NSA: 4

1.2K 43 2
                                    

Nagbunga ang panonood ko ng porn, satisfied naman ako sa naging performance ko kanina.

Buong akala ko masasayang effort kong manood ng mga ganoong video. Ang swerte niya, ha! Ang dami kong effort para sa kaniya.

I maybe like sex but I'm not into that kind of stuff, why would I satisfy myself watching porns if I can do what's in it whenever I want?

Nakailang round pa kami bago ako umuwi. 3 AM na rin, muntik na naman akong makatulog sa tabi niya pero mabuti na lang at nag-alarm ako.

Balak ko sanang umuwi ng 12 AM kaya lang ay 'di ko na namalayan ang oras dahil sa kaniya. Time flies so fast whenever I'm with her.

Kahit kasi sinabihan ko na si Cat na 'wag na niya ako hintayin, alam kong hinintay pa rin ako no'n. Kaya kahit gusto kong mag-stay sa place ni Lilith may naghihintay sa'king umuwi sa bahay.

Why do I sound like a fucking husband who's cheating on his wife? Like fuck?

Pagkarating ko sa apartment namin ay nasa sofa na naman siya pero 'di katulad noong nakaraan, ngayon ay nakatulog siya habang nakaupo. Naiwan niya ring bukas ang TV.

Pagkapatay ko ng TV ay binuhat ko na siya papasok sa kwarto niya at kinumutan siya.

"Hindi ka talaga sumusunod sa'kin kahit anong sabihin ko, sorry pinaghintay na naman kita." Bulong ko kay Cat. Bago ako lumabas ay hinalikan ko muna siya sa noo.

Ang kulit talaga. Ano na lang kaya mangyayari kapag nagka-boyfriend na siya?

Kaya lang sa sobrang pihikan niya kahit qualified na siyang magkaasawa, wala pa rin talaga. Malinis na malinis ang record, may mga naging crush naman siya dati pero kapag niligawan na siya, hindi na raw niya gusto.

Kapag tinatanong ko naman siya kung 'bakit?' ang sagot niya lagi, gusto raw niyang kung sino ang una niyang makakarelasyon, 'yon na rin ang huli. Dati akala ko nagbibiro lang siya pero ngayong may trabaho na kami't lahat, single pa rin siya ay napagtanto kong seryoso pala talaga siya do'n.

Siguraduhin lang talaga ng magiging boyfriend niya na matino siya kung hindi, patay siya sa'kin.

**

"Good morning, Iniko!" Masayang bati sa'kin ni Yvo, officemate ko.

"Morning." Walang gana ko namang bati sa kaniya. Ano naman kasing maganda sa umaga? Kung hindi lang talaga ako ginising ni Cat, 'di talaga ako papasok sa trabaho. Mag-resign na kaya ako ngayon? Kung hindi lang para kay Tita, matagal na akong umalis sa work ko.

"Hey, Iniko." Pagpukaw niya sa atensiyon ko.

"What do you want?" Masungit na sabi ko.

"C-...W-..."

"Alam mo, Yvo. Kung wala kang sasabihin, aalis na 'ko." Bored na sabi ko. Ngayon pa niya talaga naisipang mautal sa harap ko.

"S-Sorry, saglit lang 'to. Promise!" Tinitigan ko lang siya at naghintay ng gusto niyang sabihin.

"Okay, may... may team building daw tayo sabi ni Ma'am Rin. Gusto mo bang sumabay sa'kin?" Kinakabahang tanong niya. Team building? Ba't 'di ko alam?

Parang  nabasa naman niya ang iniisip ko at nagsalita ulit. "She announced about it the other day, you were sleeping." 

"O-Oh... Yeah. When?"

"Next week, Monday." Excited naman na sabi niya. Akala siguro niya sasabay ako sa kaniya.

"Where?"

"Ma'am Rin will send the details through Gmail. So, I'll pick you up?" He said, smiling widely. Nginitian ko naman siya pabalik, halata ang pagkabigla sa mukha niya dahil sa pagngiti ko at medyo namula pa siya ng kaunti. Cute naman si Yvo kaya lang hindi ko siya type.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now