NSA: 27

364 19 0
                                    

Hecate Redwood

Papunta ako ngayon sa convenient store na pagmamay-ari ni Persephone. Hindi kami close pero wala na akong ibang choice.

Masyado na akong nag-aalala para kay Iniko. Isang linggo at tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang mangyari ang insidenteng 'yon.

Pinilit kong itinago ang takot ko nang lumabas siya na may bitbit na baril pero hindi ko napigilan. Alam ko namang hindi niya ako kayang saktan pero noon ko lang siya nakitang maging gano'n. Nag-alala ako para sa kaniya dahil halatang takot din siya pero mas binalot ako ng takot ko.

Alam kong pumapasok pa rin siya sa company pero hindi ko siya nakikita, lagi siyang nasa meeting o kaya naman ay hindi ko siya mahagilap. Alam kong iniiwasan niya ako, tinanong ko na ang girlfriend niya pati si Rin ngunit wala naman silang maibigay na sagot sa'kin.

Si Kuya Alfred ay ilap din kaya naman si Persephone na lang ang natitirang tao na alam kong malapit kay Iniko.

Pagkapasok ko sa loob ay lumapit ako sa cashier para itanong kung nasaan ang boss niya. Sinamahan naman niya ako sa office nito doon.

Umalis din agad ang babae dahil may pumasok na customer. Kakatok na sana ako sa pintuang medyo nakaawang ngunit natigilan ako nang marinig kong may kausap siya.

"Sigurado ka bang hindi niya nalaman ang tungkol sa'tin?" Nag-aalalang sabi niya. Mukhang may kausap ito sa telepono. "Huwag na muna tayong magkita, hindi na rin muna ako sasama sa inyo."

Aalis na sana ako dahil mukhang wrong timing ang pagpunta ko subalit natigilan ako nang marinig ko ang pangalang binanggit niya.

"Lilith naman!"

What the...

Hindi na ako nag-isip pa at malakas kong binuksan ang pintuan ng mini office niya. Pagalit na tumingin naman siya sa'kin pero nawala rin iyon nang mapagtanto niya kung sino ako.

"H-Hecate! Napadalaw ka?" Gulat na tanong niya at mabilis na binaba ang telepono. "Upo ka, k-kanina ka pa ba d'yan?" Kinakabahang tanong niya.

Ang kapal ng mukha!

Sinugod ko naman siya at sinampal siya. "You bitch! Anong karapatan niyong saktan si Iniko? Ang kapal ng mukha mo! Tinuring ka niyang kaibigan pero ahas ka pala!" Galit na sabi ko sa kaniya.

"W-What are you talking about?" Patay malisyang tanong niya.

"Are you fucking serious?!" Sasampalin ko na sana siya ulit pero may pumigil sa kamay ko.

"What the heck, Cat? Kailan ka pa naging bayolente?" Hindi makapaniwalang tanong ni Iniko. Siya ang pumigil sa'king saktan ang makating babae sa harap ko.

"Your girlfriend is cheating with this whore! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Magpapa-fiesta?" Nagpupuyos sa galit na tanong ko sa kaniya.

"What are you talking about? Kumalma ka nga." Sabi niya at nilapitan si Persephone para i-check ang pisngi nitong namumula. "Are you okay, Percy?"

"What the fuck are you doing, Iniko?! Don't touch that bitch!" Sabi ko at tinabig ang kamay niya para mabitawan niya ang ahas na nagbabalatkayong kaibigan niya.

"Ano ba, Cat?! Kumalma ka nga! Parang hindi na ikaw ang best friend ko." Galit na singhal niya sa'kin.

Napaatras naman ako dahil sa sinabi niya. Ang kaninang galit para sa babaeng nang-ahas sa girlfriend niya ay napalitan ng sakit at sama ng loob.

"Bakit parang ako ang may mali? Niloko ka nila." Nagsusumamong sabi ko.

"Anong ebidensiya mo na niloloko nila 'ko?" Cold na tanong niya habang nakatalikod sa'kin.

Natameme naman ako dahil akala ko ay sapat na ang narinig ko at na ako ang nagsabi para maniwala siya sa'kin. Wala naman akong ibang ginawa kung hindi pasayahin at alagaan siya. Iniisip ba niyang nagsisinungaling lang ako?

"Sinasabi mo bang sinungaling ako?" Pinilit kong patatagin ang sarili ko kahit na sobrang bigat na ng nararamdaman ko.

Hindi naman siya sumagot kaya naman mas lalo lang akong nasaktan. "Mahal kita, Iniko." Nakangiting sabi ko kahit na hindi naman siya nakatingin sa'kin, kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko. "Hindi ko alam na sa gan'tong pagkakataon ako aamin sa'yo. Ilang beses kong plinano at pinagpantasiyahan kung paano ako aamin sa'yo ng nararamdaman ko."

Akala ko ay gagaan na ang pakiramdam ko kapag nailabas ko na pero bakit ang bigat? Bakit mas lalong bumigat?

"W-What do you mean?" Tanong niya at humarap na sa'kin. Pinunasan ko naman ang mga luha ko kaya naman malinaw ko na ulit siyang nakikita pati ang mga bakas ng luha sa mga pisngi niya.

"Mahal kita hindi bilang kaibigan, mahal kita ng higit pa ro'n. Mahal kita pero parang ayoko na. Akala ko okay na ako na hanggang best friend mo na lang pero nakakapagod din pala." Puno ng hinanakit na sabi ko. "Bakit kahit best friend mo 'ko, hindi kita maramdaman? Magmula no'ng araw na 'yon, sobrang layo mo na. Hindi mo na nga ako nakikita bilang babae pati ba naman bilang best friend mo, hindi pa rin? Nakakaubos din palang maghintay."

Lalapit sana siya sa'kin pero tumalikod na ako at tumakbo papunta sa kotse ko saka doon umiyak.

Ilang minuto rin akong umiyak lang ng umiyak sa kotse ko, umaasang hahabulin niya ako pero hindi niya ginawa.

Ako lang naman kasi ang mahilig humabol sa kaniya.

Bakit ba kasi hindi na lang ako? 

Nanatili lang ako sa kotse ko habang nakatulala sa pintuan ng convenient store ng babaeng 'yon. Umaasang lalabas si Iniko doon para hanapin ako.

Bakit ba ang hilig kong saktan ang sarili ko? Napaka bobo mo, Cat!

Parang tanga naman akong umiyak lang ulit ng umiyak sa loob kotse ko.

Hanggang sa huli, kahit pagod na ako at ang sakit-sakit na, hinintay pa rin kita.



No Strings AttachedWhere stories live. Discover now