I - Sa unang araw ng bakasyon

20.4K 607 238
                                    


Madali lang naman magkwento. 

Madali lang naman itong simulan.

Pero bakit parang nahihirapan ako ngayon? Ang alam ko, naghanda pa talaga ako eh -- nagprepare talaga ako e -- bakit parang nabubulol ako't hindi ko 'ata kayang simulan 'tong ikukwento ko?

Ah... Baka kabado lang...

Pero kung susumahin mo, napakadali lang mag-umpisa at gumawa ng kwento.

Pero... Teka—paano ko ba ito sisimulan?

Ah. Bahala na.

Sige, simulan na natin...

                                                                                             ***

Nagising ako sa lakas at sunod-sunod na tilaok ng mga manok ng kapitbahay namin, alas-kwatro palang ng umaga, madilim pa --halos lahat ng mga batang nasa edad ko eh siguradong tulog pa hanggang ngayon; gustuhin ko mang ipikit ang mga mata ko at bumalik sa pagtulog e hindi na pwede.


Bakit kamo?


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kelvin—bangon na aba! Baka tanghaliin pa tayo sa byahe." Sabi ni Papa habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko.

"Gising na ako." Sagot ko.

Dahan-dahan akong tumayo, ibinalumbon ang aking kumot at inilagay sa ilalim ng mga unan para magmukhang nag-ayos ako ng kama (lagot kasi ako may Mama pag nakita n'yang magulo na naman ang kwarto ko), at dali-daling lumabas ng kwarto at dumiretso papuntang kusina.

Nakaupo na sina Mama at Papa kasama ang kapatid kong babae sa hapagkainan pagdating ko sa kusina, umupo na rin ako at ipinasuyo kay Mama na iabot ang sinangag.

"Bilisan mo d'yan sa kinakain mo at ayokong tanghaliin tayo sa byahe." Sabi ni Papa habang hinihipan ang mainit n'yang kape. "Pagkatapos mo d'yan maligo kana." Dagdag n'ya.

Tumango nalang ako at binilisan ang pagkain ng almusal: Sinangang, itlog at tuyo na may sawsawang suka na may bawang at paminta.

Pagkatapos kong kumain e dumiretso na ako sa kwarto para kunin ang twalya kong nakasabit sa likod ng pinto, pagkakataon narin 'to para makapamili ng susuotin ko, kaya binuksan ko na rin ang tukador at namili ng damit. Habang namimili ng damit susuotin, nakita ko ang bag kong punong-puno ng damit na inimpake ko lang kagabi, napangiti ako.

Oo nga pala.

Bakasyon na naman. Uuwi na naman ako kina Lola.

Nawala na sa isip ko ang pagpili ng damit, kaya kung ano nalang ang makita ko yun nalang ang kinuha ko at ipinatong sa kama, pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.

"Sina Mama ba di sasama?" Tanong ko kay Papa habang naghuhugas ito ng pinagkainan.

"Hinde. Mahal ang pamasahe, ikaw lang naman 'tong may gustong umuwi sa Lola mo pinagbibigyan lang kita para walang matigas ang ulo dito." pabirong sagot ni Papa.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon