Chapter XXIV - Arentis

2.6K 114 8
                                    

"Hoy Kelvin, gising na aba!" Dinig kong sambit ni Kuya Gayle habang dahan-dahan ngunit paulit-ulit ako nitong hinahampas ng unan.

Madalim-dilim pa nang imulat ko ang aking mga mata, medyo wala rin akong masyadong maaninag dahil pumasok na ang hamog sa kubo mula sa mga naglalakihang mga bintana na magdamag namang nakabukas.

Akala ko nga usok 'yon mula sa pipa ni Tatang.

"Anong oras na?" Tanong ko habang kinakamot ang ulo ko at naghihikab.

"Alas kwatro." Sagot ni Kuya Gayle.

"Aga pa a... Matutulog ulit a--"

"May lakad tayo 'di ba?"

Natigilan ako, naalala ko na naman ang pagpupulong namin kahapon habang kumakain ng tanghalian (Parang dinner na nga 'yun e. Hapon na kasi). Pupunta nga pala kami ng Arentis ngayong araw--bibigyan daw kami ng regalo ni Acacia.

Dali-dali akong tumayo at inayos ang papag na pinag-tulugan ko kagabi, kumuha ng kaunting tubig mula sa banga upang magmumog at maghilamos; at pagkatapos ay humarap ako sa salamin upang magsuklay.

Hindi na ako nagawang hintayin ni Kuya Gayle na kanina pa nakalabas ng kubo.

"Tara na." Sambit ni Tatang ng makita akong dahan-dahan lumabas mula sa pinto.

Nakapanggayak na sina Paolo at Kuya Gayle, gayun din naman si Tatang na mahinahong hinihithit ang kanyang pipa.

"Hind na po ba tayo mag-aalmusal?" Tanong ko ng maramdaman ang kauting pag-kalam ng aking sikmura.

"Doon na kayo mag-almusal." Sagot ni Tatang.

Napakamot nalang ulit ako ng ulo at hindi na nagsalita, nilapitan ko ang mga pinsan ko.

"Papaano po tayo makakapunta 'd'on Tatang?" Tanong ni Paolo.

"May hagdan diyan sa may talon." Mungkahi ko.

Tinignang mabuti ni Paolo ang talon, kumunot ang noo nito ng lingunin ako. "Wala naman e."

"Anong wala? Ayan oh--teka, nasaan na 'yon?" Nagtataka kong sambit.

Wala na ang batong hagdan sa tabi ng Talon, ang hagdan kung saan nakita at hinabol ko ang kakatwang nilalang na naging dahilan ng pagkakahulog ko sa talon sa itaas ng hagdanan na iyon.

Dahil rin sa hagdanan na iyon kaya ako aksidenteng napadpad sa Elmintir at nakilala si Batluni at ang mga Talimao ng nayon ng Talimaon.

Alam kong may hagdanan doon. Sigurado ako.

Pero bakit ngayon, parang wala namang hagdan--bakit puro lumot at bato lamang ang nakikita ko?

"Nandito lang 'yun e." Mungkahi ko habang inituturo ang lugar kung saan ko nakita at inakyat ang batong hagdanan. Kinapa-kapa ko pa ang mga bato ngunit puro lumot lamang ang nahawakan ko.

Paano nangyari iyon?

"Hindi mo talaga makikita ang hagdanan na iyon dahil hindi ko pa binibigkas ang orasyon, bata." Dinig kong sambit ni Tatang, nilapitan ako nito sa tabi ng talon.

Gamit ang kanyang tungkod ay marahang tinapik ni Tatang ang mga naglalakihang mga bato sa tabi ng talon kung saan ko nakita ang hagdan.

"Hindi pangkaraniwan ang Ubug-ubugan mga bata, dahil ang lugar na ito ay isang portal--isang lagusan kung saan malayang nakakapg-pabalik balik ang mga nilalang ng Arentis patungo sa mundo ng mga taga-lupa. Ngunit hindi nangangahulugang madali itong makikita ng karamihan, dahil katulad ng ibang mga portal, ang portal na ito ay selyado..."

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now