NSA: 11

633 26 14
                                    

After that day, lumipat na si Aki ng school kasama si Hexane.

May personal psychologist na ring na-hire sina Dada para kay Aki para mabilis siyang maka-recover sa mga nangyari. Ang alam ko ay ganoon din kay Hexane.

Kami naman ni Cat ay nasa loob lang ng apartment namin, sa couch to be exact.

Bukas pa kasi kami babalik sa trabaho, hanggang ngayon kasi effective ang leave naming dalawa.

"Hecate." Tawag ko sa pansin niya, nanonood kasi kami ng Grey's Anatomy ngayon.

"Hmm?" Sagot niya habang kumakain ng popcorn.

"Galit ka ba sa'kin?" Tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit?" Pagbabalik tanong niya at tinitigan pa ako habang naghihintay ng sagot.

Hindi ko naman napigilang yumuko para makaiwas sa tingin niya.

"K-Kasi ilang taon na pero hindi pa rin ako nag-o-open sa'yo tungkol sa nangyari." Mahinang sabi ko.

"Nandito ako para damayan ka hindi para alamin ang details ng mga nangyayari sa buhay mo. Hindi naman ako tsismosa. Kung malungkot ka at gusto mong umiyak, hindi kita pipigilan. I'll cry with you." Sabi niya at sumandal pa sa balikat ko.

"Thank you." Sabi ko at pinatong ang ulo ko sa ulo niya. "May isa pa pala akong sasabihin."

"Go ahead." Marahang sabi niya.

"I think I'm a lesbian, Cat." Pag-amin ko.

Sa gulat niya ay bigla na lang siyang bumangon, ang sakit tuloy ng ulo ko dahil biglaang pag-alis niya.

"You're gay? Dahil ba sa pinanood natin last time?" Hindi ko alam kung anong meron sa sinabi ko pero parang excited pa siya sa nalaman.

"No! Of course not." Pagtanggi ko naman.

"Then how did you know?" Naguguluhang tanong niya.

"Because I think I have feelings for this girl that I recently met." Nahihiyang sabi ko. Parang bigla naman siyang nawalan ng paki dahil sa narinig.

Ano bang problema ng babaeng 'to?

"Baka naman girl crush lang 'yan." Walang ganang sabi niya.

"No! No, it's not... It's different. May mga naging girl crush na ako dati pero iba 'to." Parang kinikilig namang sabi ko.

"You mean, may naging girl crush ka na dati pa?!" Gulat na gulat na tanong niya.

"Oo naman, sino bang walang girl crush? Girl crush lang naman, hindi ko gustong maging karelasyon... dati dahil ngayon, hindi na lang 'to basta girl crush." Paliwanag ko naman. 

"Sure ka na ba d'yan? Saan mo ba nakilala? Maganda ba? Mabait? Baka naman straight?" Sunud-sunod na tanong niya.

"You need to chill, Cat." Natatawang sabi ko.

"Just answer me!" Inis na sabi niya.

"Geez, fine. I don't know if she's straight okay? But I think she's not. She's gorgeous and a gentlewoman." Masayang sagot ko naman.

"Stop daydreaming, kadiri tignan." Sabi niya at inirapan pa ako.

Good mood siya kanina tapos ngayon masungit na naman. Ang moody talaga.

"Anong kadiri? Baka cute tignan. Matuwa ka na lang at baka siya na ang love of my life."

"Tss! Kapag nasaktan ka na naman, huwag kang iiyak-iyak." Sabi niya habang nakasimangot.

No Strings AttachedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora