NSA: 25

360 14 0
                                    

Hapon na ako nagising dahil sa party kagabi. Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Cat na naghahanda ng pagkain.

"Good morning?" Bati ko pagkalapit ko sa kaniya.

"Sabay na tayo." Aya niya sa'kin habang nakatuon ang tingin sa inaayos niyang plato. "Umupo ka na d'yan, ako na kukuha ng plato mo." Sinunod ko na lang siya kaysa kulitin siya dahil mukhang iniiwasan niya ulit ako.

Nang matapos na siya sa ginagawa niya ay umupo na rin siya sa tabi ko. "Thanks." Sabi ko.

"Yeah, sure." Sagot niya at nag-focus na sa pagkain. Gano'n na lang din ang ginawa ko dahil mukhang wala talaga siya sa mood makipag-deal sa akin ngayon.

Maya-maya'y lumapit naman si Cookie sa'min, mukhang nagugutom na rin siya. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Cat. "Ako na." Sabi niya at inasikaso na si Cookie. Mabuti pa si Cookie pinapansin. 

Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Magliligpit na sana ako ng pinagkainan namin nang may parang galit na galit na kumakatok sa pintuan namin.

Natigilan naman ako at nanginig. Nagsimula na ring bumilis ang pagtibok ng puso ko at parang unti-unting nahihirapang huminga.

"Grabe naman kumatok, saglit lang!" Malakas na sabi ni Cat sa kung sinumang kumakatok sa pintuan namin.

Lalo naman akong binalot ng kaba nang makita si Cat na papalapit sa pintuan. "D-Don't open it!"

Naguguluhang tumingin naman siya sa'kin. "Call, Kuya Alfred now!" Nag-pa-panic na utos ko sa kaniya. Alam kong nagiging irrational na ako sa paningin niya pero hindi ko maiwasan.

"What?" Naguguluhang tanong niya. "Bubuksan ko lang ang pintuan. Stop being weird, Iniko." Kunot noong sabi niya at nagsimula ulit lumapit sa pintuan, tumigil na rin ang kung sinumang kumakatok do'n kanina.

"I said, stop!" Nagtaas na ako ng boses dahil parang wala siyang balak makinig sa'kin. "G-Give... me a sec., Hecate." Hinihingal na sabi ko.

"Geez, chill." Nagtaas naman siya ng dalawang kamay na parang sinasabi na suko na siya. "Okay." Pagsuko niya.

"Don't... don't move." Sabi ko at nagmamadaling pumunta sa kwarto ko. Narinig ko pa siyang nagtanong kung okay lang ako pero hindi na ako sumagot at kinuha ang baril ko na nakatago sa ilalim ng kama.

Paglabas ko ay nabasa ko ang takot sa mga mata ni Cat nang makita ang hawak ko. "D-Don't worry, it's for m-my protection." Hindi makatingin sa kaniyang paliwanag ko.

"Oh my gosh, Iniko! Throw that... that t-thing away." Sabi niya at umatras na parang natatakot siya sa'kin.

"I-I'm not gonna hurt you." Sabi ko at sinubukang lumapit sa kaniya pero lumayo siya sa'kin.

"I-Iniko!" Nahihintakutang bulalas niya.

"Takot ka... sa'kin?" Naguguluhang tanong ko. Parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig nang ma-realize ko ang sinabi ko.

"I-I'm not gonna open the door." Sabi niya at umiwas ng tingin.

"Mate? Cat? Nand'yan ba kayo? Open the door, ang init dito." Rinig naming sabi mula sa labas. Parang natauhan naman ako nang mapagtanto ko na si Rin lang ang kumakatok.

"S-Sorry." Sabi ko at tumalikod na para bumalik sa kwarto ko.

Narinig ko naman na parang nakahinga ng maluwag si Cat, paglingon ko sa kaniya ay nagmamadali siyang pumunta sa pintuan na parang do'n nakasalalay ang buhay niya.

She's scared of me like I'm the bad guy.

Napangiti na lang ako ng mapait at pinunasan ang namumuong luha sa mga mata ko.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now