NSA: 6

851 28 4
                                    

"Kayo na lang, gusto kong matulog." Pagod na sabi ko.

"Ano ba 'yan, Mate? Kaya nga kita dinala rito para mag-enjoy, sayang ang view!" Reklamo ni Rin.

"Enjoy naman matulog, ah?" Katwiran ko at akmang papasok na sa tent kaya lang may biglang kumurot sa tagiliran ko.

"Aray!" Pagbaling ko naman sa kanila ay hindi sila nakatingin sa'kin pareho. "Sinong kumurot 
sa'kin?" Mahinahong tanong ko pero hindi pa rin nila ako pinansin.

"Isa."

"Dalawa?" Duktong naman ni Rin.

"Binabanas niyo talaga ako, 'no?" Napipikang sabi ko. "Uuwi talaga ako." Pagbabanta ko.

Alam kong alam nila na seryoso ako.

"Fine! It was me." Nakasimangot na pag-amin ni Hecate.

Hindi ko naman mapigilang mapakunot noo. "Kung makasimangot ka d'yan parang ako pa may kasalanan na nakurot ako, ah?" Nakasimangot na ring sabi ko.

"Ikaw naman kasi talaga ang may kasalanan." Sabi niya at inirapan pa ako.

"Victim blaming!"

"Ang arte mo naman kasi, ayaw mo bang maligo? Pinagpawisan kaya tayo no'ng umakyat tayo kanina." Naiiritang sabi niya.

Napaisip naman ako.

"Tsk, K." Defeated na sabi ko. Ngiting tagumpay tuloy si Cat.

"Gusto lang pala si Cat pa ang mag-aaya." Tinignan ko naman ng masama si Rin dahil sa sinabi niya.

"Whatever."

"Mamaya ka na magsungit, kumuha na tayo ng damit pamalit, may cr malapit sa ilog." Sabi ni Cat.

Pagkatapos naming kumuha ng mga kailangan namin ay dumiretso na kami sa sinasabi nilang ilog.

Hindi ko naman maiwasang mamangha sa ganda ng paligid habang naglalakad kami patungo roon.

Ilang saglit pa ay dumating na kami sa destinasyon namin.

Pumasok naman kami agad sa cr para magpalit. "Alam mo, Cous. Hindi ko alam sa'yo kung bakit gan'yan ka, mahilig ka sa nature, 'di ba?" Pagbubukas ng usapan ni Rin habang nagpapalit kami.

"People change." Tipid kong sagot.

Narinig ko namang napabuntong hininga na lang siya dahil sa sagot ko.

"Naging gan'yan ka lang naman simula no'ng-."

"Shut up, Rin." Pagputol ko sa sasabihin niya.

"Toto-."

"I said, shut the fuck up!" Medyo tumaas na ang boses ko dahil sa inis. Bakit ba niya kailangang banggitin pa 'yon?

"Huwag na nga kayong mag-away na dalawa." Saway sa'min ni Cat. Nawala sa loob kong kasama nga pala namin siya.

"Sorry." Sabay na sabi namin ni Rin.

Paglabas ko ng cubicle ay tapos na rin palang magpalit ang dalawa.

Nagkatinginan pa kami saglit ni Cat na parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi na niya natuloy dahil nag-iwas ako ng tingin.

"I won't ask, don't worry." She whispered then I felt a tap on my head.

Bigla namang may umakbay sa'kin, paglingon ko ay si Rin pala. Nakaakbay siya sa'ming dalawa ni Cat.

"Tama na nga ang drama, tara na at maligo!" Hyper niyang sabi at tinangay na kami ni Hecate papunta sa ilog.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now