"Yoohooo... Lumabas na kayong dalawa..." Rinig naming sabi nito habang nagbubukas ng pintuan ng mga kwarto."Huwag na kayong matakot sa'kin, wala naman akong balak na saktan kayo."
Dahan-dahan naman akong tumayo habang inaalalayan ang kapatid ko. Sinenyasan ko siyang tumahimik at magtago sa ilalim ng kama ko.
Pinipilit pa niya akong sumama sa kaniya sa ilalim pero nakumbinsi ko siyang sa closet ako magtatago.
Kahit kasi maisipang sumilip ng lalaki sa ilalim ng mga kama ay hindi siya makikita nito.
May secret compartment kasi sa ilalim ng kama , kasiya naman kaming dalawa doon ngunit malaki ang possibility na mapansin ng lalaki iyon kapag pareho kaming nandoon. Isang kama lang ang mayroong gano'n dahil pagtataguan ko sana iyon ng mga libro ko bukas. Pasalamat na lang talaga ako at natapos ang paggawa ng compartment na iyon bago nagkasakit si Aki.
"Isa lang naman sa inyong dalawa ang gagalawin ko, kaya lumabas na kayong dalawa." Sabi nito at alam kong nasa tapat na siya ng kwarto namin.
Narinig ko namang sinubukan nitong buksan ang pintuan ngunit dahil naka-lock ay asar itong umalis pagkatapos kong makarinig ng ilang kalabog. Tingin ko ay tinadyakan nito ang pintuan ng kwarto namin.
Nakahinga naman ako ng malalim dahil akala ko'y sumuko na siya ngunit binalot din ako agad ng takot nang marinig kong parang may ginagamit siyang susi para buksan ang kwarto namin.
Saka ko lang naalala na baka nakuha nito ang susi sa katawan ni Nanay Becky. Ayaw ko mang mag-isip ng masama pero sa tingin ko ay patay na ito.
Lord, huwag niyo po sanang pababayaan ang kakambal ko kahit anong mangyari. Kaya ko na po ang sarili ko.
"Surprised!" Narinig kong sabi ng lalaki matapos nitong mapagtagumpayang buksan ang pintuan ng kwarto namin.
"Aba! Gusto niyo pa ring makipaglaro ng hide and seek? Dahil mabait ako, kung sinong una kong makita, siya na ang napili ko. Walang magseselos, ah?" Parang baliw na sabi nito pagkatapos ay tumawa ng malakas. Kita ko naman ang bukas na pintuan. Kung makakatakbo ako ng mabilis ay makakatakas ako pero maiiwan ko ang kapatid ko, kahit na maliit lang ang posibilidad na makita siya ng hindi kilalang lalaki ay ayaw ko pa rin siyang iwan.
Kitang-kita ko naman mula sa closet namin na pumunta ito sa kama namin at inalis ang comforter na nakatabon sa mga unan na ginawa ko kanina.
"Talagang inaaliw niyo akong dalawa." Sabi nito at tumawa na naman mag-isa.
Pinigilan ko namang sumigaw nang bigla itong sumilip sa ilalim ng kama sabay sabi ng, "Huli ka!" Halos mahigit ko ang hininga ko sa pag-aakalang nakita niya nga talaga ang kapatid ko.
"Magaling kayong magtago, ha." Nagagalak na sabi niya at tinignan naman ang ilalim ng kabilang kama ngunit halos panawan naman ako ng pag-asa nang bigla itong tumingin sa direksiyon ko at unti-unting naglakad palapit sa'kin.
Pumikit ako at nagdasal na sana'y hindi niya ako makita sa pinagtataguan ko kahit obvious naman na makikita niya ako.
Kasabay ng pagbukas niya ng pintuan ng closet na pinagtataguan ko ang pagdilat ng mga mata ko. "Gameover." Sabi nito at sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.
Wala naman akong nagawa nang hinatak niya ako't hinagis sa ibabaw ng kama.
"Pinahirapan niyo akong hanapin kayo kaya sorry kung mapapahirapan din kita." Parang dimoniyong sabi niya at dinilaan pa ang ibabang labi niya.
"H-Huwag po." Rinig ko naman ang pag-crack ng boses ko nang sabihin ko iyon. Tuluy-tuloy na rin ang mga luha kong dumausdos sa mga pisngi ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot.

YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceGxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021