Nang tuluyan nang matapos ang video ay wala namang naglakas ng loob na bumasag ng nakabibinging katahimikan. Para bang nakatayo kami sa isang babasaging salamin kaya naman walang gustong gumalaw o gumawa man lang ng ingay.
Sabay-sabay kaming tumingin sa pintuan nang may kumatok doon pagtapos ay bumukas. Pumasok ang isa sa kasambahay namin at sinabing nasa baba si Hexane, hinahanap si Aki.
Umuwi rin kami ni Hecate no'ng araw na 'yon pero dumalaw muna kami sa puntod ni Ikari.
Noong una'y ayaw ako paalisin nina Mimi pero sa huli'y wala na rin silang nagawa. Kahit na may 'closure' na kami ay hindi ko na talaga kaya pang tumira ulit sa bahay na 'yon.
Pagkahatid ko naman kay Cat sa apartment namin ay babalik na sana ako sa condo ko pero sinabihan niya akong bumalik na ako sa apartment namin. Noong una ay balak niyang siya na lang ang aalis pero sinabi ko na hindi naman namin kailangang bumalik sa dati kaya pumayag naman siya. Hindi ko alam kung dahil sa awa o dahil sa pinagsamahan namin pero kuntento na ako na kahit wala na akong pag-asa sa kaniya ay makakasama ko pa rin siya kahit papa'no.
Noong mga unang araw ay sobrang awkward namin sa isa't isa kapag hindi sinasadyang mag-abot kami sa kitchen o kaya naman ay magkatabi sa couch para manood ng series.
Kapag nasa office naman ay nagtatanguan lang kaming dalawa kapag nagkakasalubong at kapag hindi naiiwasang magkaroon ng interaction sa isa't isa ay sobrang tipid naman namin magsalita na akala mong may bayad ang bawat salitang lalabas sa bibig namin. Mula nang umuwi kami galing sa luma naming bahay ay walang gabi na hindi ako umiiyak. Isang dekada na ang nakalipas pero nandito pa rin ang sakit.
"Mate, umamin ka nga sa'kin. Anong ginawa mo at gan'yan ang nangyari sa inyo ni Cat?" Pang-uusisa ni Rin sa akin. Nandito kami sa kama niya sa office, as usual. Tapos na kasi ako sa mga kailangan kong gawin dito sa office at ayoko namang umuwi dahil dayoff ni Cat. Sure akong nasa bahay siya ngayon.
"Basta." Tipid na sagot ko.
"Ang showbiz naman ng sagot mo." Nakasimangot na reklamo niya.
"Pa'no ang tsismosa mo." Masungit na sabi ko naman.
Akala ko ay tatahimik na siya pero dahil siya si Rin ay wala sa bokabularyo niya ang bagay na 'yon.
"You love her, aren't you?" She said it like she's stating a fact kaya naman kahit nagulat ako ay hindi ko na lang pinahalata.
Hindi naman ako sumagot kaya nagsalita siya ulit. "Anong ginawa mo, ha? In love na in love kaya siya sa'yo, kaya hindi ko maarok kung bakit nag-iiwasan kayo gayong mahal niyo ang isa't isa." Paglilitaniya niya.
Nagtatakang tumingin naman ako sa kaniya.
Pinanlakihan niya naman ako ng mata. "Ano?"
"Hindi ka ba galit?" Naguguluhang tanong ko.
"Ba't naman ako magagalit?" Nagtatakang tanong niya.
"Patay na patay ka kaya kay Cat!" Sagot ko naman sa obvious niyang tanong. Tinawanan lang niya ako na para bang isang malaking joke ang sinabi ko.
"Laughtrip ka rin talaga, Mate." Tawang-tawang sabi niya habang nagpupunas ng luha niya dahil sa labis na pagtawa.
"Anong nakakatawa?" Pikon na tanong ko.
"Grabe, Cous! Hindi ko akalain na ang manhid mo pala talaga." Nang-aasar pa ring sabi niya. Sinubukan ko naman siyang hampasin pero mabilis siyang nakaiwas kaya inirapan ko na lang siya. "Bakit nga kasi?!"
"Hindi naman kasi ako patay na patay kay Cat." Tatawa-tawang sabi niya. Kunot noong tumingin lang ako sa kaniya. "What I mean is, wala talaga akong gusto kay Cat. Halata kayang head over heels sa'yo iyong tao! Alam mo ba no'ng nasa bus tayo, hindi ako pinansin no'n buong byahe at nakatingin lang sa gawi mo na akala mong may aagaw nang may aagaw sa'yo." Pagkwekwento niya. Tinitigan ko naman siyang mabuti dahil baka niloloko lang niya ako.

YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceGxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021