NSA: 13

553 20 6
                                    

Nang makaalis na siya ay pinara ko naman agad ang napadaang taxi at nagpahatid sa isang park.

Pagkarating ko sa paborito kong parke ay pumwesto na ako sa usual spot ko.

Kita ang dagat na naging kulay kahel na dahil sa papalubog na araw mula sa kinauupuan kong bench.

Huminga pa ako ng malamin bago tinawagan si Mimi.

"Hello, anak! I missed you." Naiiyak na sabi nito. Parang maiiyak naman ako dahil sa pangungulila nang marinig ko ang boses niya.

"I miss you, too, Mimi. Kayo nina Dada at Aki. Sorry po kung ngayon lang ako ulit nakatawag, sobrang busy lang po. Kumusta na po?" Masayang sabi ko para maitago ang lungkot na nararamdaman ko.

"Mabuti naman kami rito, anak. Hindi ka pa ba uuwi? How's my baby? Kumakain ka ba sa tama? Baka naman nagpapalipas ka ng gutom, ha?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ayos lang po ako, Mimi. Kasama ko naman po si Cat. Para akong may isa pang Mimi, kaya huwag na po kayong mag-alala sa'kin." Pag-a-assure ko sa kaniya.

Natahimik naman sandali sa kabilang linya.

"Hanggang kailan mo ba paparusahan ang sarili mo? Wala kang kasalanan, anak." Malungkot na sabi niya. Sa tingin ko ay umiiyak na si Mimi.

"Mi... Please, huwag na po natin pagtalunan 'to. Sige na po, pakisabi na lang kay Dada na miss ko na siya pati kay Aki. I love you, Mi. Ingat po kayo d'yan." Sabi ko at tinapos na ang tawag.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at umiyak na sa noo'y madilim nang parke. Kaunti lang kasi ang lamppost sa parte kung nasaan ako.

It's been 12 fucking years and I'm still stuck on that day.

"Sabi ko naman sa'yo ako ang unan mo hindi ba?" Sabi ng isang pamilyar na boses ng babae habang may inaabot na panyo sa'kin.

Nang nag-angat naman ako ng tingin ay mabilis ko siyang sinugod ng yakap.

"C-Cat."

"Shh... Iiyak mo lang 'yan. Nandito lang ako." Sabi niya habang marahang hinahagod ang likod ko.

"T-Tinawagan ko na si Mimi... B-Bakit kailangan niyang banggitin iyon?" Para akong batang nagsusumbong kay Cat, nakakahiya pero wala na akong pakialam.

"S-Sorry kung hanggang n-ngayon... Hanggang ngayon hindi ko pa rin m-masabi sa'yo ang nangyari. I'm really sorry, Hecate." Umiiyak na sabi ko.

"Alam kong hindi madali para sa'yo ang mga nangyari, naiintindihan ko. Kapag ready ka na, nandito lang ako." Masuyong sabi niya habang inaalo ako.

Mas yumakap naman ako sa kaniya hanggang sa magdilim ang buong paligid.

Pagkagising ko ay nasa kwarto ko na ako. Hindi ko alam kung pa'no kami nakauwi ni Cat, siguro ay tinawagan niya sina Kuya Alfred para sunduin kami.

Papabangon palang ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok naman si Cat na may dalang tray.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya pagkatapos ilapag ang tray sa study table ko. Lumapit siya sa'kin at inalis ang kung anumang nasa noo ko bago iyon dinama.

"Medyo bumaba na ang lagnat mo." Sabi niya at kinuha ang pagkain sa tray. "Mabuti na lang at nakita kita sa park kagabi. Nilalagnat ka na pala hindi ka pa nagsasabi." Sermon niya. Susubuan niya sana ako pero pinigilan ko siya.

"Huwag mo na akong subuan, masyado na akong nakakaabala sa'yo." Sabi ko at kukunin na sana ang mangkok na hawak niya pero nilayo niya 'yon sa'kin.

"Stop acting like you can handle everything alone, Iniko. Let me take care of you." Sabi niya. Tinitigan ko naman siya sa mata para malaman kung seryso siya.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now