NSA: 23

367 18 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula nang mag-birthday ang mama ni Lilith. Pumunta siya kinabukasan sa apartment namin at sinubukan ulit magpaliwanag. Hindi na rin mainit ang ulo ko no'n kaya nagkaintindihan kami at nagkaayos.

Wala namang nag-o-open ng topic tungkol sa muntikan na naming paghahalikan ni Cat. Kung iyon man nga talaga ang mangyayari sana. She's straight so I'm not really sure. I must be imagining things.

Pagkapasok ko sa elevator ay magsasara na sana pero may kamay na pumigil do'n at pumasok si Cat sa loob.

"Top floor?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah." Sagot niya at tinuon ang tingin sa mga hawak niyang folder.

Parang sobrang tagal naman namin sa elevator at hindi ako mapakali. Ngayon lang ako nakaramdam ng gan'to ka-awkward na atmosphere kasama si Cat.

"Galit ka ba sa'kin?" Maya-maya'y tanong ko.

"What? No!" Sagot niya at tumingin lang sa'kin saglit saka nag-iwas ng tingin.

Sumandal naman ako sa gilid at tumingin sa kaniya. "Bakit mo 'ko iniiwasan?"

"Hindi kita iniiwasan, Iniko." Sagot niya. Hindi man lang niya magawang tumingin sa'kin, 'yan ba ang hindi umiiwas?

"Dahil ba 'to sa nang--" Hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko dahil bumukas ang elevator at may ibang mga pumasok. Dumaan pa kami sa ilang floor at nang kami na lang dalawa ang maiiwan ulit ay sumabay na siyang lumabas.

Bago sumara ang elevator ay humarap siya sa'kin saka ngumiti. "Busy lang ako, Iniko. I'm not mad or anything, see you at home!"

Great! Hindi nga talaga siya umiiwas.

**

"Hi, babes!" Masayang bati sa'kin ni Yvo pagkapasok ko sa conference hall at ipinaghila pa ako ng upuan malapit sa kaniya.

"Hi." Sagot ko naman at umupo doon.

"What's with this emergency meeting this time?" Tanong ko sa kaniya.

"Nakalimutan mo na ba, babes?" Takang tanong niya.

"Ang alin?" Naguguluhang tanong ko.

"Nakalimutan mo nga talaga." Natatawang sabi niya.

"Just say it! So what kung nakalimutan ko? The fuck." Galit na sabi ko.

"Chill, babes. 'Di ka talaga mabiro, magpaplano tayo ng surprise birthday party para kay Boss." Masayang sabi niya.

Oh, great!

Tumayo naman ako para umalis na pero pinigilan ako ni Yvo. "Saan ka pupunta? Malapit na magsimula."

"I'm really not into birthday parties, so good luck with the surprise." Bored na sabi ko at inalis ang pagkakahawak niya sa'kin. Sakto naman na pumasok si Cat.

"Hello, everyone! I'm glad that everyone came." Sabi niya at tumutok naman ang mga mata niya sa'kin.

"She's--"

"About to stay. Discuss the plan." Sabi ko at umupo na ulit. Naramdaman ko naman na nakatingin sa'kin si Yvo pero 'di ko na siya pinansin.

"I thought--"

"Shh! I'm listening." I said dismissively.

Nagsimula naman silang magsipag-suggest ng theme ng party.

"How about 70's?" Sabi ng isang may edad na lalaki.

"Nah, that's so lame." Sabi naman ng isang babae nasa mid 30's.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now