NSA: 22

952 23 3
                                        

Nang makaalis na ako sa lugar na 'yon ay saka lang tumulo ang luha ko. Umiiyak na tinawagan ko naman si Cat.

"Hello, Iniko? How's the party? I bet they liked you." Bungad niya. Lalo naman akong naiyak dahil sa sinabi niya.

"I-It was great." Sabi ko na pilit pinapasaya ang boses.

"What happened? Where are you?" I can sense the urgency in her voice. I did my best to hide it but she really knows me.

"Can you fetch me here?" Malungkot na sabi ko.

"Okay, I'll be there. Send me the address then I'll call you back." Nagmamadaling sabi niya.

"I'll be fine, just... come here. I'll send it to you, take care." Sabi ko at binaba na ang tawag.

Nang mai-send ko na sa kaniya ay naupo na lang ako sa gilid ng highway sa tabi ng street lamp post at tumingin sa langit na puno ng stars.

"As long as I'm here, I won't let anyone hurt you." Nakangiting sabi niya.

I miss you, ayos lang sa'kin kahit hindi ako gusto ng lahat basta nandito ka. Ikaw ang forever kakampi ko, 'di ba? Why did you have to leave me?

Naalis naman ang atensyon ko sa langit nang may humintong kotse sa harap ko. Lumabas naman mula roon si Cat na naka-pj's pa.

"Cat!" Sabi ko at sinugod siya ng yakap saka umiyak sa kaniya.

"Shh. Halika na sa loob, uuwi na tayo." Sabi niya makalipas ang ilang minuto habang hinahagod ang likod ko.

Inhaling her sweet scent with her warm hugs really calms me down.

Makalipas ang ilan pang minuto ay pumasok na kami sa kotseng dala niya.

"Kailan ka pa bumili ng car?" Tanong ko habang pinupunasan ko ang ilong ko.

"Hindi ako bumili, gift 'to nina Dad sa'kin." Sabi niya habang naka-focus ang tingin sa daan.

"Bakit ngayon mo lang ginamit?"

"Gusto kong magpahatid sa'yo saka tinatamad ako mag-drive." Natatawang sabi niya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

"Sasabihin ko sa'yo kapag nasa bahay na tayo." Maya-maya'y malungkot na sabi ko pagkalipas ng ilang segundong katahimikan.

Tumingin naman siya sa'kin saglit at nginitian ako na parang sinasabi niya na magiging okay din ang lahat. "Kumain ka na ba? May gusto ka bang kainin?" Malumanay na sabi niya.

"Anything will do." Sabi ko at tumingin na ulit sa labas. Kanina pa ako wala sa party pero hindi man lang niya ako naisip tawagan o padalhan man lang ng mensahe.

Naiiyak na naman tuloy ako. Alam na kaya niyang wala na ako do'n?

"I have pizza! Swerte mo at hindi pa ako kumakain kaya may sasabay sa'yong maganda." Masiglang sabi niya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

"Alam naman nating dalawa na mas swerte ka, ang dami kayang gustong sumabay sa'kin kumain." Parang wala lang na sabi ko habang pinipigilang ngumiti ang sarili.

"You should date me, you know. Lugi ka pa ba sa'kin?" Mayabang na sabi ni Cat habang nakangiting nag-dri-drive.

"Sabi ko na nga ba at gusto mo 'ko e'." Natatawang sabi ko. "Umamin ka na kasi."

"Ang kapal talaga!" Sabi niya at pabiro pa akong inirapan.

"Kung liligawan mo 'ko, baka sakaling pag-isipan ko." Pang-aasar ko pa sa kaniya.

"Mamaya ka na mag-assume d'yan, Iniko. Tara na." Masungit na sabi niya.

Hindi ko namalayan na nakauwi na pala kami. Ang gaan na rin ng pakiramdam ko. I'm really blessed to have someone like her in my life. She keeps me together.

Pagkapasok namin sa apartment namin ay hinubad ko agad ang stiletto ko saka sumampa sa sofa.

"Iinit ko lang ang pizza." Sabi niya at pumunta na sa kusina namin.

"Her mom and cousins doesn't like me... at all," I said like it was the funniest thing ever. "They even laughed at me like I'm the biggest joke they've ever encountered."

Tumabi naman sa'kin si Cat. "Wait, what the heck? Why?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Right?! I mean-- Look at me." Sabi ko at tumayo sa harap niya saka umikot. "I'm amazing. I am amazing!"

"You are amazing but what happened then?" Tanong niya kaya naman napaupo ulit ako sa tabi niya napabuntong hininga na lang.

"Dumating ako do'n na parang hindi ako ang ine-expect nilang makita. May mali ba sa'kin? Sabi ni Lilith, out siya sa family niya kaya sure ako na hindi dahil sa babae ako." Naiiyak na sabi ko at niyakap ang mga tuhod ko. "Do I look like a bitch to you or something?" Duktong ko pa at humarap sa kaniya.

Hinawakan naman niya ang dalawang balikat ko kaya tuluyan akong napaharap sa kaniya. "Stop talking nonsense, Iniko. You look wonderful!" Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Am I ugly? Do I look like I don't deserve her daughter? Is it because I'm wearing black at her birthday party?" Naiiyak na tanong ko sa kaniya.

"This is not on you. It's literally the theme of her party. The only reason I could come up with is that, she might think that you look too good for her daughter and for their cousin." Seryosong sabi niya habang pinupunasan ang pisngi ko.

"I'm not ugly?" Parang batang tanong ko sa kaniya.

"Of course, you're not! You are breathtakingly beautiful." Masuyong sabi niya habang nakatingin sa mata ko.

 Ngayon ko lang na-realize na ang haba pala ng pilik mata niya at ang nipis ng mga labi niya. Nang tignan ko ulit siya sa mata ay nahuli ko siyang nakatingin sa labi ko at parang papalapit siya ng papalapit sa'kin.

Pipikit na sana ako nang may nag-ting galing sa kusina at tumunog naman ang phone ko, indikasyon na may tumatawag. Nag-iwas naman siya ng tingin at agad na tumayo. "A-Ano... pizza." Sabi niya at tinuro ang kusina saka nagmamadaling tumungo papunta doon.

Napasandal naman ako sa sofa. What was that?

Napatingin naman ako sa phone ko na nag-iingay pa rin at nakitang tumatawag sa'kin si Lilith. Wala talaga akong balak na kausapin siya ngayon pero dahil sa nangyari ay mukhang mas mabuting makausap ko siya kaysa kung anu-ano ang iniisip ko.

"Oh, thank God you answered!" I can sense relief in her voice.

"What is it?" Walang ganang tanong ko.

"I'm sorry about what happened tonight, babe. Its just that, I have this ex-girlfriend who she really love but don't worry. She just needs time." She said apologetically.

"The same with your cousins? That ex of yours must be very nice then." I said sarcastically.

"Well, she is but that's not the point."

"Wow! Are you really apologizing to me and praising your ex all at the same fucking time?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"What? No!" She said defensively.

"Oh, yes! You certainly are!" Sabi ko at binabaan na siya ng tawag saka padabog na hinagis ang phone ko sa sofa.

"U-Uhm... Pizza?" Tanong ni Cat at inangat ang dala niyang plato.

"Hell, yes!" Sagot ko kaya naman tumabi na ulit siya sa'kin at binaba ang plato sa lamesa sa harap namin saka binuksan ang TV.

"Grey's Anatomy?"

"Yup!" Sagot ko habang kumukuha ng isang slice ng pizza.



No Strings AttachedWhere stories live. Discover now