Do I really love her?
"Earth to Iniko. Hello? May kausap pa ba ako?" Nabaling naman ang pansin ko kay Percy nang magsalita siya. "H-Huh? Ano ulit 'yon?"
"Sa wakas! Akala ko hahayaan mo na talaga akong magsalita mag-isa rito, mars! Baka akalain ng ibang customer na 'di talaga tayo magkakilala at naki-join lang ako bigla sa table mo kaya 'di mo 'ko pinapansin." Mahabang litaniya niya. Minsan talaga hindi ko alam kung bakit naging magkaibigan kami nito, ang daldal masyado. "Aba, Mare! Huwag mo nga akong tignan na parang nagsisisi ka na nakilala mo 'ko, swerte ka kaya sa'kin!"
Madaldal na, narcisstic pa. Hay nako.
"Bulong-bulong ka pa, ha! 'Di ako narcisstic, 'no!"
"Silence!" Sabi ko habang hinihilot ang ulo ko.
"Sorry, Boss!" Sabi naman niya.
"Sa susunod nga huwag ka iinom ng kape bago tayo mag-usap, iba epekto sa'yo." Bilin ko sa kaniya.
"Pero Iniko, alam mo namang hindi ako nag-fu-function kapag hindi ako naka-inom ng kape." Malungkot na sabi niya pagkatapos ay ngumuso pa.
"Huwag mo 'ko ngusuan at baka putulin ko 'yan." Inis na sabi ko saka iniripan siya.
"Sungit talaga, bakit ba kasi?" Nakasimangot na tanong niya.
"Huwag ka muna tatanggap ng client." Sabi ko pagkatapos kong uminom ng iced coffee ko.
"Sus, akala ko naman kung ano." Walang ganang sabi niya ngunit bigla siyang natigilan nang ma-realize ang sinabi ko pagkatapos ay bigla na lang siyang tumayo at hinampas pa ang lamesa. "Susmaryosep!"
"Hoy! Hindi lang kayo ang customer dito!" Nilingon naman niya ang nagsalita at nag-peace sign saka humingi ng tawad bago tumingin ulit sa'kin.
"Umupo ka nga, ang extra mo masyado." Bored na sabi ko. Nakakahiya talagang kasama ang babaeng 'to, bakit ba kasi rito pa kami nag-usap?
Pagka-upo niya ay naka-titig lang siya sa'kin. "What?!" Inis na tanong ko.
"Details."
"Wala kang mahihita sa'kin."
"Details."
"Tsismosa talaga."
"Details o papapuntahin ko rito si Ken?" Sabi niya habang naka-ngiting parang nanalo sa lotto.
"Go ahead but don't expect to see the sun again." Simpleng sabi ko at binaling ang tingin sa dala kong libro.
"Iniko naman ih! Parang hindi friends." Wala naman akong nagawa kung hindi ang mapabuntong-hininga.
"I'm in a relationship with that woman."
Narinig ko naman ang nalaglag na tinidor niya na tumama sa plato dahil sa sinabi ko. Pagtingin ko sa kaniya ay hindi ko alam kung kalungkutan ba 'yong nakita ko dahil ngumiti rin siya agad.
"Wow! Hindi ko akalain na ma-i-in love ka sa babae, Iniko!" Natigilan naman ako sa sinabi niya. In love? In love nga ba ako?
"Congrats, ha? Mauna na pala ako, may pupuntahan pa 'ko e'. Salamat sa libre!" Sabi niya at nagmamadaling umalis sa harap ko. Wala naman akong nagawa kung hindi ang tignan siyang lumakad-takbo papalabas ng coffee shop na kinainan namin, may mga nabangga pa siya dahil sa pagmamadali pero hindi siya huminto at diretsong lumabas lang.
Ano kayang nangyari ro'n?
**
Isang linggo na no'ng sinabi ko kay Percy ang tungkol sa relasyon namin ni Lilith, hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya pero parang naging mailap na siya sa'kin. Wala lang siguro sa mood.

YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceGxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021