NSA: 28

351 19 0
                                    

Iniko Peterson

Gustuhin ko mang sundan si Cat ay mas pinili kong panuorin na lamang siyang tumakbo palabas dahil kailangan kong makausap si Percy.

Huminga ako ng malalim para maibsan kahit papa'no ang paninikip ng dibdib ko.

"Iniko--"

"Alam ko nang dati mong karelasyon si Lilith, Percy." Pagputol ko sa gusto niyang sabihin kaya naman natahimik siya.

Nang humarap ako sa kaniya ay nakayuko lang siya. "What were you thinking, Percy?! Nakipaghiwalay ka para ano? Timing naman na halos kaka-break niyo lang saka ko siya naging client. Wow!"

Nag-angat naman siya ng tingin sa'kin. "I swear, hindi ka namin niloloko. Break na talaga kami." Diterminadong sabi niya.

"Alam ko pero putangina, bakit mo naman hinayaang maging girlfriend ko siya?! Araw-araw na akong nandidiri sa sarili ko dahil sa mga lalaking nakagamit na ng katawan ko, akala ko sasaya na talaga ako ng totoo pero ano na naman 'to?" Puno ng hinanakit na tanong ko sa kaniya.

"Maruming babae na nga ako, ngayon mang-aagaw na rin?" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

"Kaya pala parang ako ang kontrabida sa mata ng pamilya ni Lilith. Tangina, pinagmukha niyo akong tanga!" Galit na sabi ko. "Ang alam pa close friend kita. Akala siguro nila nagpaubaya ka sa'kin, na inagaw ko siya sa'yo. Wala na ba akong karapatan magtira ng kahit kaunting pride para sa sarili ko?"

"I'm s-sorry, Iniko." Umiiyak na sabi niya.

Hindi muna ako nagsalita ng ilang minuto para ikalma ang sarili ko.

"Alam ba ni Lilith na alam ko na?" Kalmadong tanong ko.

"H-Hindi pa."

"Huwag mong sasabihin, ako ang magsasabi sa kaniya. Hindi ko alam kung anong motibo niyo kung bakit niyo ginagawa pero wala na akong pakialam." Walang emosyong mungkahi ko. "Ikaw ba ang babaeng kasama niya last week?" Diretsahang tanong ko pa sa kaniya.

Napaiwas naman siya ng tingin sa'kin saka yumuko.

"Ano 'yan? Ex with benefits?" Pagak na tanong ko. "Huwag kang mag-alala, ibabalik ko na rin siya sa'yo. Mga gago!" Galit na sabi ko.

Iniwan ko siyang iyak lang ng iyak sa office niya. Paglabas ko ng pintuan ay inayos ko muna ang sarili ko, lalabas na sana ako ng store kaya lang nakita ko ang kotse ni Cat.

Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin ngayon. Sobrang dami ko nang atraso sa kaniya.

"Mahal kita, Iniko."

Naramdaman kong muli ang kiliti at init na hatid ng mga salitang 'yon na nagpadama ng iba't ibang klase ng emosyon sa'kin kanina.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" Tanong sa'kin ng isang babae na sa tingin ko ay cashier dito.

Noon ko lang napansin na nakahawak na pala ako sa dibdib ko. Napasinghap naman ako dahil napigil ko pala ang paghinga ko.

"Y-Yeah." Sabi ko at binigyan siya ng pilit na ngiti saka naglakad na palabas.

Wala na ang kotse niya.

Dumaan ang mga linggo na hindi kami nagpapansinang dalawa. Hindi pa rin ako umuuwi sa apartment namin kaya naman naging madali lang ang pag-iiwasan namin.

Sinunod naman ako ni Percy at umakto siyang hindi ko pa rin alam, kaya naman minsan ay kasama pa rin namin siyang gumala. Mas naging malinaw na rin sa'kin ang mga palihim na pagsulyap ni Lilith sa kaniya at ang mga simpleng gesture nito gaya nang pag-order ng pagkain para kay Percy na para bang kilalang-kilala na niya ito.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now