"Iniko, Tita called me. Hindi ka pa rin daw tumatawag sa kanila." Bungad ni Hecate.
"Bawal ba muna akong mag-breakfast?" Asar na tanong ko.
"Don't give me the damn attitude, Iniko Peterson! You're not the only one who hadn't sleep properly." Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi niya. Isang linggo na kasi kaming halos dalawang oras lang ang naitutulog kada araw. May big client kasi ang company namin na hindi satisfied sa result na nakuha nito last week kaya naman rush kami sa pag-aasikaso ng lahat ngayon.
"I'm sorry." I said sadly.
"It's fine just charge your freaking phone and call your family." Sabi nito habang magkasalubong ang dalawang kilay.
Lumapit naman ako sa kaniya at hinawakan ang mukha niya. Noong una ay umiwas pa siya pero dahil magaling ako ay wala siyang nagawa.
Ginamit ko naman ang dalawang hinlalaki ko para i-massage ang kilay niya.
"I'm sorry, Cat. Hindi ko sinasadyang ibunton sa'yo ang init ng ulo ko kanina." Marahang sabi ko. Unti-unti naman siyang nag-relax.
"You owe me a massage after this hell week." Masungit pa ring sabi niya.
"What? But I don't know how!" Sabi ko pero tinawanan lang niya ako. "Oh, you did it on purpose! You nasty witch!" Pag-aakusa ko sa kaniya.
"I don't know what you're talking about, but you owe me one! It's not my fault that you're a short-tempered bitch." She said and stick her tongue to tease me.
"Says by someone who's short-tempered, too," I mumbled.
"Don't eat your words, Iniko. Say it out loud." Naghahamong sabi niya.
"I said, I'll do it, your highness!" I said sarcastically.
"Good." She said then gave me a perky smile.
Sabay na kaming pumasok ni Cat sa company ng pinsan ko pagkatapos naming mag-breakfast.
Bago kami maghiwalay ng landas ay binilinan pa ako ulit nito na tawagan sina Mimi.
Hindi pa man ako nakakaupo ay lumapit na agad si Yvo sa'kin para sabihing pinapatawag ako ni Rin.
Hindi ko alam kung bakit ko pinangarap na tumanda agad noong elementary palang ako. Walang masaya sa pagiging adult. Stress here, stress there. Stress everywhere!
Hindi ko naman naiwasang tignan siya ng masama dahil sa sinabi niya.
"Woah! Chillax ka lang, Iniko babes. Napag-utusan lang ako." Sabi ni Yvo habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis.
Inirapan ko naman siya at nilayasan habang bubulung-bulong. "I hate life... I hate people."
Nakarating naman ako ng mabilis sa office ng pinsan ko, hindi na ako nag-abalang batiin pa si Honeylette dahil wala talaga ako sa mood ngayong araw.
Dire-diretso naman akong pumasok sa office ng magaling kong pinsan.
"Iniko! My dearest cousin." Masayang sabi ni Rin at talagang tumayo pa para i-assist ako paupo sa upuan sa harap ng table niya.
"Ano na namang kailangan mo?" Masungit na tanong ko at tinanggal ang kamay niyang minamasahe ang balikat ko.
"Ha? Wala akong kailangan, Cous. Hehe." Sabi niya at umupo na sa office chair niya. Tumayo naman ako agad. "Wala ka naman palang kailangan, aalis na ako at marami pa akong gagawin." Walang ganang sabi ko.
Naalarma naman siya at pinigilan ako agad.
"Cous, wait lang naman. Ikaw naman, hindi ka na mabiro. U-Uhm... May ano lang kasi..." Nag-aalangang sabi niya.

YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceGxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021