NSA: 17

417 16 1
                                    

Nabungaran naman kami ng maingay na office ng dean pagkapasok namin sa loob.

"Hindi kami papayag na hindi nagbabayad ng danyos ang pamilya ng batang 'yon! Bali ang ilong ng anak ko!" Galit na sabi ng isang nasa mid 40's na babae. Magsasalita pa sana ulit siya nang mapansin niya kami.

Inayos nito ang suot niyang blazer bago umupo. Puno ng kolorete at kumikinang ang mga suot na alahas ng nasabing babae.

Tumayo naman ang babaeng sa tingin ko ay ang principal ng Griffin High. Sa tangin ko ay nasa 29 ang edad niya.

"Good afternoon, Ms. De Leon." Sabi ko at nakipagkamay sa kaniya pagkalapit namin. Gano'n din ang ginawa ni Cat.

"Ngayong nandito na ang bawat panig ay pwede na tayong mag-usap, sana lang ay maging maayos ang kalalabasan ng pag-uusap na ito." Medyo nagulat naman ako ng magsalita siya ng tagalog dahil mukha siyang foreigner. "Take your seats." Sabi ng Dean.

Nagtabi naman kami nina Cat at sa kabila naman ang may matalak na babae.

"Hijo, maaari mo bang isalaysay ang nangyari kanina?" Malumanay na tanong nito sa batang lalaking may gasa sa ilong. Tumango naman ito ngunit bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na siya ng matalak na babae.

"Binali lang naman ng kapatid mo ang ilong ng anak ko! Ang gwapo-gwapong bata nito tapos sinira lang ng kapatid mo!" Galit na sabi nito at tumayo pa. "Wala ba kayong magulang kaya gan'yan naging ugali ng kapatid mo?! Kababaeng tao, napaka basagulera!"

Pumikit naman ako saglit at huminga ng malalim.

"With all due respect, Ma'am. We're here to know the reason why your son's nose is damaged now and why my intelligent and most patient sister decided to break that nose of his. Let's all be decent and act at our age, okay? Let's be professional and handle this like adults." Sabi ko habang nakatitig ng maigi sa kaniya. Napansin ko naman na parang na-intimidate siya sa akin dahil nag-iwas ito ng tingin at saka umupo.

Binalingan ko naman ng tingin ang anak niya. "Go on, kid."

Nabasa ko naman ang pag-aalangan sa mata niya, parang tinitimbang nito kung magsasabi siya ng totoo o gagawa ng kwento. Uminom muna ito sa bottled water na hawak niya bago magsalita. So he decided to lie, I see.

"Umaakyat po ako ng hagdan no'ng bigla na lang sumulpot si... si Hexane sa harap ko. Nagmamadali siyang umakyat nang bigla itong madapa, dumausdos ito pababa pero mabuti na lang at nahawakan ko siya kaya kaunti lang ang galos na nakuha niya, habang hawak ko si Hexane sakto namang dumating si Akiko na halatang galing din sa pagtakbo." Tumigil ito saglit pagkatapos ay tinignan si Aki bago nag-iwas ng tingin.

"Go ahead, Hijo. Don't be afraid." Sabi ni Ms. De Leon.

Uminom ulit ito ng tubig bago pinagpatuloy ang kwento niya. "Pagkakita niya sa'min ay inakala niyang tinulak ko si Hexane kaya nadapa ito sa hagdan, bigla na lang niya akong sinipa sa mukha at ilong ko ang tinamaan. May ilang mga estudyanteng nakakita sa ginawa niyang 'yon." Pagpapatuloy nito.

Tinignan ko naman ang mga babaeng estudyante sa pwesto nila, mukhang sila ang tinutukoy nito.

"Totoo ba ang lahat ng sinabi niya?" Tanong ko sa kanila. Parang mga nagulat pa ito na kinausap ko sila, nakatulala lang kasi sila sa'kin.

"H-Huh?" Sabi ng ilan sa kanila.

"Nakita po naming na-flying kick siya ni Akiko pero hindi po namin nakita ang mga pangyayari bago 'yon." Sabi naman ng isang babae at tinignan pa si Aki bago tumingin sa baba.

"Thank you." Sabi ko at nginitian sila.

"Tignan niyo na?! Barumbado ang kapatid mo! Dapat d'yan pinapadala sa rehab!" Galit na sabi ng matalak na babae. "At iyang kapatid mo naman, kung hindi ba naman 'yan tatanga-tanga! Wala sana tayo dito pare-pareho!"

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon