NSA: 26

350 18 0
                                    

"Alam mo, Iniko. Hindi lang sila ang para sa'yo kaya ka nila niloko. Para sa'kin ka kasi talaga." Sabi ni Alex pagkatapos marinig ang mga rant ko.

"Hoy, Alex! Kahit may pagkamadaldal na ako dahil sa alak, hanggang friend lang talaga ang tingin ko sa'yo." Natatawang sabi ko.

"Kahit lasing, friendzone ka pa rin. Iba na lang kasi." Pang-aasar ni Autumn kay Alex.

"Mukha ba akong best friend material? Bakit lagi ako na-fr-friendzone?" Nakasimangot na sabi niya. "Ang hot ko kaya!"

"Wala naman akong sinabing hindi ka hot, kaya lang hindi kita type. Hanap ka na lang ng iba." Payo ko sa kaniya at tinapik-tapik pa siya sa balikat niya habang umiikot ang paligid.

"Yeah, right." She said sarcastically.

"Gimme two bottles of vodka, Autumn. Turo mo na rin sa'kin kung sa'n ako pwede matulog." Hilong utos ko.

"Si Alex na bahala sa'yo, Iniko. Harmless naman 'yan." Sabi niya. "Sa kaniya ko na rin bibigay ang vodka at baka madapa ka pa."

"Mabuti na lang talaga at crush pa rin kita kahit na na-friendzone ako." Reklamo naman niya sa'kin nang ilagay niya ang braso ko sa balikat niya para maalalayan niya akong maglakad.

"Hindi pa ako lasing, kaya kong mag-isa." Sabi ko at pilit kumawala sa kaniya kahit umiikot na ang paligid ko.

"Tatawagan ko ang jowa mo para ipasundo ka rito kapag hindi ka tumigil." Banta niya sa'kin at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa beywang ko.

"Tawagan mo, busy 'yon sa Mommy niya." Inis na sabi ko.

"Sa lahat ng naloko, ikaw 'tong parang hindi nasaktan. Hindi ka pa nga yata lasing dahil 'di ka pa umiiyak." Sabi niya at nagsimula nang lumakad palabas.

"Alam mo hindi porke hindi ako umiiyak, ibig sabihin na no'n hindi na ako nasaktan. Hintayin mong ma-process ko 'to." Sabi ko habang tinatapik-tapik ko ang mukha niya gamit ang free kong kamay.

"Yeah, right." Sabi niya at inalalayan na lang ako ng tahimik.

"Bakit ba ang hilig mo uminom mag-isa? May best friend ka naman." Maya-maya'y sabi niya habang naghihitay kami ng taxi sa labas ng bar.

"Basta."

"Kapag best friend, sila ang takbuhan kapag may problema, 'di ba? Bakit parang baliktad ka?" Pang-uusisa pa rin niya.

"Bakit ang dami mong tanong?" Naiiritang pagbabalik tanong ko sa kaniya.

"Bakit ayaw mo na lang sumagot?" Iritableng tanong din niya.

Oh my gosh. Nawawala ang epekto ng alak dahil sa kaniya. Nabwibwisit na ako.

"Bakit ka ba nangingialam? My your own fucking business!" Singhal ko sa kaniya at mas pinilit nang humiwalay sa pagkakakapit niya na napagtagumpayan ko naman ngunit mabilis na umikot ang paligid ko at parang bumaliktad ang sikmura ko. Tumakbo naman ako sa pinaka malapit na corner para doon sumuka.

"See! Hindi pala lasing, ha!" Sermon ni Alex habang hinahagod ang likod ko. Nang matapos ako ay pumunta ako sa pinaka malapit na kotse saka umupo at sumandal doon, tumabi rin naman siya sa'kin.

"There's this wall between us that I can't cross. She's waiting for me to open up but I'm the one who refuses to let her in. Something happened and I'm still not ready." Malungkot na kwento ko.

"Mukhang malalim ang pinanghuhugutan mo kaya hindi na ako magtatanong, pasensiya na kung masyado akong naging matanong. Minsan talaga hindi ko alam kung kailan ako dapat tumigil." Sabi niya at inabutan ako ng panyo na tinanggap ko naman. "Nah, it's okay. I was rude too. Thanks." Sabi ko pagkatapos kong punasan ang labi ko.

Tinulungan naman niya akong tumayo at inalalayan na ulit ako.

"I'm sorry, ikaw pa napagbuntungan ko ng galit ko."

"Wala 'yon, I'm sorry too." Sabi niya. "Sa'kin ka na muna matulog, hindi kita pagsasamantalahan huwag kang mag-alala."

"Kahit subukan mo pa, yari ka sa'kin." Natatawang sabi ko.

Kinabukasan ay pinaimbestigahan ko si Lilith kay Kuya Alfred. Hindi naman siya nagtanong, ang sabi lang niya ay bigyan ko siya ng isang linggo para makuha ang lahat ng impormasyon na pwede niyang makuha.

Pasalamat naman ako sa pinsan ko na naisipang i-postpone muna ang bakasyon niya. Napagpasyahan kong hindi muna umuwi sa apartment, sa condo ko muna ako tumutuloy pansamatala.

Hindi ko pa kayang makita ang mukha ni Cat, sa tingin ko ay nakwento na niya kay Rin ang nangyari.

Hindi ko pa kayang makita ulit ang takot na nabasa ko sa mga mata niya. Hindi ko alam kung kaya ko pang magpakita sa kaniya ulit kaya naman kapag pumapasok ako sa opisina ay sinisigurado kong hindi kami magkakasalubong na dalawa.

Isang linggong gano'n ang ginagawa ko.

Na-master ko na yata kung paano tumakbo kapag may problema.

"Kuya Alfred, ito na po ba lahat?" Tanong ko sa kaniya. Nandito kami ngayon sa lobby ng condominium na tinutuluyan ko. Binalita niya sa'kin na ilang beses siya tinanong ni Cat kung alam nito kung saan ako tumutuloy pero dahil nasabihan ko na siya about do'n ay walang nakukuhang sagot si Cat sa kaniya.

"Opo, lady Iniko." Sagot niya matapos ibigay sa'kin ang isang envelope.

"Thank you po. Huwag na po sanang makarating kanila Mimi ang tungkol dito." Bilin ko sa kaniya.

"Masusunod po."

"Salamat po, kayo na pong bahala sa kanila." Sabi ko at tinapik na ang balikat niya. Tumango naman siya. "Mauuna na po ako, lady Iniko."

"Sige po. By the way, Kuya, tungkol po sa security system. Naayos niyo po ba?"

"Opo, maayos pong naikabit."

"Salamat po, ingat po kayo pauwi." Sabi ko at umakyat na ulit sa condo unit ko.

Ilang oras na rin ang nakakalipas matapos ibigay sa'kin ni Kuya Alfred ang brown envelope. Nasa ibabaw lang ito ng lamesa at hindi ko pa rin magawang buksan. Magkahalong kaba at pag-asang sana ay namali lang ako ng akala ang nararamdaman ko sa bawat hibla ng pagkatao ko ngayon.

Kahit na nagdadalawang isip dahil maaaring masira ang relasyon namin dahil sa nilalaman ng envelope ay sa huli'y napagpasiyahan ko rin itong buksan para malaman kung tama ako o hindi.



No Strings AttachedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora