NSA: 7

2.1K 37 0
                                        

"Ma'am! Ano pong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Manong driver pagkapasok ko sa bus.

Nakita ko naman ang reflection ko sa bintana at nakita ang karumaldumal kong sinapit.

Gulo ang buhok at may mga dahon pa. Tumingin naman ako sa sarili ko at nakitang marumi ang damit saka may ilang galos sa braso.

Ano nga bang nangyari sa'kin?

"Iniko? Okay ka lang ba?" Sabi ni Cat habang nakahawak sa dalawang balikat ko.

Naramdaman ko namang may yumakap sa likod ko. "Mate! Sorry!" Hindi naman ako kumilos, kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.

"Hala, Ma'am Rin! Nasira mo yata si Iniko." Rinig ko namang sabi ni Honey.

"Iniko, babe! Dadalhin ka namin sa hospital, huwag kang sasama sa liwanag." Madamdaming sabi naman ni Yvo.

Huminga naman ako ng malalim bago lumakad. Kailangan kong kumalma, baka matuluyan ko ang mga tao rito.

"I-Iniko?" Nabasa ko naman ang takot sa mata ni Cat bago siya tumabi.

"Huwaahh!!! Mate, huwag kang gan'yan. Sorry na, huhu." Atungal ng babae sa likod ko.

"Bitaw." Madiing sabi ko.

"Sorry na, Mate. Hindi ko naman akalain na gugulong ka pababa e'. Hindi ko talaga sinasadyang gulatin ka." Paliwanag niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa'kin. Gulat? Hindi mo lang ako ginulat! Tinulak mo rin ako! Gusto ko sanang isigaw sa kaniya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.

Bigla ko namang naalala ang nangyaring paggulong ko pababa kanina at ang mga matang nakakita sa nakakahiyang pangyayari na 'yon sa buhay ko.

"Stop looking and touching me, I swear I'm gonna kill someone today!" Kalmadong sabi ko. Kung pwede lang i-convert para maging weapon ang banta ko ay paniguradong matalim na kutsilyo ang kalalabasan o kaya'y bomba na malapit nang sumabog.

Napalayo naman si Rin sa'kin. Kaya nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa pwesto ko, pagkatapos kong ilagay ang gamit ko sa compartment sa taas ay sinuot ko agad ang headphone ko at traveling pillow.

"Huwag niyo na muna siyang kausapin at lapitan, mainit lang ang ulo niya pero babalik din siya sa normal." Napatingin naman ako sa kanila at nakitang parang mga bata silang inaalo ni Hecate.

Tsk! Sila pa ang may ganang mag-inarte? Ako kaya ang nahulog!

Nilakasan ko na ang volume ng pinapakinggan ko para hindi ko na sila marinig.

Hindi man lang kasi mag-ingat, parang lahat ng bagay laro sa kaniya. Minsan parang ang sarap manakal ng tao.

Matutulog na sana ako nang may nag-alis ng headphone ko. Magagalit na sana ako nang makita si Cat sa tabi ko.

"Huwag ka nang magalit, gagamutin ko lang ang sugat mo." Sabi niya at pinakita pa ang emergency kit na hawak niya. Wala naman akong nagawa at hinayaan na lang siyang gamutin ang mga galos ko.

"Nakikinig ka na naman ba ng classical music?" Tanong niya habang dahan-dahang dinadampian ng bulak na may alcohol ang sugat ko.

"Yeah."

"Ang hilig mo talagang makinig ng gan'yan." Sabi niya habang nilalagyan ng gasa ang mga sugat ko. Medyo mahaba kasi ang iba kaya hindi sapat ang bandaid.

"Pagpasensyahan mo na ang pinsan mo, ha? Alam mo namang kahit matanda na 'yon ay may pagkaisip bata pa rin minsan." Sabi niya habang ginagamot naman ang noo ko. May sugat din pala ako do'n.

Wala naman akong magagawa, ayaw ko lang talaga na napapahiya ako. Ang daming nakakita ng paggulong ko kanina, swerte na lang na naiharang ko agad ang mga kamay ko sa ulo ko kaya kahit papa'no ay wala namang grabeng nangyari sa'kin.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now