NSA: 10

1.7K 45 17
                                        

Nasa loob ako ngayon ng audiovisual room 1 kasama ang lahat ng SHS students ng Samuel High School.

The judgment day for those bitches has come.

Nakita ko naman si Hecate na sinenyasan ako na ayos na ang lahat. Kaya sinabihan ko na ang MC na pwede nang magsimula.

"Good afternoon, Samuellanians! Alam kong bored na kayo dahil kanina pa kayo nandito pero may hinintay pa tayong mga mahahalagang tao sa buhay niyo." Panimula ng MC. Halata naman ang pagtataka sa mga mukha ng mga estudyante.

"Boys! Papasukin na sila." Pagkasabi niya no'n ay isa-isa namang umakyat ang mga magulang ng bawat estudyante rito sa upper benches habang nasa ground floor naman lahat ng estudyante.

"Now that everyone's here, let's start this seminar for both the students and their parents."

Nagdilim na ang paligid at nagsimula na ang palabas.

Naka-project ngayon ang picture ni Aki na may nakalagay na, 'Beware, boyfriend stealer and a walking sex toy'. Iyon ang picture na kumakalat sa isang illegal website na ginagamit ng mga estudyante ng Samuel High.

Nagsimula naman ang bulungan ng mga estudyante at mga magulang pagkalabas ng picture na 'yon.

"I'll let the older sister of this young lady to take over this show, Lady Iniko Peterson." Sabi ng MC kaya umakyat naman ako sa stage habang may nakasunod na spotlight sa akin. Mas lalong lumakas ang mga bulungan nila.

"Nandito na ba ang mga guards?" Tanong ko sa kaniya habang binibigay sa'kin ang mic. "At saka, huwag ka nang yumuko."

"Nandito na po, Lady Iniko." Sagot niya at yumuko pa rin siya.

"Pareho kayo ni Kuya Alfred. Anyway, thanks, Ate Kaye. You can inform Dad and Mom about this matter later, okay? It's on me." Bilin ko sa kaniya.

"I understand, Lady Iniko." Sagot niya at umalis na sa harap ko.

Mahirap na, panigurado pupunta sila agad dito kapag nalaman nila atsure akong pipilitin din nila akong umuwi sa bahay.

Pagkatapos naming mag-usap ay humarap naman ako sa audience ko ngayong araw.

"What a nice day to give some punishment!" I said cheerfully.

Wala namang imik ang lahat at tahimik lang nakaabang sa mga susunod na mangyayari.

"We'll play a game. I'm the detective and all of you are witnesses in a crime. I expect everyone to cooperate." Seryosong sabi ko.

Pagkasabi ko no'n ay may dalawa pang spotlight na tumutok naman sa dalawang mic.

Isang mic malapit sa mga estudyante at isang mic malapit sa parents nila.

Agad na may tumayo sa mga estudyante para magtanong.

"Ma'am Iniko, what's the meaning of this?" Dramatic na tanong ng isang babae mula sa section ng kapatid ko, siya ang parang leader sa tatlong babaeng nambu-bully sa kapatid ko noong mga nakaraang araw.

"I don't know if you're naive or not. Next question, please. And by the way, stop calling me ma'am. I'm no longer your teacher." I said coldly.

"Oh, then we can disrespect you now? Ha! Why are you here? To clean your sibling's name? Last time I checked, she's pregnant and a whore." She said mockingly.

Oh, the audacity of this young lady.

Hindi ko naman napigilang tumawa ng malakas.

"I'm sorry, that was a good joke."  Sabi ko pagkatapos kong tumawa habang nagpupunas ng imaginary tears ko. "What's your name again?" I asked in my serious tone.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now