NSA: 30

385 16 0
                                    

12 years ago

"Iniko, punta tayong treehouse." Excited na sabi sa'kin ni Ikari habang tumatalon-talon.

"Para kang bata, dalaga na tayo kaya dapat dalaga na tayo kumilos." Panenermon ko sa kaniya.

"Para ka namang si Mimi, Iniko. Halika na kasi! High school na tayo sa pasukan. Hindi na tayo papayagan nina Dada na pumunta ro'n lagi." Nakasimangot na sabi niya.

"Kahit naman hindi tayo payagan nina Mimi, pupunta at pupunta pa rin tayo ro'n." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ko ng TH1RTEEN R3ASONS WHY ni Jay Asher. Kay Mimi ang libro na 'to ngunit naiwan niya sa lamesa sa sala namin kanina, nang binasa ko ay maganda kaya hiniram ko sa kaniya habang may kausap siya sa telepono para hindi na siya makatanggi.

"Samahan mo na kasi ako, Iniko. Hahayaan mo bang umalis mag-isa ang kakambal mo? Partner tayo lagi, 'di ba?" Pangongonsensiya niya pa sa'kin. "Pwede ka rin naman magbasa sa pupuntahan natin."

"Sige na nga, kaysa kulitin mo ako. Wala na akong naintindihan sa binabasa ko." Pagsuko ko kaniya.

"Yehey! May ipapakilala rin ako sa'yo! May bagong lipat tayong kapit-bahay at napag-usapan naming magkita ngayon doon para maipakilala kita." Masayang sabi niya.

Nagsuot lang ako ng hoodie at hinayaan na siyang dalhin ako sa treehouse namin.

Medyo malapit naman ang treehouse sa bahay namin ngunit gusto ni Ikari na pumupunta roon kasama ako. Baka raw kasi may ibang bata na mauna sa'min at agawin ang bahay namin.

Wala namang aagaw ng treehouse na 'yon dahil hindi naman hinahayaang lumabas ng mga magulang nila ang mga batang kasing-edad namin para maglaro sa labas. Kaya kahit na malapit na kaming mag-High School ay wala pa rin kaming ibang kaagaw sa spot na iyon.

Sinabi rin ni Dada na sa'min daw ang tinatayuan ng tree house kaya wala na talagang makakaagaw no'n.

"Iniko, huwag mong susungitan ang bago nating kaibigan, ha?" Bilin pa niya habang hinihila pa rin ako papunta sa treehouse.

"Basta hindi siya maingay at hindi niya papakialaman ang gamit ko." Casual na sabi ko.

"Hindi naman siguro siya gano'n pero mas gusto ko na maging maingay siya para may makausap naman ako." Halata na naman ang excitement sa boses niya.

"Sige na, okay lang ang maingay."

Nang makarating na kami sa ibaba ng treehouse ay biglang tumigil ang kakambal ko at nababahalang tumingin sa'kin.

"Paano kung hindi siya pumunta? Paano kung ayaw niya tayong maging kaibigan?" Nag-aalalang tanong niya. Ginulo ko naman ang buhok niya.

"Huwag ka nang mag-isip ng kung ano, nakausap mo na siya kanina hindi ba? Kaya walang rason para hindi siya pumunta at kung ganoon man ang mangyari, tayong dalawa na lang ulit tapos isama natin si Aki kapag malaki na siya." Pagpapalakas ko ng loob niya.

Umakyat na kami sa treehouse at pagkapasok namin sa loob ay may batang babae na may katabaan ang nakaupo sa upuan ko habang kumakain ng popcorn.

Napatingin naman ito sa'min nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Tumayo ito at lumapit sa'min. "Hello, I'm Hecate." Pagpapakilala niya at nilahad ang kamay niyang may mga cheese powder pa dahil sa popcorn na kinakain niya.

"Hi, Hecate! Pwede ba kitang tawaging Cat? I'm Ikari and this is my twin sister, Iniko." Pagpapakilala ni Ikari at nakipag-kamay sa bata. Ang akala ko ay makikipag-kamay din sa'kin si Hecate pero tinignan lang niya ako. "Okay lang, ikaw bahala." Sabi nito at bumalik na sa inuupuan nito kanina.

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon