NSA: 8

747 28 3
                                    

Somewhere Coffee Shop

Ang tagal naman yata ni Aki?

"Omg! Ate Iniko?" Napatingin naman ako sa tumawag sa'kin at nakita si Hexane kasama si Aki. Kumaway naman ako sa kanila at nang makalapit na sila sa akin ay saka lang ako nagsalita. "Hi, Hexane. Long time no see."

"Hello, Ate! It's been a while, I miss you!" She happily exclaimed then hugged me.

"Wow, si Iniko na-miss pero ako hindi." Hecate said with the coffees we ordered. 

"Ate!" Gulat na sabi ni Hexane.

Lumapit naman sa kaniya si Hexane at siya naman ang niyakap, nang tignan ko naman si Aki ay hindi siya makatingin sa'kin.

"Bakit nandito ka? Bakit nandito kayo ni Ate Iniko?" Tanong nito nang makaupo na silang dalawa ni Aki, magkatabi kami ni Cat habang nasa tapat naman namin silang dalawa.

"We're here to discuss a plan." Simpleng sagot ni Cat.

"Ate, bakit kasama sila?" Tanong ni Aki sa'kin. Sabay naman tumingin ng masama sa kaniya ang magkapatid. "I-I mean, hindi naman sa ayaw kong nandito kayo. Ayaw ko lang na ma-involve kayo sa problema ko." Paliwanag niya.

"Don't worry, Aki. Kailangan talagang nandito sila, baka bigla na lang magulat si Hexane kapag nakita niya kami ni Hecate sa school niyo." Sabi ko naman.

"O-Okay." Sagot naman niya. Confusion's written all over Hexane and Hecate's face.

"Woah, people. Care to explain what's happening here?" Cat asked.

"Omg! About ba 'to sa rumors, Ate Iniko?" Tanong ni Hexane nang mapagtanto ang mga bagay-bagay.

I see, mukhang malala na talaga ang nangyayari. Nabasa ko kasi ang pag-aalala sa mukha ni Hexane.

"What rumor?" Naguguluhang tanong ni Cat. Si Aki naman ay nakayuko lang habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

"Yeah, Hecate and I will be your new teacher for a week. Kailangan ma-confirm muna natin kung gaano na kalala ang rumor na 'to at kung sino ang pasimuno." Sagot ko naman kay Hexane. 

"Bawal malaman ng kahit sino na kilala niyo kami, hangga't hindi natin nalalaman kung sino ang may kagagawan nito." Duktong ko pa.

"Ano bang nangyayari?" Naiinis na tanong ni Cat dahil hindi namin siya pinapansin kaya kwinento ko muna ang nangyari para makasunod na siya sa pinag-uusapan namin.

"Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Rin." Nag-aalalang sabi ni Cat.

"I already fix that."

"How about my clothes?"

"And that, too."

"Ate, ano pala ang gagawin mo sa guy?" Tanong ni Aki.

"Do you have something in mind? I'm thinking about abducting him and throwing him away somewhere." I casually said.

"Huwag naman gano'n, Ate." Pagtutol niya.

"How about I hire someone to remove his genitalia?"

Tama, iyon na lang kaya?

"Ate!" Kontra na naman ni Aki. Tuluyan nang napakunot ang noo ko.

Pagtingin ko naman sa magkapatid para malaman ang opinion nila tungkol sa ideas ko ay parang hindi na maipinta ang mga mukha nila. Kung sa bagay, ang tagal na pala no'ng huli kaming mag-usap ng gan'to.

"Any recommendations? Should we bankrupt their company?" Suggest ko pa.

"Grabe ka naman, Iniko." Tutol ni Hecate nang maka-recover na siya sa pagkabigla.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now