NSA: 18

404 18 2
                                    

Pagkarating namin sa parking lot ay nandoon na si Kuya Alfred na sinabihan kong dalhin ang sasakyan ko.

"Hi, Kuya Alfred!" Bati ko sa kaniya. Yumuko naman ito saglit saka kami binati.

"Magandang hapon po, Lady Iniko, Lady Hecate, Lady Akiko at Lady Hexane." Magalang na pagbati niya.

"Kuya Alfred talaga, ang pormal lagi masyado." Naiiling na sabi ko. "Hihiramin ko po muna si Aki, ha? Sunduin niyo na lang po sa apartment mamaya. Hatid niyo na lang po sila ni Hexane mamaya pauwi saka pakiayos na lang po 'yong sa hospital. May pupunta pong Earl do'n, pakisabi na lang na hanapan ng I.D. at ako na po may sagot sa magagastos sa kaniya."

"Masusunod po, Lady Iniko."

"Okay, thank you, Kuya!" Masayang sabi ko. Binigay naman nito ang susi sa'kin at saka umalis. Tumingin naman ako sa kanilang tatlo.

"Tara?"

**

Pagkarating namin sa apartment namin ay pinahiram naman namin silang dalawa ng damit pamalit.

Inasikaso naman ni Cat ang kapatid niya at ginamot ang mga sugat nito. Mabuti na lang at naiharang niya ang kamay niya sa mukha niya, kaya lang ay ang braso naman nito ang napuruhan pati ang binti niya. Ang kaninang pasa lang sa hita ay nakaumbok na ngayon.

"Iniko, dalhin kaya natin si Hexane sa hospital? Baka kasi may bali siya e'." Nag-aalalang sabi nito.

"Huwag na, Ate. Okay lang ako." Nahihiyang sabi ng kapatid niya.

"Tama si Hecate, baka mamaya mali ang pagkakabagsak mo kanina. Mabuti nang sigurado tayo." Sabi ko naman.

Tumingin naman siya kay Aki na parang humihingi siya ng tulong dito. "Huwag mo akong tignan ng ganiyan, sang-ayon din ako kay ate Cat." Sabi naman nito. Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Aki.

Kahit hindi niya aminin ay alam kong nag-aalala rin siya kay Hexane.

Wala namang nagawa ang huli kung hindi ang mag-pout. Ang cute-cute talaga ng kapatid ni Cat.

 Ang bilis ng panahon, dati ay bubulul-bulol pa silang dalawa kung mag-usap ngayon ay napagtatanggol na nila ang isa't isa.

Hindi ko rin maintindihan 'tong si Aki, kapag si Hexane ang inaaway ay walang pagdadalawang isip na makipag-basag ulo pero kapag siya naman ang inaaway parang wala lang at hinahayaan lang niya.

"Huwag ka na magpa-cute kay Aki, sis. Ibibili na lang kita ng pizza pagkauwi natin galing hospital." Sabi ni Hecate habang nakatingin sa kapatid niya na parang nanunukso.

"Hindi ako nagpapa-cute kay Aki, 'no! Cute lang talaga ako, Ate." Sabi nito habang namumula.

"Hindi raw pero namula." Pang-aasar pa nito.

Ang kapatid ko naman ay parang walang naririnig at tuloy ang panonood ng paborito niyang cartoons na Adventure Time.

"Meow~"

Natahimik naman kaming lahat dahil parang may narinig kaming pusa, hininaan pa ni Aki ang pinapanood niya para malaman namin kung may pusa nga.

"Pspspspsps." That's me trying to call the cat if meron man.

Naghintay naman kami na sumagot ang pusa pero wala na kaming ingay na narinig. Lalakasan na sana ulit ni Aki ang volume nang nag-meow ulit ito.

Base sa tunog nito ay mukhang sa pintuan nagmumula ang tunog.

Pagbukas ko ng pintuan ay may kahon na bumungad sa'kin at nandoon ang isang kuting, kinuha ko naman iyon at dinala sa loob.

"Free kittens." Basa ni Hexane sa nakasulat sa box. "Can I have her, Ate?" Excited na duktong nito habang nakatingin sa'kin.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now