Pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang lahat-lahat ay lumapit siya sa'kin at niyakap ako.
"I'm sorry that you had to experience those horrible things." Malungkot na sabi niya. "I... I didn't know."
"Because my family doesn't want anyone to learn about what happened and I left too... I pushed you away." Sabi ko pagkatapos ay lumayo ako sa kaniya saka pinunasan ang mga luha ko. "Say it." Mabigat ang loob na sabi ko.
Bumuntong hininga siya bago ibinuka ang bibig niya na parang may gustong sabihin ngunit mas piniling huwag na lang ituloy.
"Okay lang sa'kin." Pag-e-encourage ko sa kaniya saka nginitian siya.
Kahit hindi niya sabihin, alam ko na pero gusto ko pa ring marinig mula sa kaniya.
"I'm sorry, Iniko... Alam kong mahirap para sa'yo ang mga nangyari pero pagod na ako. Sarili ko naman ang pinipili ko, sarili ko naman ang iintindihin ko." Malungkot na sabi niya.
Wala sa sariling tumango naman ako. Sa tingin ko ay may iba pa siyang sinasabi dahil nakikita kong bumubuka ang bibig niya pero walang ako naririnig, lumapit siya sa'kin at niyakap ako pagkatapos ay lumabas na siya ng treehouse.
Napaupo naman ako sa sahig dahil pakiramdam ko'y nawalan ako ng lakas.
Nang ma-process ko naman ang nangyari ay pumunta ako sa maliit na veranda ng treehouse saka tinignan kung nando'n pa si Cat at nakitang nasa baba pa siya pero nakatalikod siya sa'kin.
"Cat!" Pagtawag ko sa atensyon niya. Hindi naman siya lumingon at nagsimula nang maglakad palayo kaya naman nagmadali akong bumaba sa treehouse para habulin siya.
"Hecate, sandali lang. Please." Sabi ko pagkahawak ko sa kamay niya para pigilan siyang lumakad palayo. Huminto naman siya sa paglakad at humarap sa'kin.
"Ano na naman, Iniko?!" Galit na tanong niya kaya naman napaatras ako.
Parang nabigla rin siya sa nangyari dahil ang kaninang galit ay napalitan ng lungkot. Namumula na rin ang mga mata at ilong niya dahil sa pag-iyak.
"Bakit ngayon? Bakit ngayon kung kailan pagod na ako? Kung kailan ubos na ako?" Lumuluhang tanong niya. "Iniko, araw-araw pinapanalangin ko na sana ako naman... na sana magising ka isang araw na ako naman ang mahal mo. Bakit ngayon? Bakit kung kailan sarili ko naman ang pinipili ko saka mo ako nakita? Bakit kung kailan buo na ang desisyon kong palayain ka saka mo 'ko napansin?" Nahihirapang sabi niya.
Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang yumuko at humingi ng tawad.
"Gago ka ba talaga?! Sorry? Anong mangyayari sa sorry mo?!" Galit na namang tanong niya. Kaya nag-angat ako ng tingin para tignan siya. Sinubukan ko naman siyang hawakan pero tinabig lang niya ang kamay ko. "Iniwan mo 'ko... Kahit isang beses hindi mo ako pinili kaya bakit ngayon? Kung kailan wala na?" Mahinang tanong niya. Lumuluhang tinignan ko lang siya dahil wala akong masabi. Ngayon ko lang nakitang maging ganito. Hindi ko akalain na gan'to kalala ko na pala siyang nasasaktan.
"Iniko, mahal mo ba ako?" Tanong niya pa pagkatapos ang halos isang minutong katahimikan.
Sinalubong ko ang tingin niya saka sumagot. "Mahal kita." Sa loob ng ilang saglit ay parang bumalik ang dating sigla ng mga mata niya pero bumalik din ang lungkot at sakit sa mga 'yon.
"Mahal mo ba talaga ako o mahal mo lang ako ngayon kasi ako na lang ang nandito?" Sobrang lungkot ng boses niya nang sabihin niya 'yon na para bang nagmamakaawa na siya sa'king pakawalan ko na siya. "Mahal mo 'ko o natatakot ka lang? Dahil ngayon, hindi ikaw ang mang-iiwan... Ikaw naman ang iiwan. Ikaw ulit ang iiwan." Puno ng hinanakit na sabi niya.

YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceGxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021