Chapter XXXIV - Ang Orakulo

2.1K 112 11
                                    

Mabilis at halos humihingal na akong sinusundan si Batluni dito sa loob ng masukal na kakahuyan, tipikal lang ang kakahuyan na 'to kumpara sa mga kakahuyang napuntahan na namin ng mga pinsan ko. Bukod sa maliwanag ay hindi naman masyadong dikit-dikit ang mga puno dito.

Mas makapal nga lang ang damo dito, mas matataas at naglipana ang ilang mga sanga ng puno na naputol at ngayon ay nakakalat sa dinaraanan namin. Ang lalaki pa man din--kinailangan pa tuloy naming tumalon o huminto paralang laktawan ang mga nasabing sanga.

"Nakikita n'yo na ba sila?" Tanong ni Paolo kay Batluni na ngayon ay nakatayo sa sanga ng isang mataas na puno ng duhat, mula roon sa itaas ay pinagmamasdan nito ang paligid.

"Hayun." Dinig naming bulong ni Batluni, na mabilis namang nagpatalun-talon sa mga sanga ng punong kahoy.

Wala naman kaming nagawa kung hindi ang sundan siya, mas lalo naming binilisan ang pagtakbo--kahit na ba pare-pareho na kaming hinihingal at pawisan.

Sinuong namin ang masukal na kakahuyan, medyo nag-iiba na ang itsura ng paligid--nagiging madilim na ang lahat habang papalapit kami ng papalapit sa pusod ng kagubatan, mas dumadami ang mga puno, mas kumakapal ang mga damo; at kaunti na lamang ang liwanag na tumatagos mula sa nagkakapalang mga dahon at sanga. Nililimliman kami ng mga ito, okay na sana e--kaso masyadong madilim.

"Shh..." Sabi ni Kuya Gayle habang inihaharap sa amin ang kanyang palad. Senyales na manahimik daw muna kami. Sumunod naman kami at huminto--nakiramdam.

"Maging alerto kayo--" Bulong ni Batluni sa amin habang tinitignan niya kami mula sa itaas, nakaupo na naman kasi siya sa isang sanga--nagmamasid. "Hindi tayo nag-iisa."

"Nandito na ba--" Nagulat na lang ako ng isang palaso ang mabilis na dumaan at lumampas sa akin at tumama sa punong nasa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko sa takot.

Tama si batluni. Hindi nga kami nag-iisa.

Mga bilang ng mga Undin ang dagliang nagsi-sulputan mula sa mga nag-tataasang mga damo, mabilis silang tumatakbo gamit ang kanilang mga braso at paa--para silang mga unggoy.

"Kiii..." Bulong ng mga Undin habang rumaragasa silang papalapit sa amin.

Mabilis na nagsitalunan ang mga Undin patungo sa direksyon namin, halos manlaki ang mga mata ko at napalundag ako sa gulat.

Mabuti nalang at mabilis mag-isip itong si Paolo, pinakawan na n'ya 'yung pananggalang niyang nauna ko na nakita noong una naming nakalaban si Libra--buti na lang talaga.

"Relax Kuya... Masyado kang nerbyoso e..." Nakangiting saad ni Paolo na hindi naman ako nilingon, nanatili lang na nakatingin siya sa mga nagpupumilit na Undin na paulit-ulit na tumatalon sa harap namin pero ni isa sa kanila ay hindi kami nagawang dikitan.

Luko-luko talaga 'tong si Paolo, sa'n n'ya kaya nakukuha 'yung pagiging kalmante n'ya? Eh ako nga halos manlambot na sa nerbyos.

"Kii... Mga duwag! Lumaban kayo!" Sigaw ng isa sa mga Undin na kanina pa sinusuntok ang mahiwagang pananggalang ni Paolo. "Lumaban kayo!"

Hindi naman kami nagsalita. Nanatili lamang kaming nakatayo sa loob nitong pananggalang. Tumingala naman ako para tignan kung maayos lang ba sa Batluni sa itaas, nandoon pa rin siya at isa-isang hinahapmas papalayo ang mga undin gamit ang kanyang sibat.

"Mga bata madali kayo! Hindi maaaring makatakas si Bakunawa!" Utos ni Batluni sa amin habang patuloy pa rin itong nakikipag laban sa mga Undin.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora