NSA: 1

3K 62 9
                                    

"Okay na ba 'yan?" Tanong sa'kin ni Jay pagkatapos kong bilangin ang perang binayad niya.

"Yeah, mauna na ako." Sagot ko habang nagbibihis.

"Ngayon na? Mamaya na, tabi ka muna sa'kin." Pilit naman niya. I just rolled my eyes secretly.

"May gagawin pa ako. Kailangan ko lang talaga ng pera, bye." Sabi ko at umalis na.

Well, I don't really need money, I just love having sex. Just like what Heath Ledger said in his movie, 'If you're good at something, never do it for free.' 

Awe, I suddenly wanna watch 'The Dark Knight' again.

Ilang saglit pa ay nakauwi na ako.

"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi, babae?" Bungad sa'kin ni Hecate pagkabukas ko ng pinto.

"Kaunti na lang talaga at papasa ka nang nanay ko, Cat." Sabi ko at dumiretso na sa kitchen para kumuha ng wine.

"Saan ka na naman ba kasi galing? Saang bahay ka na naman nakiligo?" Sabi niya at nag-cross arms sa harap ko. "Babae ka pa naman, nag-aalala lang ako." Duktong pa niya.

Hindi ko alam kung may clue na siya sa business ko dahil sa madalas kong pag-alis pero sa tingin ko naman ay wala pa rin dahil kung alam niya ay sure akong i-co-confront niya ako tungkol doon.

Lumapit naman ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Don't worry, kaya ko ang sarili ko. Kumain na lang tayo, I'm hungry." Sabi ko at kinindatan siya. Nag-iwas naman siya ng tingin.

"Your Dad called me."

"Ano na naman daw ang kailangan niya?" Here we go again.

"Gusto ka raw niyang makita, na-mi-miss ka na raw nila ng Mommy mo. Hindi ka pa rin ba umuuwi?" Nag-aalalang tanong niya.

"I'll call them. Thanks." I said without answering her question.

Tinitigan naman niya ako saglit pero wala naman siyang sinabi.

Pumunta naman ako sa sala namin at doon humilata habang umiinom ng wine.

Hmm. Ano kayang magandang maidahilan para 'di ako makapasok bukas? Tinatamad na naman ako.

Habang nag-se-search ako ng mga possible excuses para bukas ay may biglang may nag-text sa'kin.

[Unknown number: Are you available tomorrow?]

Balak ko pa namang mag-movie marathon bukas. Ugh! Well, business is business.

[Me: Yeah. Time and place.
Unknown number: 6:30 pm at Caleb's.]

Caleb's? Bakit naman kaya doon? Sana naman hindi weird 'tong bagong client ko, lagot talaga sa'kin ang secretary ko kapag pinag-trip-an na naman niya 'ko.

**

[Unknown number: Are you still coming?
Me: Yeah, be there in a sec.]

Kailangan ko na naman yatang magpalit ng trabaho, ang boring na sa office. As if naman makakapag-palit talaga ako.

"This way, ma'am."

Mukhang mas maitataas ko ang rate ko para sa client ko ngayong gabi, ah?

Dinala naman ako ng waitress sa isang VIP room. Pagkapasok ko ay bumungad sa'kin ang isang magandang babae.

"U-Uhm... Mali yata ako ng room na napasok, sorry." Sabi ko at akmang lalabas na nang may tumawag sa phone ko. Sinagot ko naman agad 'yon habang binubuksan ang pinto. "You're in the right room."

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now