Habang naglalakad kami papunta sa kotse ko ay may biglang sumulpot na dalawang lalaki sa harap namin. Hindi naman namin sila pinansin at nilagpasan lang sila pero biglang hinatak no'ng isang lalaki si Cat."Bitawan mo siya." Kalmado kong sabi sa may hawak kay Cat sa braso. Kanino bang tatay ang mga 'to?
"Makikipag-kilala lang naman kami sa inyo, miss beautiful." Sabi ng kasama nito habang nakatingin sa legs ko.
Napansin ko naman na inaamoy-amoy no'ng isang lalaki ang buhok ni Cat na ngayon ay parang tuod na.
Fuck! Kailangan ko nang mailayo si Cat sa mababahong nilalang na 'to. Mukha ba talagang easy prey si Cat at lagi siyang nabibiktima ng gan'to? Mukhang wala akong choice.
Nag-inat naman ako para pindutin ang maliit na button sa ring ko at sinenyasan si Cat ng dos. Lumapit naman ako sa lalaki na may hawak kay Cat habang tinitignan ko siya ng mapang-akit. Kailangan kong ilayo si Cat sa mga demoniyong 'to.
"Gano'n ba?" Sagot ko habang nakatingin sa lalaking may hawak kay Cat. "Ikaw, nagagandahan ka ba sa'kin?"
Napansin ko naman na napalunok pa siya bago sumagot. "Oo naman! Pare, ako pala ang type ni miss beautiful e'." Parang hayok na hayok naman ito na lumapit sa'kin, tingin ko nga'y hindi na nito napansin na nabitiwan niya si Cat.
"Anong ikaw? Ako type niyan, 'no!" Maangas na sabi naman no'ng isa at lumapit pa sa'kin saka hinatak ako palayo. Tinignan ko naman na parang humihingi ako ng tulong do'n sa isa.
"Bitawan mo nga siya, Romel! Ako nga ang gusto niya! Wala kang magagawa kung mas gwapo ako sa'yo."
"Ano ba ang type mo?" Naiinis na sabi sa'kin ng tinawag na Romel ng kasama nito. Nginitian ko naman ito ng matamis at nanunuksong hinimas ang dibdib niya pababa sa tiyan. "Type ko ang mga lalaking kaya akong ipaglaban." Ew, kadiri ka self. Pagtingin ko naman sa isang lalaki ay parang nagliliyab na sa selos ang mga mata nito habang nakatingin sa'min no'ng Romel, medyo nakaramdam naman ako ng kilabot nang may nakita pa akong isang pares ng mata na matalim ang tingin sa'kin.
Inilayo naman ako nito sa kaniya at pumwesto silang dalawa sa gitna ng parking lot. Mukhang literal na mag-aaway ang dalawa.
Lumapit naman ako kay Cat na masama pa rin ang tingin sa'kin. "Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko habang nakahawak sa dalawang balikat niya.
Agad namang nawala ang masamang aura na bumabalot dito. "Y-Yeah, pasensiya na. Lagi mo na lang akong nililigtas." Malungkot na sabi nito.
"Basta ikaw! Malakas ka sa'kin e'." Sabi ko at ginulo ang buhok niya. "Manood na lang tayo ng live action, sayang! Wala tayong popcorn."
Nagsisimula na kasing magsuntukan ang dalawa.
Niyakap naman ako bigla ni Cat. "Thank you." Bulong nito. Niyakap ko naman siya pabalik. "Don't worry na, ilang saglit na lang nandito na ang mga bodyguard ko." Kahit kasi pwede naman na kaming umalis dahil busy na ang dalawa ay 'di naman namin sila pwedeng iwan na lang basta, baka mamaya mambiktima pa sila ng iba.
Sakto naman na pumarada ang isang itim na kotse sa harap namin at lumabas ang mga lalaking naka-itim na tuxedo. Hindi naman maipinta ang mga mukha nito.
Mukhang napag-trip-an sila ni Aki. Puro kasi makukulay na ipit ang mga buhok nila at may lipstick na kahit isang linggo ka yatang hindi mag-retouch ay walang problema sa kapal. Mukha silang clown. Ang kapatid kong iyon, kahit SHS na ay hindi pa rin nagbabago. Childish pa rin kapag nasa bahay.
"Pasensiya na po at natagalan kami, Lady Iniko at Lady Hecate." Sabi ng mga ito at yumuko pa sa harap naming dalawa.
"Okay lang 'yon, kuya Alfred. At sabi ko naman sa inyo, Iniko na lang."

YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceGxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021