sa amin.

Kung wala itong apoy na ito, hindi ko na siguro alam kung ano nang nangyari sa amin.

Teka, bakit nga ba nandito ito? SIno ang may gawa?

Tinignan ko si Paolo, hindi man lang ito nagpakita ng kahit anong reaksyon -- tahimik parin itong sumisipsip sa straw ng iniinom niyang palamig.

At si kuya Gayle? Ayun, nakaluhod parin --

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now